STELLA POV
Maalikabok, madilim, creepy, at medyo mabaho. Yan yung tumambad sa amin nung pumasok kami sa lumang bahay. Medyo malaki din yung bahay na ito pero walang second floor. May tatlo pang pinto pa. Siguro kwarto or kung ano yun.
“Oh, so creepy..” pananakot ni Jhairone sabay tumawa pa.
“Sira. Tumahimik ka nga diyan.” inis kong sabi sa kanya. Hindi naman siya nakakatulong.
“Kanino kayang bahay ito?” takang tanong ni Kio.
“Mukhang wala ng may-ari nito. Halatang matagal ng abandonado.” sabi naman ni Pres Theo. Napatingin ako sa paligid. Parang nasa horror movie kami.
“Wait.” napahinto kami ng biglang huminto si Pres. Kinabahan naman ako.
“Naririnig niyo ba yun?” tanong ni Pres.
“Yung ano?” tanong ni Kio.
“W-wag ka naman manakot Pres.” kaba kong sabi.
“No.” sabi niya sabay pumunta siya sa pintuan. Sumilip siya ng saglit at nagmamadali siyang bumalik sa amin.
“Guys. Magtago tayo! May paparating!” mahinang sigaw ni Pres. Nataranta kaming lahat. Hindi ko alam yung gagawin. Pumasok si Pres Theo sa isang pinto kaya naman nagsisunod kami. Isinarado ni Pres yung pinto ng onti pero nagtira siya ng kaonting bukas para may makita kami. Sinisilip namin kung sinong pumapasok. Kinakabahan na ako ng sobra.
“What the! Nasaan si Violet?” narinig naming sumigaw yung isang lalaking pumasok. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Emmerson.
“Malay ko. Baka nakatakas.” nanlaki pa yung mga mata ko ng marinig yung boses ng isang lalaki. Parang pamilyar yung boses na yun. Pero hindi namin siya makita.
“Guys. Parang pamilyar yung boses.” bulong ni Kio.
“Sino kaya yun?” mahinang tanong ko naman. Pinakinggan nalang namin yung mga usapan nila.
“Ano ba yan! Paano nakatakas yun?” galit na sabi ni Emmerson. So ibig sabihin sila yung kumuha kay Violet? Sabi ko na nga ba!
“Mga h*yop talaga sila!” mahinang sabi ni Pres na halatang nagpipigil ng galit. Bakit ba nila ginagawa toh? Ano bang kasalanan namin? Atsaka bakit nila pinatay sila Sir Gomez?
“Nakatakas daw si Violet?” takang tanong ni Jhairone.
“Ibig sabihin ligtas si Violet ngayon.” sabi ni Kio. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Ang galing talaga ni Violet. Kaya niyang makatakas kapag nasa ganitong mga sitwasyon. Pero.. Nasaan na kaya siya?
“Nasaan na kaya si Violet?” taka kong tanong pero walang sumagot sa kanila. Tinitigan lang namin yung mga pangyayari. Maya-maya ay nakita na namin yung kasamang lalaki ni Emmerson. Nanlaki nanaman yung mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapagsalita. Napatakip ako ng bibig.
“What the?” hindi makapaniwalang sabi ni Pres.
“V-vince?” sabi naman ni Kio. Hindi ako makapaniwalang si Vince iyon. Kaibigan namin siya at kaklase dati. Nahiwalay lang siya ng section kaya hindi na namin siya masyadong nakakausap pero.. Kaibigan namin siya. Hindi din ako makapaniwala. Kapatid siya ni Violet. This is so unbealivable talaga!
“Aray!” nagulat kami ng biglang sumigaw si Jhairone. Napatingin kami sa direksyon niya. Nakaupo siya at namimilipit sa sakit. Hawak niya ang paa niya.
“Jhairone anong nagyari?” taka kong tanong at nilapitan siya. May nakatusok na pako sa paa niya. Nanlaki yung mga mata ko. Natusok ng pako yung sapatos niya. Bumaon yung pako sa paa niya.
“Jhairone ano ka ba?” inis na tanong ni Pres sabay sinarado yung pinto.
“Maririnig tayo sa pinaggagawa mo!” mahinang sabi naman ni Kio. Kinakabahan na ako ng sobra.
“Sino yan?” napatingin kaming lahat sa pituan. Napaatras sina Pres at Kio. Napatayo naman kami ni Jhairone. Sasabog na ata ako sa kaba.
“Sinong nasa loob?” tanong ulit ni Emmerson. Papalapit na siguro siya sa pinto. Lumapit si Pres Theo ng dahan-dahan sa pinto. Tumingin siya sa amin.
“Shhh..” mahina niyang sabi.
Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pintuan. Napaatras ako sa kaba. Bumulaga sa amin si Emmerson at Vince. Sinunggaban agad ni Pres si Emmerson ng suntok.
“Tumakas na kayo!” sigaw sa amin ni Pres. Bubunot naman sana ng baril si Vince pero tinakbo siya ni Kio at sinuntok din. Tumakbo kami ni Jhairone palabas ng silid na iyon. Hirap pa maglakad si Jhairone kaya naman inalalayan ko siya. Pagkalabas namin sa silid na yun. Nabigla kami ng makita namin si Emily na nakatali sa isang upuan. Wala siyang malay.
“Emily!” sigaw ko. Nilapitan ko siya.
“Jhairone, tulungan mo ako.” utos ko kay Jhairone. Agad naman namin tinanggal yung tali ni Emily. Napapatingin ako kina Pres Theo at Kio na nakikipagbugbugan kina Emmerson at Vince. Sinuntok ni Pres Theo si Emmerson kaya nawalan ito ng malay. Tinadyakan naman ni Kio si Vince kaya naman natumba ito. Tumakbo sila papunta sa amin.
“Anong nangyari kay Emily?” takang tanong ni Pres Theo.
“Hindi namin alam! Baka kinidnapped din siya nila Emmerson.” sagot ko.
“Tara na!” anyaya sa amin ni Kio. Lumabas na kami ng pintuan pero nagulat kami ng isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw. Napatingin kami. Nanlaki ang mga mata ko. Si Jhairone na duguan. May tama siya.
“Stella tumakas na kayo!” sigaw sa akin ni Kio. Nakita kong tumayo si Vince. Siya yung bumaril kay Jhairone. Nanginginig na yung mga paa ko. Tumakbo ako palayo at iniwan ko sila Kio at Pres Theo dun. Pero bago ako tuluyang umalis ay napatingin ako kay Jhairone na nakahiga na sa lupa. Duguan at parang mamatay na din. Inaalalayan ko si Emily ngayon. Umiiyak ako habang lumalayo sa bahay na iyon.
Bigla kong nakasalubong si Luke.
“Stella anong nangyari? Bakit walang malay si Emily? Sila Kio?” sunod-sunod na tanong ni Luke. Mas lalo lang akong naiiyak.
“Luke, tulungan mo sila dun please. Baka kung anong mangyari sa kanila..” sagot ko sa kanya habang umiiyak.
“Tumakas na kayo! Ako ng bahala.” utos niya sa amin. Pagkatapos nun ay iniwan niya na kami. Tumuloy naman ako sa paglalakad at inaalalayan pa din itong si Emily. Ano na bang nangyayari? Sana panaginip lang ang lahat ng ito.
Napahinto ako sa pagtakbo ng isang malakas na putok ng baril yung umalingawngaw. Napatingin ako sa lumang bahay. Malayo na ako dun pero nag-aalala ako para sa kanila. What if may mamatay nanaman?
Huwag naman sana. Sana bigla akong magising at isa lang itong bangungot. Please lang.
Sana panaginip lang ang lahat ng ito...
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...