VIOLET POV
“Wow! Ang ganda naman.” sigaw ko habang nilalapitan yung isang bulaklak na nadaanan ko. Naglalakad-lakad muna ako mag-isa kasi medyo masarap din yung hangin dito. Ang tataas ng mga puno at maraming mga halaman at damo. Parang yung sa Wrong Turn itong gubat. Ang kaibahan lang eh walang canibal. Tama ba ako? Or baka may aswang dito?
Naglalakad pa din ako habang hawak itong bulaklak na pinitas ko. Kulay Yellow siya pero kakaiba. Hindi ko alam yung tawag. Tinatandaan ko din yung dinaanan ko kasi baka maligaw ako. Hindi naman kalayuan itong nilalakadan ko. Nakarinig ako ng agos ng tubig. Ilog ba yun? Sapa? Sinubukan kong hanapin yung agos ng tubig. At nahanap ko nga ang isang sapa na may pagkahaba din. Malinis at medyo clear yung tubig. Ang sarap maligo.
Ang sarap pakinggan ng tubig at huni ng mga ibon. Ang tahimik. Umupo ako at tinanggal ko ang sapatos ko. Ibinabad ko yung dalawang paa ko sa umaagos na sapa. Ang sarap sa paa.
“Sana lang dito kami nakatira. Ang sarap sa pakiramdam.” sabi ko sa sarili ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing may nakikitang mga ibong nagliliparan. Nasa paraiso na ba ako?
Maya-maya ay natigilan ako sa pagmumuni ng may nakarinig akong kaluskos sa bandang likuran. Lumingon ako para tingnan kung ano yun pero wala naman. Baka hayop lang na dumaan.
Bigla ulit kumaluskos at medyo malakas na. Nilingon ko ulit at nanlaki yung mga mata ko. May lalaking tumatakbo pero palayo na siya sa akin. Tumayo ako at sinilip ko pa ng mabuti yung lalaking iyon. Hindi ko na din masyadong nakita dahil nakaalis na. Sino kaya yun?
Estudyante ba yun? Well kung sino man yun, akala niya siguro maliligo ako at masisilipan niya ako. Isinuot ko na ulit yung sapatos ko kasi baka hinahanap na ako dun.
Balik nalang ulit ako dito kapag may time ako.
EHRA POV
“Ang saya naman dito. Ang tahimik.” sabi ko habang hinahawakan yung mga halaman na nadadaanan.
“True. Walang mga polusyon or kahit ano. Ang sarap tumira dito.” sabi naman ni Stella. Naglalakad kami ngayon pero hindi naman malayo masyado. Nakikita pa namin yung mga tent at yung mga kaklase namin. Ayaw din namin masyadong lumayo dahil baka maligaw kami. Hindi pa naman namin kabisado toh.
“Alam mo ba. Nakapunta na din kaming probinsya. Pero hindi ganito katahimik.” sabi ni Stella sa akin na ikinanunot ko ng noo.
“Alangan beh gubat toh. Talagang tahimik toh. Sa probinsya nyo ata may mga nakatira kahit sa gubat eh. Talagang mas tahimik dito.” paliwanag ko sa kanya.
“Sabagay.” sagot niya. Medyo napapalayo na din kami kaya naman sinabihan ko kay Stella na bumalik na at baka kung saan pa kami makarating.
Nakita namin na may nag-aayos pa din ng tent. Hindi ba sila marunong? Ang tagal naman nilang mag-ayos. Babalik na sana kami sa tent ng bigla kaming hinarangan nila Ashley at Zoey. Nandito nanaman yung dalawang bruha.
“Ang lamig. Buti nalang may jacket ako. Mukha lang simple pero ang mahal sobra nito.” sabi ni Ashley na para bang pinamumukha sa amin. Tumaas lang ako ng kilay.
“Oh, Ehra. Nandyan ka pala? Ang ganda naman ng jacket mo. Pero nakita ko yan sa ukay-ukay. 50 pesos lang.” pagkasabi nun ni Zoey ay nagtawanan sila.
“Atleast matibay diba? Mura nga pero hindi madaling masira.” sabi ko sa kanila. Nagkatinginan yung dalawang bruha.
“May 50 pesos ba na matibay. Loser, super low quality yan. Ang cheap.” sabi ni Ashley. Nakakarindi nanaman itong dalawang toh. Masisira nanaman yung araw ko sa dalawang ito. Aalis nalang kami para hindi nanaman lumala.
“Halika ka na Stella. Wala akong panahon makipag-away sa mga aso.” pagkasabi ko nun ay nilagpasan na namin sila. Pero nagulat ako nang bigla akong itulak ni Ashley na ikinabagsak ko.
“Hoy! Ang kapal talaga ng mukha niyo! Hindi na nga kami lumalaban!” sigaw sa kanila ni Stella habang tinutulungan akong tumayo.
How dare you to call me dog!” sigaw ni Ashley.
“Eh bakit? Aso ka naman talaga ah. Ginawa ka lang tao kasi naawa lang sila sayo!” pang-aasar sa kanila ni Stella. Napanganga si Ashley sa sinabi sa kanya. Hindi niya matanggap na aso talaga siya.
“Ang kapal ng mukha mo. Anong gusto mo away? Halika!” yaya naman ni Zoey. Sus! Sunod-sunuran lang naman tong babaeng ito kay Ashley, pero hindi naman makapalag kapag wala yung bestfriend niya.
“Ayy sige! Akala mo natatakot ako ah” yaya din ni Stella.
“Hoy! Anong nangyayari dyan?” nagulat kami sa pagdating ni Sir Gomez.
“Sila po kasi sir. Nagyayaya ng away.” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Zoey.
“Hoy! Huwag ka ngang sinungaling. Kayo nga nagunguna diyan eh!” sigaw ko sa kanila.
“Anong kami? Kayo kaya. Tinatanong lang namin kung magkano yang jacket mo tapos bigla ka ng nagalit.” inosenteng sagot ni Ashley.
“Hoy, babaeng may tililing sa utak na mukhang asong naliligaw sa kalsada! Huwag kang sinungaling. Kayo yung nagsimula. Tinulak niyo pa nga si Ehra!” sigaw sa kanila ni Stella. Inambahan niya ng suntok yung dalawang bruha.
“Ms. Stella Mariano. Huwag kang ganyan.” sabi ni Sir. Gomez na ikinagulat namin.
“Sir, sila naman po nanguna ah.” sagot ko kay sir.
“Huwag na kayong manakit kaya lagi lang kayong napapaguidance kasi mga trouble maker kayo. Katulad ni Violet.” sabi ni Sir. Ano daw? Bakit kami pa yung mga naging trouble maker? Sila Ashley nga nanguna diyan eh.
“Sige na. Maghiwa-hiwalay na kayo.” pagkasabi nun ni Sir ay iniwan niya na kami.
“Haha! Mga loser.” sabi ni Ashley sa tonong mapang-asar. Umalis na din sila habang nagtatawanan.
“Nakakainis talaga! Tayo pa yung nasisi.” inis na sabi ni Stella.
“Hayaan mo na. Wala naman talaga tayong magagawa kung kulang sa pansin iyang dalawang yan.” sabi ko.
“Tara na nga at baka masampal ko pa yang dalawang yan.” anyaya ni Stella. Bumalik nalang din kami sa tent namin. Nakakagigil talaga iyang dalawang yan. Parang mga may sakit sa utak.
Nasa tent na si Violet pagkapasok namin. Naglalaro siya ng cellphone niya. Offline lang naman kasi walang signal sa gubat. Nakinood naman si Stella habang ako ay humiga muna.
Parang nakakapagod naman ata? Kakatulog ko lang tapos inaantok na agad ako?
So weird..
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...