EHRA POV
Nandito kami ngayon sa clinic. Dinala namin si Luke matapos syang bumagsak kanina. Nahimatay sya at namumutla. Nag-aalala ako sa kalagayan ngayon ni Luke. Kasama ko ngayon si Stella, Jhairone at Maam Diane. Nandito kami sa waiting area at inaantay ang paglabas ng nurse.
“Sana okay lang si Luke.” sabi ni Maam Diane.
“Kaya nga po maam. Kanina ko pa po sya napapansin na matamlay pero sabi niya okay lang naman daw po sya.” paliwanag naman ni Jhairone.
Bakit pa kasi sya pumasok? Alam nyang masama yung pakiramdam nya tapos pipilitin nya pang pumasok. Atsaka hindi okay yung tinatago nya yung sakit nya sa iba. Hindi nya man lang sinabi sa akin.
Lumabas ang nurse mula sa kwarto ni Luke. Lumapit ito kay Maam Diane.
“Okay na po yung estudyante. Puyat at pagod lang po yung dahilan kung bakit sya nagkasakit ng ganyan. Onting pahinga lang ay pwede na ulit syang pumasok. May gamot kami dito, ipapadala nalang namin mamaya yung mga gamot.” sabi ng nurse.
“Salamat po. Ipahahatid ko nalang po si Luke sa mga kaibigan nya.” sagot ni Maam Diane.
“Sige po.” sabi ng nurse at umalis na.
Tumingin sa aming tatlo si Maam Diane. Para bang sinisiyasat kami.
“Kayong tatlo. Since kayo yung naghatid dito kay Luke sa clinic eh kayo na din yung maghatid sa kanya pauwi.” sabi ni Maam Diane. Tumango naman kaming tatlo. Nagpaalam si maam na babalik na sa room kaya naman inayos namin nila Jhairone at Stella yung mga gamit ni Luke.
“Ako na ang maghahawak ng bag ni Luke.” sabi ni Stella.
“Ako na dito sa dala nyang gitara.” sabi naman ni Jhairone. Oo nga pala. Mahilig tumugtog ng gitara si Luke kaya naman palagi syang may dala nito.
Tumitig ako ng masama kay Jhairone. Bakit sya ang maghahawak ng gitara? Ako dapat diba?
“Ako ang maghahawak ng gitara. Ikaw ang umalalay kay Luke! Kalalaki mong tao tapos gitara lang hahawakan mo? Aba! Ikaw kay Luke. Gustuhin ko man na alalayan yan, eh hindi ko kakayanin.” sermon ko sa kanya.
Napakamot lang sya ng ulo tapos pumasok na sya ng kwarto para alalayan na si Luke.
Huwag syang magreklamo dyan aba! Kalalaki nyang tao tapos gitara lang hahawakan nya? Kung kaya ko nga lang alalayan yan si Luke eh ako nalang talaga.
Lumabas na kami ng clinic. Syempre inalalayan na din namin si Luke kasi parang hirap na hirap pa mag-alalay si Jhairone sa kanya. Sa madaling salita, parang ako na din yung umalalay sa kanya.
Talaga nga naman oh.
***
CAMILLA POVPumunta ako sa likod ng school. Break time na ngayon at napakarami nang tao yung nasa canteen para bumili ng pagkain. Pagkain naman talaga yung binibili sa canteen. Alangan namang damit.
Buti nalang talaga at may dala akong baon na kanin at hindi ko na kailangan makipagsiksikan para lang makabili.
Choice ko talaga dito kumain sa likod ng school kasi bukod sa walang tao at tahimik ay pwede pa akong kumanta.
Naupo ako sa isang upuang bakal na nasa isang gilid. Upuang bakal sya eh. Hindi ko alam kung anong tawag dun.
Binuksan ko yung baunan ko at ngumiti. Inamoy ko yung laman nito at sinimulan nang kainin.
“Yum! Ang sarap talaga ng adobo kahit kailan!” sigaw ko habang kinakain yung baon kong kanin, adobo at isang pirasong mansanas.
Tahimik lang ako dun. Tumitingin ako sa paligid kasi baka may makakita sa katakawan ko. Pero sadya talagang walang katao-tao na pumupunta sa likod ng school kaya naman sobrang tahimik. Kung meron lang ay mga guards at janitor lang ng school yung pumupunta.
Medyo mainit din dito kaya naman nagdala ako ng pamaypay para maibsan yung init ko kahit papaano.
Hindi din ako makapagcellphone dito kasi wala din naman signal sa likod ng school.
“Ahhhhhh! Help me! Help! Tulong!”
Isang sigaw ang narinig ko sa di kalayuan. Medyo malakas sya kaya sure akong nasa malapit lang yun. Iyak na may kasamang paghingi ng saklolo.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at sinimulang hanapin yung tinig na yun. Wala na din tinig akong narinig pagtapos ng naunang sigaw kaya baka naman imagination ko lang yun. Tumingin ako sa paligid para icheck kung wala talaga.
Ilang saglit pa...
Wala naman. Wala naman akong nakitang humihingi ng tulong or saklolo. Ako lang talaga yung tao sa lugar na ito.
Babalik na sana ako sa kinauupuan ko nang may nakita ang maliit na karton sa lupa. May nakasulat sa maliit na karton na iyon. Kaya agad kong nilapitan yung maliit na karton na iyon kaya naman nabasa ko yung nakasulat doon.
“Dont?” taka kong basa.
Pinulot ko yung maliit na karton na iyon. Tiningnan kong mabuti yung nakasulat doon.
Paulit-ulit kong binasa yung nakasulat doon.
Ilang saglit pa ay may narinig akong kaliskis sa damuhan kaya naman napatingin ako.
Kinakabahan na ako sa nangyayari sa akin ngayon.
Pumunta ako sa damuhan kung saan ko narinig ang kaluskos. Tiningnan kong mabuti ang paligid. Wala namang tao.
Napaisip ako ng saglit at....
Agad akong tumakbo patungo sa kinauupuan ko kanina. Kinuha ko lahat ng gamit ko na nandoon at agad na tumakbo palayo sa lugar na iyon.
Kanina kasi ay tinig ng isang babaeng humihingi ng saklolo. Then yung maliit na karton na may nakasulat na “Dont” at parang dugo pa yung ginamit panulat doon. At ikatlo may kaluskos naman akong narinig pero wala namang tao.
Tinapon ko na din yung maliit na karton kasi baka pag-aari yun ng isang multo!
Oo multo!
Baka may multo talaga sa likod ng school gaya ng usap-usapan ng mga ibang estudyante. Kahit medyo matapang akong tao ay may kinatatakutan pa din ako. At isa na dun ay multo.
Oh my gosh! Ang creepy talaga. Never na akong babalik sa likod ng school para lang kumain ng lunch. Kahit sa loob nalang na room.
May multo sa likod ng school! Oh my gosh! May multo!
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...