CHAPTER 53

23 5 0
                                    

                        STELLA POV

Nakita ko yung mga kabaong nila. Magkakahilera. Nandito sa covered court lahat ng mga labi ng mga kaklase ko para makadalaw ang lahat. Maliban kina Emmerson at Vince na nasa mga pamilya nila ngayon. Una kong pinuntahan si Kio. Sinilip ko yung kabaong niya. Ang pogi niya din talaga kahit patay na.

Naiiyak nanaman ako. Akala ko makakabalik siya ng buhay. Sinundan ko siya nung hahanapin niya si Violet pero hindi ko sila nakita ni Pres Theo kung saan sila pumunta. Kaya in the end ay bumalik nalang ako sa bus.

Kung alam ko lang na mangyayari sayo yun. Sana ako nalang yung namatay at nagsakripisyo. Gustong-gusto kita Kio. Nung sinabi mong kaibigan lang yung turing mo sa akin. Hindi ako sumuko nun at baka magkaroon pa ako ng chance. Hanggang ngayon..

Gusto ko pa sanang umaasa.

Pero paano ako aasa kung wala na yung taong aasahan ko?

Pinunasan ko yung luha sa mga mata ko. Napangiti ako sa huling sandali. Sana ay maging masaya si Kio kung nasaan man siya. Hindi na ako aasa.. Hindi na ako maghahabol sa wala..

Dahil pinuputol ko na yung nararamdaman ko sayo. Kio Gujelda..

Sunod kong pinuntahan sila Adalyn at Dylan. Magkatabi yung mga kabaong nila. Napangiti ako. Parang nag-aaway  pa din ata itong magjowa na ito. Naghiwalay sila bago mamatay pero alam ko mahal nila ang isa't isa. Sana ay matuloy yung pagmamahalan nila kung nasaan man sila ngayon.

Pinuntahan ko naman si Sir Gomez. Alam mo sir. Ang bait mo sa amin. Kahit lagi kaming pasaway eh nagagawa mo pa din kaming ipasa sa bawat quarter. Kaya lang. Hindi mo na kami nabigyan ng grades ngayon dahil.. Wala ka na. Lagi kitang maalala Sir Gomez. Maging masaya ka sana.

Pinuntahan ko naman si Jhairone. Tumingin ako sa kabaong niya. Makulit siya at maingay pero mamimiss ko lahat ng iyon. Naalala ko na nagbiro pa siya bago siya mamatay. Mamimiss din kita Jhairone..

Pinuntahan ko naman sila Shontelle at Missy. Napangiti din ako. Mabuti din silang kaklase. Hindi sila nainis sa amin kahit kami yung pinakasakit ng ulo sa section. Tinitigan ko ang labi ni Shontelle. Napangiti ulit ako. Mahal mo pa kaya si Kio? Sana huwag ka ng magalit sa ex mo ah. Maswerte ka nga at naranasan mo na mahalin ni Kio.

Huli kong pinuntahan yung pinaka-kaaway namin nila Ehra. Si Ashley at Zoey. Magkatabi din nila. Akala ko magkakabati pa kami ng dalawang bruha na toh. Wala na pala. Sana nagkabati man lang kami bago sila mamatay. Nung inaway at nilait nila si Ehra tungkol sa jacket ay nainis ako ng sobra. Pero namiss ko yun dahil iyon yung huli naming bardagulan. Sana naman magpakabait na kayo sa next life niyo.

Pagkatapos kong bisitahin lahat ng kaklase ko ay umalis na din ako. Gusto ko pa sana magstay kaso tinext na ako ni mama na umuwi na agad. Hindi pa din sila panatag dahil sa nangyari sa amin. Nagpapasalamat ako dahil ligtas pa din ako.

Muli kong sinulyapan yung malaking tarpulin na nakasabit sa court.

Rest in peace. 35 angels.”




                          EHRA POV

“Ehra!” nagulat ako ng tinawag ako ni Luke. Napahinto ako sa paglalakad.

“Bakit nanaman?” tanong ko.

“Binilhan kita. Baka nagugutom ka na.” nagulat naman ako ng ibigay niya sa akin yung isang burger. Anong akala niya sa akin. PG? Tinaggap ko din naman kasi sayang.

“Tapos ka na dumalaw?” tanong niya sa akin.

“Oo. Uuwi na nga ako.” sabi ko sabay kagat ng burger.

“Sabay na tayo.” anyaya niya.

“Ano pa nga ba?” sagot ko. Nanliligaw pala sa akin si Luke. Oh diba! Kakagaling palang sa trahedya pero landian na agad. Syempre ayoko muna siyang maging boyfriend. Kailangan niya pa ding manligaw sa akin. Ang swerte niya naman kung sasagutin ko siya agad. Wag na huy! Gusto ko pa makalibre ng burger.

Nabalitaan ko na nanliligaw na din pala si Pres Theo kay Violet. Si Stella naman e inienjoy pa din ang pagiging single niya. Nakwento sa akin ni Stella yung naganap na pagconfess niya kay Kio. Grabe! Hindi ko nasaksihan yun! Atleast nakapagconfess siya bago mamatay si Kio.

Napabuntong hininga ako. Naalala ko nanaman sila Kio. Wala na pala sila. Parang kahapon lang nung naglaro pa kami ng Truth or Dare. Dun nagsimula yung lahat. Dun din nabunyag yung maraming sikreto. Grabe naman yung haba ng buhok ni Violet. Kio, Theo, at Emmerson? Baka meron pang ibang nagkakagusto sa kanya?

“Ehra.” nagulat ako ng tawagin ni Luke yung pangalan ko.

“May tatanong ako.” sabi niya na ikinataas ko naman ng kilay.

You don't have magic potion right? But why am i attracted to you?” tanong niya. Sira talaga ito.

“Baka nga. Kasi parang galing kami sa mga lahi ng mangkukulam.” biro ko sa kanya.

“Huh?” taka niyang tanong. Niloloko niya ba ako?

“Ewan ko sayo Luke! Bahala ka diyan!” sigaw ko sa kanya. Binilisan ko yung paglalakad ko habang kinakain pa din yung burger.

Ayokong makipagbiruan ngayon. Please lang.




                         EMILY POV

Pupunta pa ba ako? Ayoko ng pumunta. Baka sisihin nila ako. Ako ang may kasalanan.

Sinisisi ko yung sarili ko. Feeling ko ako yung may kasalanan kung bakit nangyari yun. Ang daming namatay at nadamay.

Namatay sila Adalyn, Dylan, Zoey at Missy sa harapan ko mismo. Hindi ko inaakalang magagawa yun ng isang katulad ni Vince. Si Kio din namatay na.

Wala akong nagawa. Ang daming namatay at ang daming chance para matulungan sila pero hindi ko nagawa. Pero kung may malay ako nung namatay si Kio. Sinubukan ko sigurong iligtas o pigilan yung pagkamatay niya.

Hindi ko din naamin... Hindi si Vince ang gusto ko. Oo gusto ako ni Vince pero wala akong gusto sa kanya. Kaibigan lang talaga siya para sa akin. Si Kio ang nagugustuhan ko. Matagal ko nang gusto si Kio pero hindi ko masabi dahil nahihiya ako. Irereject niya lang naman ako. Nagseselos ako sa tuwing may lumalapit at may nagkakagusto sa kanyang babae. Pero..

Why should i be jealous if i have no right?

Wala nga talaga. Nung gabi na naglaro kami. Galit na galit ako sa kanila at talagang ginagawa ko sila para masira yung mga pagkakaibigan nila. Pero nung nagpapatayan na. Nag-alala din ako sa kanila. Nahihiya nga ako dahil niligtas pa din nila ako sa kabila ng mga ginawa ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong iniisip nila tungkol sa akin. Naguilty ako sa ginawa ko. Napatawad kaya nila ako.

Hindi din ako nakapagpaalam sa kanila. Sana lang wala silang magalit sa akin.

Sinisisi ko yung sarili ko sa lahat ng bangungot na nangyari sa amin.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon