EHRA POV
Napapagod na ako sa kakahanap. Ganun din siguro sila Stella at Luke. Nag-aalala na ako ng sobra kay Violet. Nasaan na ba kasi siya?
“Ayos ka lang ba Ehra?” tanong sa akin ni Luke. Nakakainis naman siya.
“Hindi naman sa tingin mo diba?” inis kong sabi. Nilapitan niya naman agad ako.
“Ehra. Maaayos din toh. Trust me. Mahahanap din natin si Violet.” sabi ni Luke sa akin. Tumingin ako sa kanya. Niyakap ko siya at umiyak ako. Gusto kong ibuhos ngayon lahat ng lungkot ko dahil sa nangyayari. Bakit ba kasi si Violet lagi? Kahit ako nalang yung saktan nila wag lang yung kaibigan ko.
“Tara na. Ituloy na natin yung paghahanap.” anyaya sa amin ni Stella na naluluha na din. Umalis ako sa pagkakayakap kay Luke pero hinawakan niya yung kamay ko at inalalayan akong tumayo. Hindi ko alam pero bakit parang ang sarap sa pakiramdam na kahawak ko siya ng kamay?
Tinuloy namin yung paghahanap. Kung saan-saan kami nakarating para lang mahanap si Violet. Kung nasaan man si Violet ngayon. Sana okay lang siya.
KIO POVNasa gitna pa din kami ng paghahanap kay Violet. Humiwalay sa amin si Theo. Mas mabuti nga yun dahil ayoko din makita yung pagmumukha niya. Sobrang alala na ako kay Violet. Kasama ko ngayon si Jhairone. Seryoso din siya sa paghahanap.
“Saan na ba yun?” inis kong tanong.
“Ano kayang nangyari kay Violet? What if nakidnapped nanaman yung babaeng yun?” sagot ni Jhairone kaya medyo nainis ako kasi hindi ko nagustuhan yung sinabi niya.
“Tumahimik ka nga diyan. Kung ano-ano yung sinasabi mo.” saway ko sa kanya.
“Pero diba hindi pa nahuhuli yung Emmerson? Baka siya nanaman yung dumukot kay Violet?” dagdag pa ni Jhairone. Napaisip ako. What if totoo yung haka-haka ni Jhairone?
Natigilan kami sa paglalakad nang may makita kaming isang maliit na karton. Nilapitan ko ito. Saan kaya nanggaling ito? May nakasulat din dito.
“Dont?” basa ko.
“Anong ibig sabihin niyan?” takang tanong ni Jhairone.
“Saan kaya ito nanggaling.” taka ko din na tanong.
Maya-maya ay bigla kaming nagulat ng may narinig kaming putok ng baril. Nabitawan ko yung sulat at napatingin sa direksyon kung saan nanggaling yung putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang lalaki sa di kalayuan. Nakaitim na jacket, itim na sumbrero at itim na facemask. Nakatutok yung baril sa amin ni Jhairone.
“Jhairone, takbo!” pagkasigaw ko nun ay tumakbo na kami ni Jhairone. Isang malakas na putok nanaman yung narinig namin. Muntik na kami tamaan ng bala buti nalang nakatakbo agad kami. Hinabol din kami ng lalaki at pinagbabaril. Nakakaiwas naman kami.
Hindi ko maintindihan kung ano ng nangyayari. Sino yung lalaking yun? Bakit niya kaming gustong patayin?
EHRA POV
Natigilan kami sa paglalakad ng may marinig kaming parang putok ng nga baril. Mahina lang siya pero maririnig mo dahil napakatahimik ng paligid. Pinakinggan ulit namin yung ingay at nakumpirma namin na putok nga ng baril iyon.
“Saan yun?” takang tanong ni Stella.
“Baka may mga hunter lang ng mga hayop dito.” sagot ni Luke.
“Sabagay.” sagot ko naman. Pero parang hindi naman yun hunter kasi sa pagkakaalam ko eh protected area ata itong buong gubat. Aalis na sana kami nang bigla kaming nagulat sa isang palaso. Kamuntik ng tamaan si Luke nun. Buti nalang sa puno dumiretso.
“Luke! Ayos ka lang?” alala naming tanong sa kanya. Tumango naman agad siya.
“Saan nanggaling yun?” takang tanong ni Luke. Tumingin kami sa direksyon kung saan nanggaling yung palaso na yun. Isang lalaki yung nakita namin. Medyo malayo yung lalaki pero makikita mo na nakablack na jacket siya pati sumbrero at facemask. Naalala ko bigla si Emmerson. Ganun yung suot niya dati ah.
Isa pang palaso yung pinakawalan ng lalaki. Muntikan naman akong tamaan nun. Tumatakbo na yung lalaki papunta sa amin.
“Ehra, Stella. Tara na.” yaya sa amim ni Luke. Hinila niya kaming dalawa. Sinimulan na naming tumakbo. Isang palaso nanaman ng pana yung muntik ulit tumama sa paa namin. Buti at nakatakbo agad kami. Hinahabol din kami ng lalaki. Kinakabahan ako.
Patuloy kaming tumatakbong tatlo. Hindi ko alam kung saan pupunta. Ang galing lang mamana ng lalaki kasi muntik niya kami laging matamaan. Tumatakbo din yung misteryosong lalaking yun at talagang masasabi ko na ang galing niya pumana.
Teka...
Si Emmerson ba yan?
Ganun na ganun yung kilos at suot ni Emmerson. Alam ko na siya iyon dahil pana din yung ginamit niya sa amin nung natamaan sa paa si Violet. What if...
Siya pala yung kumuha kay Violet?
“Ah!” nagulat kami nang biglang sumigaw si Stella at natumba. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may tumamang palaso sa binti niya. Agad namin siyang nilapitan.
“Stella! A-ayos ka lang?” alala kong tanong.
“E-ehra.. A-ang sakit...” sagot niya habang namimilipit sa sakit. Tumutulo na yung dugo sa binti niya. Sobrang nag-aalala ako kasi sobrang daming dugo yung umaagos. Nakatusok sa binti niya yung palaso.
“Stella. Relax ka lang. Huwag mo masyadong igalaw yung binti mo.” sabi ko sa kanya. Natataranta ako. Hindi ko alam yung gagawin.
Si Luke ay tinakbo yung namamana sa amin. Sinugod niya ito at pinaulanan ng suntok. Nakikita ko silang nagbugbugan. Wala akong magawa. Nag-aalala ako sa kanilang dalawa. Nagulat ako ng biglang bumagsak si Luke. Tiningnan ko siya. Nawalan siya ng malay. Agad naman akong tumingin sa lalaki na nagtatanggal na ngayon ng mask niya.
Si Emmerson nga!
Pinilit kong patayuin si Stella. Nanginginig na yung kamay ko. Pero hindi talaga makatayo si Stella.
“Nice to see you again Ehra.” sabi ni Emmerson. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
“H*yop ka!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko mapigilan yung kabang nararamdaman ko. Ganun din si Stella. Hindi ko alam yung gagawin ko. Umupo siya sa harapan ko.
“Sino bang hinahanap niyo? Si Violet ba? Naalala ko nga pala na hindi ko sinasadyang makasalubong si Violet kagabi. Oh! Nakasalubong ba? Pinuntahan ko pala talaga siya.” sabi pa niya sa tonong mapang-asar.
“H*yop ka talaga! Anong ginawa mo kay Violet?” sigaw ko sa kanya. Tumawa siya ng malakas at pagkatapos ay bigla siyang naglabas ng isang panurok. Diretsa niyang itinurok sa akin yun.
Bigla akong nakaramdam ng pagkahina at pagka-antok. Pampatulog yung utinurok niya sa akin gaya ng itinurok niya sa amin ni Violet dati.
Bumagsak ako sa lupa at unti-unting nawalan ng malay.
“Ehra!” narinig ko pa yung sigaw ni Stella.
Hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...