CHAPTER 28

21 6 0
                                    

                          LUKE POV

Dumiretso ako sa likod ng school. Sabi sa akin ni Ehra kanina ay nasa likod sila ng school. Malapit na dumilim kaya binilisan ko na din sa paglalakad. Kung saan- saan ako naghahanap. Sumigaw ako ng ilang beses pero itinigil ko din kasi baka mahuli ako ng mga guards na nag-iikot. Huminto muna ako sa isang upuan kasi napapagod na din ako. Pinunasan ko ang pawis ko at huminga muna ng maluwag.

“Nasaan na ba kayo?” tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko sure kung si Ehra at Stella lang yung magkasama o may iba pa. Nahihirapan na ako sa paghahanap kasi puro mga matataas na damo yung nandito.

Maya-maya ay nagulat ako ng may may nakita akong isang karton. Kaagad kong pinulot iyon at binasa ang nakasulat.

“D-dont?” taka kong tanong. Hindi ko alam kung saan nanggaling ito. Pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa sulat na ito. Dugo ba yung ginamit panulat dito? Hindi ko nalang inintindi at tinapon yung karton na iyon. Tumayo ako at ipinagpatuloy ang paghahanap.

Napahinto ako sa paglalakad ng bigla kong makasalubong si Nathan. Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito?

“B-bakit ka n-nandito?” taka kong tanong sa kanya. Ngumisi siya.

“So? Inutusan akong magmonitor dito kung may mga gumagala. And meron nga.” sagot niya naman.

“Sinungaling. Walang mag-uutos sayo dito. May ginagawa ka siguro dito?” seryoso kong sabi sa baliw na ito. Tumawa naman siya pero hindi masyadong malakas.

“Kung ayaw mo maniwala edi wag.” pagkasabi niya nun ay naglakad na siya palayo sa akin. Palabas na siya sa likod ng school.

“Malaman ko lang talaga kung bakit ka nandito.” pananakot ko sa kanya pero tuloy lang siya sa paglalakad.

“Hinahanap mo ba sila Ehra? Tingnan mo sa private property!” sigaw niya sa akin ng hindi man lang ako nilingon. Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit niya alam na nawawala si Ehra? Sinabi na din ba sa kanya? Hindi ko maintindihan.

Hindi ako nakagalaw ng saglit. Sinabi niya na tingnan ko daw sa private property. Alam ko na may lumang classroom dito na naging private property na ng kung sino. Minsan ko na ding sinilip yun pero hindi ako nakapasok dati dahil nakalock iyon. Agad naman akong pumunta sa sinasabi ni Nathan.

Hinanap ko yung damuhan kung saan nakatago yung private property na yun. Bumaba ako sa hagdan at kaagad na binuksan ang pintuan. Medyo madilim kaya naman binuksan ko ang flashlight ko sa cellphone para may makita ako kahit papaano. Nakita ko na may dalawang kulungan sa kaliwa at kanan. May pintuan pa sa dulo.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at...

Nagulat ako nang makita ko sila Stella, Kio at maging si Pres Theo na nakakadena sa upuan. Nagulat din sila sa pagpasok ko.

“Luke! Tulungan mo kami!” pagmamakaawa ni Stella. Agad ko naman silang nilapitan. Nag-aalala ako sa kanila.

“Iniwan ng lalaki yung mga susi ng kadena namin diyan sa sulok! Pakawalan mo na kami! Habulin mo yung lalaki! Nasa kanila si Ehra at Violet!” utos naman ni Pres Theo sa akin. Nanginginig yung mga kamay ko at hinanap ko sa sulok na sinasabi nilang susi. Nahanap ko naman agad. Sinusian ko na agad si Pres Theo.

“Saan nila dadalhin sila Ehra?” kaba kong tanong kay Pres habang inaalis ko ang kadena niya.

“Hindi ko alam! Pero dalawang lalaki yung biglang pumasok kanina at inilabas sila Violet at Ehra dito!” paliwanag ni Pres Theo sa akin. Nung matanggal ko yung kadena ni Pres ay binigay ko na yung susi sa kanya. Siya na bahala kina Kio at Stella. Lumabas agad ako ng lumang silid na iyon at sinubukan kong habulin yung sinasabi ni Pres na dalawang lalaki na kumuha kina Ehra.

Habang tumatakbo ay kung ano-anong naiisip ko.

Saan nila dadalhin sila Ehra?

Bakit nila kinuha yung dalawa?

Sino yung kumuha?

Si Nathan ba yung kumuha? Pero wala naman siyang mga dala kanina?

May kinalaman ba si Nathan sa pagkawala nila Ehra at Violet?

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari!



                         EHRA POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na gumagalaw yung paligid. Tumambad sa akin ang hindi pamilyar na lugar.

Wait?

Nasa isang sasakyan ba ako?

Tiningnan ko ang paligid. Madilim at hindi ako makagalaw. Masikip din at nakita ko si Violet na katabi ko at walang malay. Nawalan kami ng malay dahil sinikmuraam kami ng dalawang lalaki kanina. Hindi ko sila nakilala pero yung isa dun ay yung nagkulong sa amin sa lumang silid.

Nanghihina ako at hindi ko kayang sumigaw. Kumikirot pa din sa sakit yung tiyan ko dahil sa pagkasikmura sa akin. Sinubukan kong gisingin si Violet.

“V-violet.. G-gumising ka..” mahina kong sabi. Agad naman siyang nagising at tumingin din sa paligid.

“N-nasaan tayo?” taka niyang tanong.

“Nasa l-likod ata tayo ng kotse.” mahina kong sagot sa kanya.

“Sh*t!” mahina niyang mura. Sinubukan naming gumalaw pero hindi talaga kami makagalaw. Mukhang umaandar din yung kotse na ito.

“Ehra, kaya mo bang sumigaw?” tanong sa akin ni Violet.

“S-susubukan ko.” sagot ko sa kanya.

“Sumigaw tayo. Baka may makarinig.” utos niya sa akin kaya naman tumango nalang ako. Sinimulan na naming sumigaw at humingi ng tulong. Nahihirapan din ako sumigaw dahil medyo masakit pa di talaga ang tiyan ko. Pero si Violet eh napakalakas pa din ng boses.

“Tulong! Tulungan niyo kami! Tulong! Nakidnapped kami! Tulong!” sigaw namin pero wala pa din atang nakakarinig dahil umaandar itong sasakyan.

“Tulong! Tulungan niyo kami!” sigaw pa namin. Tinodo ko na yung pagsigaw dahil kinakabahan na talaga ako at gusto ko ng makaalis dito. Natatakot ako na baka kung anong mangyari.

Nagulat kami ng biglang huminto yung sasakyan. Kinabahan ako ng sobra. Nanginginig ako pinagpapawisan na. Si Violet din ay mukhang kinakabahan. Napahinto kami sa pagsigaw.

Maya-maya ay biglang bumukas yung pinaglalagyan namin at bumulaga sa amin yung dalawang lalaki. Natakot kami ng sobra.

“Ahhh!” sigaw namin. Bigla akong hinawakan ng lalaki at hinawakan din ng isang lalaki si Violet. Nagpupumiglas ako pero hindi ko magawang makalaban dahil nga nanghihina pa din ako.

“Sino kayo! Pakawalan niyo kami!” sigaw ni Violet habang nagpupumiglas. Hindi nagsalita ang dalawang lalaki at parang may inilalabas sa bulsa. Sila din yung nanakit sa amin kanina.

Yung nagkulong sa amin sa lumang silid kanina ay naglabas ng isang panurok. Vaccine or kung ano man iyon. Pinilit niyang iturok iyon kay Violet. Nagpupumiglas pa din si Violet.

“Ano ba!” sigaw ni Violet. Ilang saglit pa ay naiturok na kay Violet yung parang gamot ata. Nagulat ako ng biglang bumagsak si Violet at nawalan ng malay. T-teka?

Pampatulog ba yung itinurok nila kay Violet?

Tumingin ako sa dalawang lalaki na naglalabas ng isa pang panurok. Pinilit kong makatakas at sipain sila pero masyado silang mahigpit humawak kaya naman hindi ako makagalaw. Hinawakan nila ang braso ko at akmang ituturok na yung pampatulog.

“Wag! Tulong! Huwag! Maawa kayo!” pagmamakaawa ko sa kanila pero itinurok pa din nila sa akin yung pampatulog.

Unti-unti akong nanghina at bumagsak sa tabi ni Violet. Nakaramdam ako ng matinding pagka-antok. Nakita ko pa yung dalawang lalaki na nagtatawanan.

Hindi ko na nalabanan yung antok at tuluyan na akong nawalan ng malay.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon