CHAPTER 51

15 5 0
                                    

                        VIOLET POV

Madilim na talaga. Nag-iingat ako sa anumang pwedeng mangyari sa akin. Iniilawan ko yung bawat dinadaanan ko. Buti nalang at nadala ko itong flashlight ni Mang Lorenzo. Nagulat ako ng makarinig ulit ng isang putok ng baril. Malapit lang yun kaya naman pinuntahan ko agad yung pinagmulan nun. Nakarating ako sa isang puno ng balete. Nanlaki yung mga mata ko ng nakabulagta si.....

Shontelle?

Napatakip ako ng bibig. Napatingin ako sa isang lalaking may hawak na baril habang nakatutok pa din yung baril kay Shontelle. Teka? Parang pamilyar yung lalaki. Lumapit pa ako ng onti pero nakatago ako para makita yung mukha ng lalaki. Napatakip ulit ako ng bibig ng makita ko ng malinaw yung lalaki.

Kuya? K-kuya Vince?

Hindi ako makapaniwala. Anong ginagawa niya sa dito? Nagulat ako ng isang karton yung biglang dumikit sa paa ko. Napatingin ako sa paa ko at tinitigan yung karton. Dahan-dahan ko itong pinulot at binasa yung nakasulat dun.

“Dont...” mahina ko ng sabi. Nanlaki ang mga mata ko at binitawan yung karton. Tumalikod ako at..

“Nice to see you again. Bunso.” nanlaki pa yung mga mata ko ng makita ko si Kuya Vince na nakatayo sa harapan ko ngayon. Napaatras ako.

“K-kuya.. Anong g-ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako. Ngumiti siya sa akin

“Ano sa tingin mo bunso?” sagot niya. Napatingin ako kay Shontelle. Nakabulagta at duguan. Patay na siya. Muli akong napaatras.

“Bunso. Samahan mo naman ako.” sabi niya sa akin. Lumalapit siya kaya naman napaatras ulit ako. Hindi ko alam yung gagawin ko. Bakit kinakabahan ako kay Kuya? Ano ba talagang nangyayari?

“Bunso. Tulungan mo kong makuha si Emily. Please...” sabi pa ni Kuya. Pero natatakot ako. Nakangiti siya.

“K-kuya Vince.. A-ano bang nangyayari sayo?” tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilang umiyak. Bakit siya nagkakaganyan? Patuloy akong umaatras.

“Ah!” napasigaw ako ng bigla akong matisod. Napaupo ako sa lupa.

“Bunso sige na...” sabi ni Kuya Vince. Humalaklak siya ng tawa.

“Kuya naman e..” sabi ko sa kanya. Umiiyak na ako sa takot. Anong nangyari sa kuya ko? Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay tawa ng tawa.

Nagulat ako ng isang malakas na putok ng baril ay umalingawngaw. Kasunod nito ang pagbagsak sa lupa ni Kuya.

“Kuya Vince!” sigaw ko. Nilapitan ko siya. May tama siya ng bala sa paa.

“Kuya ayos ka lang?” tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot at namimilipit sa sakit. Nagulat ako ng biglang may humila sa akin. Napatingin ako sa likuran.

“Kio?” napatingin ako kay Kio na may hawak na baril. Anong ginagawa niya? Itinutok niya ulit yung baril kay Kuya. Nanlaki yung mga mata ko.

“Kio ano ba? Papatayin mo ba si Kuya? Tama na!” sigaw ko sa kanya habang umiiyak. Ano ba kasing ginagawa nila?

“Violet tumabi ka! Mamamatay tao iyang kuya mo!” sigaw niya din sa akin.

“Kio ano ba? Nababaliw ka na ba? Anong mamatay tao ang pinagsasabi mo?” taka kong tanong sa kanya. Ano bang nangyayari talaga?

Nanlaki yung mga mata ni Kio na ipinagtaka ko.

“Violet!” sigaw ni Kio sa akin. Bigla niya akong hinila at niyakap. Nagkapalit kami ng puwesto. Kasunod din nun ang dalawang beses na putok ng baril. Parang tumigil yung pagtibok ng puso ko.

“Kio?” tanong ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin atsaka bumagsak. Duguan siya.

“Kio!” hindi ako makapaniwala. Mas lalo ko pang nilakasan yung iyak ko. Hindi ako makagalaw. Nakahiga si Kio sa lupa ngayon at duguan. Nahihirapan na siyang huminga.

“Kio!” isinigaw ko ulit yung pangalan niya habang niyayakap ko siya.

Bakit?

Kio gumising ka!” sabi ko sa kanya habang hinahawakan yung mga pisngi niya. Ipinatong ko yung ulo ko sa dibdib niya habang umiiyak.

“Nice!” napaangat ako ng ulo at napatingin kay kuya na dahan-dahang tumatayo.

“Mas maganda siguro kung magkasama kayong mamamaalam.” pagkasabi niya nun ay itinutok niya sa akin yung baril dahilan para pumikit ako.

Ito na ba yun?

Kasunod nun ay isang putok ng baril ulit ang umalingawngaw sa buong gubat. Walang tumama sa aking bala. Wala akong naramdaman. Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko. Bumulaga sa aking harapan si Kuya Vince. Duguan at kakatumba lang.

“Kuya!” sigaw ko. Nilapitan ko si kuya. Niyakap ko siya. Umiyak ulit ako. Nahihirapan na siyang huminga at malapit na ding bawian ng buhay.

“Kuya!” sigaw ko pa. Kasunod nun ay bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Bakit nangyayari ang lahat ng ito?

Nagulat ako ng bigla akong itinayo ni Theo.. Napatingin ako sa kanya. Siya ba ang bumaril sa kuya ko? Tumingin ako sa hawak niyang baril.

“Violet.. Tara na.” anyaya niya sa akin. Hindi ko matanggap. Pinilit kong makaalis mula sa pagkakahawak sa akin ni Theo pero hindi niya ako binitawan. Wala akong magawa. Umiiyak lang ako.

Sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi ko naprotektahan ang mga taong mahahalaga sa akin. Pati si Kio..

Violet tara na.” muli akong hinila ni Theo. Tumingin ako sa bangkay nila Kio at Kuya Vince. Hindi ko matanggap.

“Kuya! Huwag mo akong iwan!” sigaw ko. Bakit ba nangyari ito? Hindi ako makapaniwalang isa siya sa mga taong dahilan ng pagkamatay nilang lahat. Habang palayo kami ni Theo ay napatingin din ako sa bangkay ni Shontelle. Naawa ako.

Basang-basa na kami nung makabalik kami sa bus. Sinalubong kami ni Ehra. Niyakap niya agad ako pero parang wala lang sa akin.

“Violet ayos ka lang ba?” alalang tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Pinaupo niya ako at tinabihan.

“Violet sumagot ka!” sigaw sa akin ni Ehra. Wala akong gana. Gusto ko nalang din mamatay.

“Pres nasaan si Kio?” narinig ko yung tanong ni Stella. Nakatingin ako sa bintana. Nakikita ko yung malakas na buhos ng ulan.

“Patay na si Kio.. Pinatay siya ni Vince.” narinig ko yung sagot ni Theo. Nung sinabi yun ni Theo ay muli akong umiyak. Naaalala ko sila. Narinig ko din na umiyak si Stella.

Wala na akong ganang mabuhay. Bakit kailangan mamatay ni Kuya Vince? Ano ba talagang kinalaman niya sa lahat? Bakit halos ubusin na kami nila Emmerson?

Niyakap ako ni Ehra. Hindi ko mapigilang humagulgol sa pag-iyak.

“Maiintindihan mo din ang lahat ng ito Violet.” sabi ni Ehra sa akin. Nanghihina ako ngayon.

Nararamdaman ko na umaandar na yung bus. Hindi ko alam kung aalis na ba kami dito. Gusto ko pang balikan yung mga katawan nila. Gusto ko silang makasama.

Hindi ko inakalang punong-puno ng saya nung pumasok kami sa gubat na ito. Pero pag-alis namin. Puno na pala ng mga dugo at pagluha.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon