CHAPTER 11

26 8 0
                                    

                        STELLA POV

2:30 pm na. Kanina pa tapos ang klase pero nandito pa din kami sa school. Kanina pa nga kami naluluha sa paghahanap kay Camilla. Maging yung mga magulang din ni Camilla ay nandito na sa school at kanina pa din nag-aalala.

Nandito kami ngayon sa faculty ni Sir Gomez. Nakaupo kami nila Ehra, Emily, Luke, Adalyn, at si Dylan. Wala si Anthony na umuwi na kanina pa.  Nakatayo naman sila Pres Theo, Luke at Kio sa tapat namin. Nagsasalita si Sir Gomez at nagtatanong sa huling mga dala at suot ni Camilla bago sya mawala para daw kapag nagreport kami sa pulis ay may mga key na kami para mas madaling hanapin si Camilla.

Nagtataka kami kasi wala pa din si Violet na kanina pa naghahanap kay Stella. Siguro malungkot yun ng sobra.

“Okay guys, sinabi nyo na may bracelet si Camilla bago sya umalis. Nakauniform syempre then black shoes.” sabi ni Sir Gomez sa amin.

“Paano naman kaya natin malalaman kung nasaan si Camilla?” tanong nito ni Ehra.

“Ehra. Mahahanap din natin sya. Tiwala lang.”

Nagulat ako nang tumayo si Ehra habang umiiyak.

“Tiwala? Huy! Kanina pa nawawala yung kaibigan namin tapos tiwala? Anong mangyayari sa tiwala na yan kung hindi naman natin sya hahanapin!” sigaw nito

Pinigilan ko siya at pinaupo pero hindi pa din sya nagpaawat. Lumabas ito ng faculty kaya naman sinundan ito ni Luke. Susunod pa sana ako nang pigilan ako ni Emily.

“Hayaan na muna natin sya.” sabi ni Emily. Umupo nalang muna ako.

“Guys umuwi na kayo. Baka hinahanap na kayo ng mga magulang nyo.” utos sa amin ni Sir Gomez.

Agad naman kaming nagtayuan. Inantay namin si Adalyn dahil inaayos nya pa yung mga gamit nya. Nakakalat kasi. Lumabas na sila Pres Theo at Kio. Si Emily ay busy sa pagchachat sa cp nya.

“Guys, i have to go na. Pinapagalitan na ako ni mom.” paalam sa amin ni Emily.

“Sige na. Baka mapagalitan ka pa ng malala kapag hindi ka pa umuwi.” sabi naman ni Dylan habang tinutulungan si Adalyn na mag-ayos ng mga gamit nito.

Lumabas na ng faculty si Emily. Nagtataka ako kasi nitong mga nakaraang araw ay iba ang ikinikilos ni Emily. Para bang lagi siyang natataranta at nagmamadali. Oo magagalitin yung mommy nya pero hindi naman sya ganyan dati eh. Atsaka yung parang lagi syang lutang kapag kinakausap. Ang weird talaga ni Emily ngayon.

Natapos na sa pag-aayos sila Adalyn kaya lumabas na din kami para umuwi. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman inaya ko sila na pumunta sa isang lugawan.

“Guys. Nagugutom ako. Kain tayo ng lugaw.” aya ko sa kanila pero nagulat ako ng bigla silang tumingin ng masama sa akin. Nagulat ako sa mga sinabi nila sa akin.

Adalyn: “Luh. Pagod na nga ako pakakainin mo pa ako? Anong tingin mo sa akin PG? Kakakain ko lang kanina.”

Dylan: “Magpahinga ka naman minsan. Wag puro kain.”

Natulala lang ako sa sinabi nila sa akin. Nagyayaya lang naman kumain eh. Ngayon lang naman ulit ako nagyaya tapos parang galit pa sila. Hindi man lang sumagot ng maayos. Well, baka dahil na din yun sa pagod nila buong araw na paghahanap kay Camilla.

“Fine guys! Ako nalang kakain. Tinatanong lang, mga masyadong badtrip.” pagkasabi ko nun sa kanila ay umalis na ako para pumunta sa lugawan. Pero kung ililibre ko siguro sila ay baka kanina pa nagsisama iyon. Wala din naman akong pera para ilibre sila. Atsaka kalilibre ko lang sa kanila kanina ah. Ano sila Gold?

Pagdating ko sa lugawan ay wala ng costumer. Marahil kasi 3:00 pm na din at wala din masyadong tao sa labas. Baka mga 4:30 pa sila kumain sa lugawan kasi iyon yung kadalasang oras madalas pumunta yung tao dito.

Gusto ko din kumain noh. Atsaka kanina pa ako kumain kaya nagutom ulit ako tapos sabihan lang ako ng kung ano-ano.

Umorder na ako ng dalawang lugaw, kasi gutom talaga ako. May itlog atsaka laman na din pala iyon. Agad namang dumating sa harap ko yung dalawang lugaw kaya sinimulan ko nang kainin. Ang sarap talaga ng lugaw. Ito din kaya ang comfort food ko kapag may problema ako or sama ng loob. Nakakagaan kasi ng feeling yung lugaw.

Isipin mo. 3:00 pm pero kumakain ako ng napakainit na lugaw? Aba! Wala akong pake. Ang sarap ng lugaw eh. Kahit sino namang tao eh mapapakain ng lugaw kung bigla nilang maisip.

Kumakain ako, nang isang lalaki ang biglang tumabi sa akin at umorder ng lugaw. Hindi lang basta lalaki ito dahil kilala ko siya. Siya si Kio... Nanaman!

“Isang lugaw nga po. Yung may laman.” nakangiti nitong sabi. Pagkatapos ay tumingin sa akin at ngumiti.

Luh. Anong espiritu ang sumanib sa lalaking ito? Diba walang modo yan nung last time na nagkita kami? Bakit parang sinaniban ng anghel? Ay! Anong anghel? Baka sinaniban lang ng espiritu ng isang mabuting tao.

Tinaasan ko sya ng kilay then tumayo ako sa upuan ko at lumipat ng ibang pwesto. Ayokong makatabi ang isang lalaking walang modo. Pero nanlaki ang mga mata ko ng tumayo din sya at lumipat sa kinauupuan ko. Tumabi nanaman ang bruho!

“Excuse me? Sinusundan mo ba ako ng upo?” inis kong tanong sa kanya.

“Hindi pa ba obvious?” sagot nya. Umiinit nanaman ang dugo ko sa lalaking ito ah. Hindi ko alam kung nang-aasar sya o seryoso. Tinarayan ko lang sya tapos ay sumubo na ng lugaw. Baka kasi lumamig yung lugaw.

“By the way pwede ba tayong maging friends?” halos mabilaukan ako sa tanong nya. Nailuwa ko tuloy yung lugaw na nasa bibig ko na.

“Are you okay?” tanong nya habang hinihimas ang likuran ko. Agad naman akong tumingin sa kanya at inilayo ko ang silya ko sa kanya.

“Friends? Anong friends! Aba, ano ka sinuswerte? Hindi ko pa nalilimutan yung ginawa mo sa akin last week. Ano ka gold? Pagkatapos ng walang galang na pagbangga sa akin ng bike at paghagis ng band aid na walang sorry. Tapos friends? Friends! Baliw ka ba?” halos umalingawngaw na ang boses ko. Hindi ko talaga mapigilan ang galit ko.

Wala ba syang alam? Wow! Binangga nya ako ng bike nya tapos ako pa ang sinisi. Tapos hinagis pa sa akin yung band aid panakip daw sa sugat ko. At ang malala!

Hindi man lang nagsorry si bruho! Aba! Hindi ako makikipagkaibigan sa isang mayabang at walang manners!

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Pero syempre inubos ko muna yung lugaw kasi sayang din naman. Naglakad ako papalayo sa lugawan. Sobrang init na talaga nun. Dahil 3:50 pm palang kaya ganun pa kainit ang araw.

Pero...

Bigla akong nakaramdam ng onting pagkahilo kaya napahinto ako. Tumingin ako sa paligid pero parang nanlalabo ang paningin ko. Sumasakit na din ang ulo ko. Naramdaman ko nalang na bumagsak ako. Pero may sumalo sa akin. Hindi ko na siya nakita dahil nawalan na ako ng malay.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon