CHAPTER 25

19 6 0
                                    

                          EHRA POV

Nakatayo pa din kami. Hindi ko alam ang gagawin at parang hindi ako makagalaw.

“Shhhh..” sabi ni Kio habang pinapakinggan yung ingay sa taas. Muli ko din pinakinggan yung ingay at nakumpirma ko na footstep nga iyon.

“Guys, magtago tayo.” utos ni Pres Theo na dahilan ng pagkakapanic namin. Hindi namin alam ang gagawin. Napatingin kami kay Violet na binuksan bigla ang pintuan. Hindi namin alam kung ano ang nasa loob nun. Hindi na kami nagdalawang isip at pumasok na doon. Nagmadali naming isinara ang pintuan. Nagtago kami sa ilalim ng isang lamesa. Kasya naman kami sa ilalim ng lamesa pero medyo nasisikipan din ako.

Naririnig na namin na papalapit na yung tao. Kinakabahan ako at parang sasabog na yung puso ko sa kaba.

“Shhh..” bulong ni Violet. Pinapakiramdaman namin yung papalapit na footsteps. Maya-maya ay tumigil ang mga footsteps. Sinubukan namin itong pakinggan ulit pero muli namin itong narinig at sa pagkakataong iyon ay palayo na sa amin.

Palayo ng palayo ang footsteps hanggang sa hindi na namin ito ito narinig. Dahan-dahang lumabas si Violet sa ilalim ng lamesa.

“Guys. Wala na.” pagkasabi nun ni Violet ay nagsilabasan na din kami. Nakahinga na din ako ng maluwag.

“Diba! Sabi ko naman sayo na mapapahamak tayo!” sigaw ni Pres Theo sa kanya.

“Muntik lang. Atsaka tingnan mo. Anong sinasabi mong mapapahamak. Wala ngang kalaman laman itong silid na ito. Parang bodega lang.” sagot ni Violet habang tumitingin sa paligid.

Napatingin ako sa paligid. Walang mga kagamit gamit. Mga alikabok at dumi lang. Medyo madilim pa din kahit na may flashlight kami.

“Ano naman? What if may kung ano pala dito. What if may patibong?” pag-aalala naman ni Stella.

“Umalis na nga tayo.” yaya naman ni Kio. Akma na sana kaming aalis ng may narinig kaming kung anong tunog sa sulok. Napaatras naman si Stella papunta sa akin.

“A-ano yun?” takot na tanong ni Stella.

Nagulat kami ng biglang bumagsak sa sahig si Kio. Nanlaki ang mga mata namin ng may kasunod na dugong umaagos mula sa kanyang ulo.

Kio ayos ka lang?” agad na pinuntahan ni Stella si Kio na nakahiga ngayon sa sakit. Tumingin ako sa paligid para hanapin kung saan nanggaling yun. Nanlaki ang mga mata ko ng may nakita akong isang lalaking nakatayo sa likod ni Pres Theo. May hawak itong kahoy at mukhang pupukpukin niya si Pres..

“Pres!” sigaw ko sa kanya. Pero huli na. Hinampas na ng lalaki ang ulo ni Pres Theo kaya naman bumagsak din ito sa sahig. Napaatras ako at si Violet. Napatayo din si Stella mula sa pag-kaupo dahil sa pagkaalalay niya kay Kio. Nawalan na ng malay ang dalawang lalaking kasama namin.

“Sino ka!” sigaw ni Violet sa kanya. Inambahan siya ng suntok ni Violet pero nahawakan niya ang kamay nito. Itinulak niya si Violet na ikinatumba naman niya.

“Violet!” sigaw ni Stella. Mukhang nasaktan si Violet at nahihirapang tumayo. Tumingin sa amin ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Nakaitim siya na jacket at sumbrero. Nakaitim din na facemask.

Wait.... Siya ba yung humabol sa akin nung nakaraan?

Palapit siya sa amin ni Stella kaya napaatras kami. Wala na din kaming maatrasan dahil dingding na ang nasa likod namin. Takot na takot na kami ni Stella. Nakalapit na siya. Bigla niyang hinila si Stella. Nagpumiglas si Stella at sinubukan ko namang tanggalin yung kamay niya sa braso ni Stella. Kaso malakas yung lalaki kaya naman naitulak niya ako na ikinaupo ko naman sa sahig.

“Ehra, tulungan mo ako!” pagmamakaawa sa akin ni Stella. Sinubukan kong tumayo pero biglang hinampas ng lalaki ang ulo na Stella kaya bumagsak ito sa sahig.

“Stella!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya. Si Violet naman ay sinubukang suntukin ang lalaki sa likod. Tumama ito na ikinatingin ng lalaki kay Violet. Nagulat ako ng hinampas din si Violet ng lalaki kaya sa huli. Nawalan din siya ng malay.

Nanginginig ako. Hawak ko ang ulo ni Stella ngayon na wala ng malay. Ako nalang ang natitira. Humarap sa akin ang lalaki ang dahan-dahang lumapit.

Nanginginig ako at hindi makagalaw. Lumuhod siya sa akin dahil nakaupo ako. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya naman iniiwas ko ang mukha ko. Bigla niya akong hinawakan sa mukha para iharap ito sa kanya. Tiningnan niya ako ng mabuti.

Dinuraan ko siya.

Napaatras siya at pinapahid yung laway na tumama sa mukha niya. Mukhang nainis siya sa ginawa ko.

Itinaas niya ang kahoy. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya itong inihampas sa akin. Nahilo ako at bumagsak ng tuluyan sa sahig. Hindi ko alam ang totoong nangyayari at kung sino siya. Natatakot pa din ako.

Unti-unti na akong pumikit at nawalan ng malay...

                        EMILY POV

Its already 11:00 am. Wala pa din sila. Nagsimula na ang party. Nasaan na ba sila? Kanina pa kami nakaupo nila Adalyn, Dylan at Anthony sa isang table. Kanina ko pa sila chinachat pero walang online sa kanila.

“Guys, nasaan na ba sila? Bakit wala pa din sila?” tanong ko.

“Ewan ko din.” sagot ni Dylan.

“Pero kanina, sabi sa akin ni Ehra pupunta lang daw sila ng school saglit.” sagot naman ni Adalyn.

“Kanina pa talaga sila. Pupunta ba talaga sila?” inis kong tanong.

“Antayin lang natin. Baka nalate lang.” sabi ni Dylan. Sumimangot ako. Nawawalan na ako ng gana. Alam ko naman na hindi nila ako paboritong kaibigan. Pero sana kahit sa birthday ko lang ay iparamdam nila sa akin na ako naman ang favorite nila. Hindi nalang lagi si Violet.

Naiinis ako kay Violet. Kasi kahit maldita siya ay madalas pa din siyang damayan at lapitan. Kapag siya ang gumagawa ng gulo at kamalditanahan eh okay lang sa kanila. Kapag nagyayaya siya eh sinasamahan agad siya. Pero ako.. Wala. Lagi silang hindi. Ayaw nila kapag ako yung gumagawa ng gulo. Ayaw nila kapag ako yung nagyayaya. Sa madaling salita ayaw nila ako.

Lagi nalang akong sunod-sunuran sa kanila. Tinitiis ko nalang lahat. Naiinggit ako kay Violet. Masyado siyang pabida. Naiinis ako sa kanya. Sa kanilang lahat. Kahit naman yung mga kaharap ko ngayon na sila Dylan, Adalyn maging si Anthony. Plastik.

Kanina pa talaga. Mukhang wala naman ata silang balak pumunta. Well, hindi naman kasi nila ako priority. Baka nga nakahiga lang sila ngayon. Hindi man lang nila naisipang magbihis. Mga b*tch!

2:00 pm na nung natapos yung party. Hindi sila pumunta.

Nakalimutan nila ako. Kinalimutan nanaman ako.

Pumasok na ako sa loob ng bahay para magbihis. Hindi sila pumunta. Naiiyak ako. Wala talaga silang pakialam sa akin. Kinalimutan nila ang birthday ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanila pagtapos nito.

Siguro tapos na yung pagkakaibigan namin at lahat ng pinagsamahan namin pagkatapos ng lahat ng ito.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon