CHAPTER 14

26 7 0
                                    

                          THEO POV

Nakarating na kami sa school. Dumiretso kami ni Kio ng faculty dahil doon din kami pinapapunta ni sir. Pagpasok namin sa faculty ay bumungad sa amin sila Sir Gomez, Ehra, Stella, Emily, Luke at Violet. May mga pulis na din doon.

Tumingin ako kay Violet kasi naman bakit napakadungis niya? Nabaliw na ba siya dahil sa pag kawala ni Camilla? Ang dungis ni Violet and wait..

Bakit suot niya pa din yung suot niya kahapon sa school?

Napailing nalang ako. What a girl. Pero nagulat ako nang biglang tumayo si Violet papunta sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya pero laking gulat ko nang bigla niya akong sinuntok. Dahil doon ay napaupo ako sa sakit.

“Ouch! Ah! Ang sakit! Sh*t!” sigaw ko habang nakaupo sa sakit. Ang sakit ng labi ko at feeling ko dumudugo na.

“Violet stop!” pigil nila Ehra sa kanya. Susugudin niya pa sana ako para suntukin ulit pero inawat na din siya nila Luke. Tinulungan naman akong itayo ni Kio.

“Violet! Anong ginagawa mo! Bakit ka nanaman nananakit?” tanong sa kanya ni Sir Gomez.

“Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala si Camilla!” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong ako? Ano bang sinasabi niya?

“W-what? Anong ako?” nagtataka kong tanong. Dinuro niya ako at sinamaan sobra ng tingin.

“Oo! Nang dahil sayo nawala si Camilla! Kung hindi ka sana gumawa ng kwento para paglinisin ako ng school edi sana hindi ako naglinis nung araw na yun at sana nabantayan ko si Camilla!” sigaw niya sa akin.

Hindi ko maintindihan. Bakit ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni Camilla. Wala akong kinalaman diyan. Atasaka anong connect ba ng pagcocommunity service niya sa pagkawala ni Camilla? Nakatadhana na talagang mangyari yun.

“Ehra. Ilabas nyo muna iyang si Violet. Nakakagulo lang siya ” utos ni Sir Gomez kaya naman lumabas si Ehra at Violet na umiiyak pa din. Nakatingin pa din ito ng masama sa akin kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya. What a girl! Nakakatakot naman yung mga tingin niya.

Pinaupo na kami ni sir. Iniinterview kami ngayon ng mga pulis. Sila Emily at Stella ang unang ininterview dahil sila ang huling kasama ni Camilla bago ito mawala.

Hindi ko alam pero bakit parang nakakaramdam ako ng awa ngayon? Sadya lang ba talagang nagkataon lang na gusto ko nang tumulong sa paghahanap sa killer or gusto ko lang nanaman magpasikat? Haystt..

                         EHRA POV

Nandito kami ngayon sa hallway. May dalawang silya dito kaya napagdesisyunan ko na dito na din kami umupo ni Violet. Patuloy pa din siyang naiyak dahil sa patuloy nga na pagkawala ni Camilla. Hindi ko din naman siya masisisi kasi masakit talaga mawalan ng kaibigan. Pero hindi naman tama yung ginawa niya kay Pres Theo kanina. Wala namang kasalanan si Pres Theo sa nangyari.

Umiiyak siya ngayon. Niyakap ko siya para naman makaramdam siya ng ginhawa kahit papaano. Sinusubukan ko siyang patahanin pero ayaw niya talaga. Ito ang pangalawang beses na nakita kong umiyak si Violet. Nung una is yung nawala si Eunice. Trio talaga silang tatlo nila Camilla at Eunice kaya naman pinahahalagahan nila ang bawat isa.

“Shhh.. Mahahanap din natin si Camilla.” tahan ko sa kanya.

“Hindi nga natin siya hinahanap ngayon eh! Paano natin siya makikita?” sabi nito habang umaagos ang luha.

“Ininterview lang sila Stella at Emily. Pero pagkatapos nun ay hahanapin na agad si Camilla.” paliwanag ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan niya ang kanyang luha at humarap ng tuwid sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

“E-ehra. Pwede bang samahan mo ako mamaya?” nagtaka ako sa tanong niya kanina.

“S-saan?” tanong ko. Huminga muna siya ng malalim sabay lumapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng may ilabas siyang isang pares ng sapatos na kulay itim.

“A-ano yan? Kanino yan Violet?” tanong ko sa kanya.

“Ehra. Alam kong mapagkakatiwalaan ka. Huwag mong sasabihin ito sa iba. Maging kay Stella.” sagot niya na lalo ko naman ipinagtaka. “Ano ba yun Violet? Sabihin mo sa akin. Hindi ko sasabihin sa iba promise.” seryoso kong sabi sa kanya.

“Kay Camilla itong sapatos na ito.” mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kay Camilla ba talaga yun? Tiningnan ko ng mabuti ang sapatos at nakaramdam ako ng kaba ng matandaan na kay Camilla nga yung sapatos na iyon.

“Nakita ko ito malapit sa likod ng school. Kung nandito yung sapatos niya. Nandito pa din siya.” sabi ni Violet.

“Violet. Ebidensya yan. Hindi natin pwedeng itago yan sa mga pulis. Makakatulong yan sa paghahanap kay Camilla.” sabi ko sa kanya.

“No! Hindi natin ito sasabihin sa mga pulis! Walang makakaalam nito. Magpromise ka na walang makakaalam nito!” pakiusap niya sa akin. Nagtataka ako sa kanya dahil ayaw niyang ipaalam kahit kanino ito. Nakakaramdan na din ako ng kaba.

“Violet. P-promise, walang makakaalam nito. P-pero bakit mo tinatago yan?” tanong ko sa kanya.

“Ehra. Kailangan kong mahanap si Eunice at Camilla. At ang ang tanging paraan lang ay ako mismo ang maghanap. May nakita akong sikretong lumang silid sa likod ng school. Pinasok ko yun kahapon pero hindi ko naikot yung buong silid na yun. Nahuli ako ng guard kaya hindi ako umalis kagabi para hanapin ulit si Camilla pero nung pagpunta ko ulit sa lumang silid na yun ay nakalock na.” paliwanag niya. Kaya pala ganyan ang itsura niya ngayon kasi hindi siya umuwi at nagpaiwan lang siya sa school.

“Violet mapapahamak tayo kapag ginawa natin iyan. Tingnan mo naman. Napakarami ng mga clue na pwedeng makatulong sa paghahanap natin kay Camilla, and also kay Eunice.” pangungumbinsi ko sa kanya. Pero hinawakan niya yung dalawang kamay ko at yung mga mata niya ay mukhang nagmamakaawa.

“Please Ehra.. Huwag mong sasabihin ito. Tulungan mo ako. Ito nalang yung pwede kong magawa sa kanila dahil hindi ko sila nabantayan. Ako ang may kasalanan kung bakit sila nawala.” pagmamakaawa nito sa akin. Naawa ako sa itsura ngayon ni Violet. Sinisisi niya yung sarili niya kahit wala naman talaga siyang kasalanan.

Sinabi ko din na gusto ko naman na tumulong sa paghahanap sa killer pero.. Hindi sa ganitong paraan. Naawa nalang talaga ako kay Violet. Hindi naman siguro masama na tulungan itong si Violet. Oo hindi maganda ang pakikitungo niya sa mga tao pero alam ko na mabuti siyang tao.

“Sige Violet. Pero promise mo na hindi tayo mapapahamak sa mga plano? Mag-iingat tayo.” sagot ko sa kanya dahilan para yakapin niya ako ng saglit at pagtapos ay humarap ulit sa akin.

“Thank you Ehra! Promise, safe itong plano natin! Walang mapapahamak.” paliwanag niya habang nakangiti sa akin. Nginitian ko lang din siya.

“Kanino yan?” nagulat kami parehas ni Violet nang biglang may nagsalita. Nakita namin si Pres Theo na nakatingin sa hawak na sapatos ni Violet.

Hindi ko alam ang gagawin. Para kaming nakakita ng multo. Ilang sandali pa ay lumapit si Pres Theo sa amin at wari ba ay sinisiyasat ang sapatos.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko din alam kung kinakabahan din ba si Violet ngayon.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon