CHAPTER 31

17 5 0
                                    

                          EHRA POV

Tumayo na kami para sa pagtakas. Sumilip muna si Violet sa pintuan para tingnan kung may nakabantay pero wala naman kaya sinimulan niya ng buksan yung pintuan. Inilusot niya yung kamay niya sa isang butas ng pintuan. Nag-iingat kami ngayon na makagawa ng anumang ingay.

Maya-maya ay nabuksan niya na yung pintuan. Lumabas kami ng tahimik. Naglalakad na kami ngayon sa parang haunted house na ito. Hindi ko alam kung anong lugar ito pero parang abandonado. Dahan-dahan lang talaga kami kasi baka mahuli kami. Sasabog na ata yung puso ko sa kaba. Parang hindi din ako makalakad ng maayos kasi nanginginig yung paa ko.

Nagulat kami ng biglang may narinig kaming paparating na tao kaya naman nagtago agad kami sa isang ilalim ng isang lumang lamesa.

“Shh..” sabi ni Violet. Napatakip ako ng bunganga ko. Parang may inilagay yung lalaki sa ibabaw ng lamesa. Hindi kami makagawa ng ingay dahil nasa taas lang namin yung lalaki. Maya-maya ay umalis na din yung lalaki. Pero sinilip muna namin kung nakaalis na talaga dahil baka nandiyan lang pala. Nung masiguro naming wala na ay itinuloy na namin yung paglalakad. Hinahanap namin yung labasan nito.

Dadaan na sana kami sa isa pang parang lumang kwarto pero walang pintuan kaya makikita kami ng nasa loob nun. Napahinto kami ng may magsalita.

“Siguraduhin niyo na hindi makakawala yung dalawa.” sabi ng isang lalaki pero wait... Pamilyar na pamilyar sa akin yung boses. Hindi ako pwedeng magkamali. Sinilip ko yung lalaki na narinig namin na nagsalita. Nanlaki yung mga mata ko.

“B-bakit Ehra?” bulong na tanong ni Violet sa akin. Halos hindi ko mapigilang mapasigaw. Nakita ko si...

Nathan!

Hindi ako makapaniwala. Si Nathan? Nandito? Paano? Bakit? Siya yung isa sa mga kumidnapped sa amin? Atsaka siya pa ata yung mastermind. Nilingon ko si Violet na nasa likod ko.

“Kilala ko yung lalaking yun. Kilalang- kilala ko.” sabi ko kay Violet kaya nanlaki din ang mga mata niya.

“Talaga ba?” tanong niya sa akin. Hindi din siya makapaniwala. Tumango ako. Sinilip ko ulit yung mga lalaki na nasa lumang kwarto. Nakita ko yung kausap na lalaki ni Nathan. Kausap niya yung lalaking namukpok sa amin at yung nanakit sa amin kanina sa kulungan. May kasama din silang isa pang lalaki, yung katulong nila kanina sa paglalagay sa amin ni Violet sa likod ng kotse.

“Hindi na makakawala yun. Magaling kaya kami.” sabi ng lalaking namukpok sa amin kanina. Nagtatanggal na ng mask yung lalaking namukpok sa amin. Makikita ko na yung h*yop na toh. Tinanggal na ng lalaki yung mask niya at...

Hala ang gwapo naman!

Pogi yung lalaking namukpok sa amin kanina. Nakikilala ko yung mukha niya. Kung hindi ako nagkakamali ay president din ata siya. Pogi sana kaso demonyo yung ugali. Napakasama! Nagulat ako ng biglang tumayo si Nathan at parang lalabas na..

Lalabas na nga!

Nilingon ko si Violet.

“Ano ng nangyayari?” tanong niya. Hinila ko siya patayo para magtago.

“Lalabas na sila.” sagot ko sa kanya habang naghahanap ng matataguan.

“What the f*ck!” mura niya kaya nagmadali na din siya. Nakahanap kami ng isang pader na kung saan pwede sana kaming magtago. Pupunta na sana kami ng..

“What the hell? Nakatakas sila!” narinig namin yung sigaw ni Nathan mula sa likuran namin kaya naman napalingon kami sa kanya ni Violet.

“Ehra takbo na!” pagsigaw nun ni Violet ay hinila niya ako palayo para makatakas na. Sinumulan na naming tumakbo.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon