EHRA POV
Uwian na ng pang-umaga. Pero hindi pa din kami umuuwi. Hinahanap pa din namin si Camilla dahil kanina pa talaga sya nawawala.
Hindi naman siguro sya nagcutting or nagpaprank. Hindi din sya naglayas dahil hindi naman daw sya pinaglitan ng mga magulang nya. Nandito na sa school yung magulang nya.
Nandito kami ni Stella ngayon sa may buildings ng mga senior high. Naglalakad kami at hinahanap si Camilla. Sumisigaw na din kami kaya naman may mga nagtataka sa amin yung mga nakakasalubong namin na students.
“Naiiyak na ako Ehra. Nasaan na ba kasi si Camilla?” naiiyak na tanong nito sa akin.
“Ako din naman pero hindi pa natin pwede ireport sa pulis na nawawala si Camilla hanggang walang 24 hours.” sagot ko.
“Bakit ba kasi kailangan pang hintayin ng isang araw? Baka mamatay na si Camilla tapos bawal pa din ireport sa pulis.” inis nyang sabi.
“Tumigil ka nga dyan! Hindi pa patay si Camilla. Huwag kang mag-isip ng ganyan.” inis ko din na sabi sa kanya.
Hindi namin kailangan mag-isip ng mga ganyang bagay kasi hindi naman makakatulong yan. Madadagdagan lang yung panic namin kung mag-iisip ako ng ganyan.
Kailangan ko din maging detective ngayon. Kailangan ko malaman kung sino yung talaga killer na dahilan ng pagkawala ng mga babae. Well, kailangan kong magfeeling professional investigator dito.
Syempre sasabihin ng iba nagmamatapang ako. Pero, hello? Kaibigan ko kaya yun. Syempre need ko nang gumawa ng mga paraan para mahanap si Camilla.
Maingay at bungangera sya. Pero bukod sa mabuti syang kaibigan eh matapang din yan. Lalo na sa mga problema. Napakalaki ng problema nya sa pamilya pero kinakaya nya kasi malaki yung pangarap nya sa buhay.
Nag-attempt na sya ng suicide dati. Pero nung nalaman namin yun ay pinagalitan namin sya ng sobra. Lalo na si Violet. Si Violet yung pinakaclose nya sa aming lahat. Parang magkakapatid na sila nila Eunice. Trio yan kaya hindi sila mapaghiwalay.
Pero nung time na nawala si Eunice. Sila Camilla at Violet talaga yung unang naghanap at umiyak. Dun ko unang nakitang umiyak si Violet.
Namimiss ko na din si Eunice kaya naman gusto ko na din tumulong sa paghahanap. Pero this time, si Camilla na yung nawawala.
Hindi pa namin sure kung talagang nabiktima si Camilla ng killer na gumagala dito sa school or baka talagang naglayas sya gaya ng sinasabi ng iba.
Pero napakaimposible talagang naglayas sya. Atsaka bakit nya iiwan yung mga gamit nya?
Talagang naguguluhan na ako sa lahat ng nangyayari ngayon.
***
VIOLET POV“Camilla. Where are you?” bulong ko habang dahang-dahang naglalakad patungo sa likod ng school.
Nawawala ngayon ang isa sa mga best friend ko at hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin.
Para naman kasi syang t*nga eh! Bakit hindi sya nagsasabi kung saan sya pupunta? Mag-aalala talaga ako sa mga kinikilos nya!
Maniniwala pa sana akong naglayas or nagcutting sya kung dinala yung bag nya. Nasa bag nya din yung wallet at cellphone nya.
Binuksan ko yung messanger kanina ni Camilla para icheck na baka may kachat sya or something na pupuntahan nya pero wala akong nakita. Puro mga chats lang namin sa gc at sa akin.
Nandito na ako sa likod ng school. Favorite nyang pumunta dito tuwing break time. Pero last time, nakwento nya sa akin na may multo daw sa likod ng school?
Ewan ko sa babae na yun at kung ano-ano ang pinaniniwalaan.
Hinanap ko yung pwesto nya lagi sa may upuan dito. Bakante ito, kaya naman umupo ako doon para magpahinga.
Naaalala ko one time na nagpunta kami dito nila Eunice at Camilla. Nagbonding kami dito ng isang araw dahil wala naman gagawin nung time na yun at wala ding pumuntang mga teacher. Nagkantahan at sayawan pa nga kami dito na parang mga t*nga. Pero natatandaan ko yung kasiyahan nung araw na iyon na kailan man ay hindi ko malilimutan.
Muli akong napangiti. Tumayo ako upang pahidin ang mga luha kong kanina pa tumutulo. Tumingin ako sa paligid at pumunta sa isang damuhan para sana pumitas ng isang damo nang may mapansin ako. Medyo nakabukas ang damuhan at tila ba ay pwede ka pang pumasok doon kaya naman inalis ko yung mga damo at laking gulat nang makita na may maliit na daanan doon at may hagdan pababa. Agad kong sinilip pa pero hindi ko makita kaya binaba ko. Gamit ang flashlight ng aking cellphone ay inilawan ko ang hagdan na pababa. Oo tanghaling tapat pa nun pero madilim kasi yung daanan pababa. Dahan-dahan akong bumaba. Hindi ako natatakot sa kung ano man ang mayroon sa lugar na iyon.
Naisip ko na baka nandun si Camilla. Hindi ako makapaniwala na may ganung lugar sa school. Narating ko ang baba at nagulat nanaman ako nang makita ang isang lumang pinto. Luma na at medyo mabaho na ang lugar. Kung titingnan mo ang lugar ay parang haunted na ito at sobrang creepy. Pero hindi ako natatakot o naniniwala sa mga multo o anumang bagay na paranormal. Wala akong takot na nararamdaman ngayon at ang gusto ko lang malaman kung nasaan na si Camilla at ano itong lugar na ito.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at pumasok. Napakadilim ng lugar, buti nalang talaga at may flashlight ako. Wala akong masyadong makita. Hanggang sa mapasok ko ang kaloob- looban. Nakita ko ang apat na rehas. Dalawa sa kanan at dalawa din sa kaliwa. Para syang kulungan ng mga bilanggo at nakasarado ang bawat isa. Tinuloy ko ang paglalakad at nakakita ako ng isa pang pintuan sa pinakadulo.
“Ano kaya yung nasa loob nun?” bulong ko sa sarili. Pupunta na sa ako sa pintuan nang makarinig ako ng ingay.
Huminto ako sa paglalakad at pinakinggang mabuti ang ingay na narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko nang malaman na footstep iyon ng isang tao. Pababa ito at palakas ng palakas ang footstep.
Agad naman akong nagtago sa isang lumang aparador na nasa gilid ko lang. Hindi ko alam kung kasya ako dito pero sinubukan kong pagkasyahin ang katawan ko. Narinig ko na bumukas na ang pinto kaya naman sinarado ko na agad ang aparador na pinagtataguan ko. Balance ako ngayon kasi alam ko na kahit anong oras ay pwedeng masira na itong aparador na ito. Marupok na kasi at sobrang luma.
Narinig ko ang mga footstep na parang papalayo na sa akin. Hihinga na sana ako ng maluwag. Nang biglang bumukas ang aparador at may humila sa akin dahilan para mapalabas ako sa aparador.
Hindi ko alam pero ngayon lang ulit ako nakaramdam ng sobrang kaba at takot.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...