CHAPTER 20

22 5 0
                                    

                          EHRA POV

Uwian na. Nasa hallway kami ngayon at naglalakad. Kagagaling lang din namin sa clinic dahil binisita namin si Luke. Sabi nga namin ay ihahatid na namin siya kaso sabi niya aantayin niya nalang daw yun papa niya kasi yun daw yung magsusundo sa kanya. Kaya naman nauna na kami.

“Guys punta tayo sa coffee shop.” yaya ni Stella sa amin. “Sige sama ako.” sagot ko sa kanya. “Ako din.” sabi ni Emily. Tumango din si Violet. Sila Dylan at Adalyn naman ay hindi na sasama. May date yang dalawang yan. Ang lakas ng loob nilang magdate eh papapuntahin na nga yung mga magulang bukas. Si Anthony naman ay hindi din sasama. Hindi pa naman sumama sa amin si Anthony kahit kailan. Sa mga practice lang. Umuuwi agad siya. Meaning to say, kaming apat na babae lang ang magkakasama ngayon. Mas masaya dahil wala kaming kasamang mga lalaki.

Nakarating na kami ng coffee shop. Pumasok na din kami at umorder ng iced coffee. Syempre iced coffee. Alangan naman umorder pa kami ng maiinit. Ang init-init na kaya ng panahon. Umupo na kami sa apat  sofa ng coffee shop. Tig-iisa kaming upuan kaya para kaming mga prinsesa. Magkatabi kami ni Stella habang kaharap namin sina Emily at Violet. Pero si Violet ang mismong kaharap ko.

“Guys. Paano yan? Pupunta mga magulang niyo bukas?” tanong sa amin ni Violet. Nagtaka naman ako.

“Oo. Bakit sayo ba? Pupunta din ba magulang mo?” taka kong tanong sa kanya. Tumawa siya ng mapang-asar.

“Aw. Kawawa naman kayo. Kami kasi ni Adalyn, community service lang.” Napatingin kaming tatlo kay Violet. Nakangisi si Violet.

“Yes. Pero yung mga lalaki, magsasama sila ng magulang.” paliwanag niya.

“Ang unfair naman! Bakit kami may magulang dapat? Mas malala kaya yung ginawa niyo kasi may napuruhan. Tapos community service lang? Kulang na ba talaga yung janitor dito sa school kaya nagpapacommunity service sila!” inis na sabi ni Stella.

“Well, ganun talaga kapag maganda.” pagmamalaki ni Stella. Nagtawanan kami ni Stella, pero si Emily ay sumimangot lang Violet. Anong problema ng babaeng iyan?

“By the way guys. May ininvite akong bagong friend!” ecxited na sabi ni Stella kaya naman napangiti na din sila Violet at Emily. Ako chill lang. Wala naman akong pake kung sino yan. Basta kaibigan ni Stella, edi kaibigan ko na din.

“Sino yan?” tanong ni Emily. Ngumiti si Stella. Makikita mo talaga ang saya sa mukha niya. “Hulaan niyo!” sabi pa niya.

“Maliit o matangkad?” tanong ni Violet habang umiinom ng iced coffee. Grabe naman itong si Violet. Height talaga yung una niyang tinanong.

“Speaking of...” pagkasabi nun ni Stella ay tumayo siya at sinalubong si.. Kio.

Nagulat sila Emily at Violet. Hindi ko din inaakala na si Kio yung bagong kaibigan na tinutukoy ni Stella. Pero okay lang din naman dahil napag-usapan na din namin yan. Hindi ko lang alam kung okay kina Emily at Violet.

“Hello guys.” nahihiyang bati ni Kio sa amin. “Kio umupo ka muna oh.” sabi ni Stella at pinaupo niya si Kio sa inuupuan niya kanina. May pagkat*nga talaga itong si Stella. Nakatayo na tuloy siya ngayon. Si Kio yung dapat tumayo kasi lalaki siya. Wala man lang pagkagentelman.

“Seryoso ka Stella? Kaibigan mo itong lalaking toh?” hindi makapaniwalang tanong ni Violet kay Stella. Tumango naman si Stella sabay ngiti. “Hi Kio.” nagulat ako ng batiin din siya ni Emily. Wala naman atang galit si Emily kay Kio. Ako din naman. Oo may bad side si Kio pero naniniwala akong may good side pa din siya. Kung natanggap nga namin yung ugali ni Violet eh matatanggap din namin yung kay Kio.

“Aalis na ako. Nawalan na ako ng gana.” sabi ni Violet na tumayo atsaka lumabas ng coffee shop. Kaming mga naiwan ay natahimik lang ng saglit.

“O-okay guys! Let's talk.” sabi ni Stella sabay umupo sa upuan ni Violet kanina. Wala naman kasi kaming problema kay Kio. Si Stella nga tingnan mo oh. Nag-away sila ni Kio pero napatawad na niya agad. Nakakahalata na ako kay Stella. Si Violet lang talaga ang may trust issue dito.

“So... Saan tayo magsisimula?” tanong ko sa kanila.

“Hi Kio. Sobrang saya ko dahil kaibigan ka na din namin! Welcome sa tropa!” sabi ni Stella kay Kio habang pumapalakpak. Pumalakpak nalang din ako. Tumingin ako kay Emily. Nagtaka ako kasi tinarayan niya muna si Stella bago makipalakpak. May problema ba siya?

“Thanks.” sabi ni Kio habang nakangiti. Tumigil na kami sa palakpakan.

Ang akward naman ng nangyayari ngayon. Anong klaseng pag-uusap toh? Sila Stella at Kio lang naman yung nag-uusap. Kami ni Emily eh parang mga t*nga lang na nakikinig sa gilid. Nag-uusap sila ng kung ano-ano. Hindi naman din ako makasali sa usupan nila kasi anime. Hindi naman ako anime lover. Ewan ko lan din kay Emily pero baka hindi niya din trip yung anime kaya tahimik siya diyan.

Tumingin muna ako sa oras. 12:30 pm na. Kailangan ko na umuwi. Kaya naman inubos ko na ang pagkain ko at inayos ko na din ang bag ko.

“Guys, uwi na ako. Baka magalit na si mama.” sabi ko sa kanila tsaka tumayo. “Sige lang Ehra. Bye.” nagpaalam na ako sa kanila. Paglabas ko ng coffee shop ay sinulyapan ko si Emily.

Ano bang problema ni Emily? Kanina pa siya ganyan. Nakatingin siya ng masama kina Stella at Kio. Tapos kanina din ang sama ng tingin niya kay Violet. Hindi ko talaga siya matandaan.

Nag-aabang ako ng jeep nang tumunog ang cellphone ko. May natanggap akong message request sa messanger. Tiningnan ko ito.

Nathaniel Flores”

Si Nathan pala. Pinindot ko ang message na natanggap ko mula kay Nathan.

Nathan: “Hi Ehra! How are you today? Kita tayo sa Friday. Sa mall nalang tayo magkita. See you!”

Pagkabasa ko nun ay nag-react naman agad ako sa message niya. Nakakatamad naman kasi mag-reply. Ayokong isipin niya na seener lang ako. Mareply akong tao, tinamad lang talaga ngayon.

May humintong jeep sa harap ko pero hindi ko pinansin. Ang dami kasing tao. Ayoko ng siksikan. Maarte ako pagdating sa jeep.

Maya-maya ay natanaw ko ang isang jeep. Puno siya pero walang nakaupo sa front seat. Yung upuan sa tabi ng driver kaya naman iyon nalang ang sinakyan ko. Inalalayan ko ang sarili ko habang umaakyat sa harap ng jeep.

Kailangan ko munang umuwi at harapin si mama sa kasalanan na ginawa ko. Kinakabahan talaga ko...

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon