LUKE POV
“Pres!” sigaw ko. Lumapit ako kay Pres Theo na may tama ng baril sa braso.
“Pres tumakas ka na.” utos ko sa kanya. Pero tinitigan niya ako ng masama.
“Baliw ka ba? Huwag mo akong alalahanin! Tulungan mo si Kio.” utos sa akin ni Pres. Napatingin naman ako kay Kio na nakikipagbugbugan kay....
Vince?
Hindi ako makapaniwala. Bakit nandito si Vince? Bakit siya nakikipagbugbugan? Anong kinalaman niya dito? Hindi ko na maintindihan yung mga nangyayari.
“Luke ano ba! Bilisan mo!” nagulat pa ako sa sigaw sa akin ni Pres. Agad ko namang tinakbo sila Kio at Vince. Naghanap ako ng bagay na pwedeng makatulong at may nakita akong isang mahabang kahoy kaya naman kinuha ko agad yun at ipinukpok kay Vince. Nawalan siya ng malay.
“Kio. Ayos ka lang?” tanong ko kay Kio.
“O-oo...” sagot ni Kio habang tumatayo. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Emmerson na bumabangon. Agad kong kinuha yung baril na nasa kamay ni Vince at hindi nagdalawang isip na barilin si Emmerson. Dalawang beses ko siyang binaril kaya naman tuluyan na siyang bumagsak.
Hindi ako makapaniwala... Anong ginawa ko? Binitawan ko yung baril at tumitig ako sa dalawang kamay ko.
Anong ginawa ko? Nakapatay ako..
EHRA POV
“Tulong!” narinig ko ang boses ni Stella na sumisigaw kaya naman agad akong tumayo at pinilit kong maglakad kahit masakit yung kaliwang paa ko. Nanlaki yung mga mata ko ng makita si Stella. Alalay niya si Emily? Agad ko silang sinalubong.
“Anong nangyari?” tanong ko sa kay Stella.
“Mamaya na Ehra. Tulungan mo muna akong dalhin si Emily sa bus. Bumalik na tayo dun.” sagot ni Stella. Hindi ko alam yung mga nangyayari.
“Nasaan sila Luke?” tanong ko. Nag-aalala na talaga ako.
“Ehra naman! Mamaya ka na magtanong! Bumalik na muna tayo ng bus!” sigaw sa akin ni Stella. Nag-aalala lang naman kasi ako kina Luke. Hindi ko alam yung nangyari. Atsaka ilang beses akong nakarinig ng putok ng baril. Tinulungan ko nalang si Stella na alalayan si Emily at naglakad na kami pabalik ng bus. Alam pa namin yung daan pabalik dahil tinandaan na namin kanina para madali kaming makabalik dun. Naiiyak nanaman ako. Hindi ko mapigilang maluha. Ayoko na dito. Gusto ko na umalis.
Kailan ba matatapos itong bangungot na ito?
VIOLET POV
“Mang Lorenzo narinig nyo iyon?” tanong ko kay Mang Lorenzo. Nakarinig kami ng mga putok ng baril. Kinakabahan ako.
“Narinig ko nga Violet. Saan nanggaling yun?” takang tanong din ni Mang Lorenzo. Nandito kami ngayon sa bus. Nahanap namin ulit ito pero halos mamatay ako sa iyak ng makita ko yung mga kaklase ko na wala ng mga buhay. Pati si Sir Gomez. Napaka d*monyo talaga nila Emmerson. Wala silang mga awa.
Hindi ako mapakali dahil wala yung katawan nila Ehra dun sa mga namatay. Buhay pa kaya sila? Natataranta ako. What if buhay pa sila? Atsaka saan nanggaling yung putok ng mga baril?
Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Kaya naman nagdesisyon akong hanapin sila.
“Mang Lorenzo dito ka lang po ah. May hahanapin lang ako. Saglit lang po. Antayin niyo po ako diyan.” paalam ko kay Mang Lorenzo.
“Saan ka pupunta?” tanong niya pero hindi ko na yun pinansin at tuluyan na akong bumaba ng bus. Wala na akong panahon para sagutin pa si Mang Lorenzo.
EHRA POV
“Kaya mo pa Stella?” tanong ko kay Stella na nahihirapan na ngayon. Mabigat din pala si Emily at malayo din yung bus kaya medyo sumasakit na yung mga paa namin.
“Kaya ko pa.” sagot ni Stella. Nagtataka ako. Nakita ba nila si Emily sa lumang bahay? Atsaka nagtataka ako kasi hindi ko nakita si Emily na bitbit ni Emmerson. Or baka hindi ko lang talaga siya nakita.
“Ano bang gagawin nila kay Emily?” tanong ko habang patuloy na naglalakad.
“Hindi ko alam! Basta pagpunta namin sa lumang bahay eh biglang dumating sina Emmerson at Vince dala-dala si Emily.” nagtaka ako sa sagot niya.
“V-vince?” taka kong tanong sa kanya. Pero medyo naiinis na ata siya sa akin.
“Ehra ano ba! Mamaya ka na magtanong. Dalhin muna natin sa bus si Emily.” inis niyang sabi. Hindi naman na ako umimik dahil baka magalit pa ng tuluyan si Stella. Maya-maya ay nakarating na din kami sa bus. Agad kaming pumasok dito at agad din naming inupo si Emily sa isang upuan.
“Mga hija anong nangyari?” nagulat kami ng biglang may magtanong. Ngayon lang namin napagtanto na may tao pala sa loob ng bus.
“M-mang Lorenzo?” tanong ni Stella. Tinitigan ko din naman ng maiigi yung matanda at si Mang Lorenzo nga iyon!
“Mang Lorenzo, nakabalik ka!” sabi ko. Mas lalo akong nabuhayan ng pag-asa. Nandito na si Mang Lorenzo at malaki yung chance namin na makalabas na.
“Mang Lorenzo, nasa inyo po ba yung susi ng bus?” tanong ko sa kanya.
“Nasa akin nga hija.” sagot niya. Napangiti ako at sumilip sa bintana ng bus. Pagkatapos ay isinara yung kurtina ng bintana.
“Mang Lorenzo, antayin lang po natin yung iba pa naming mga kaibigan. Malapit na po sila.” sabi ko pero kinakabahan at natatakot ako. Sana ligtas silang makabalik dito. Maya-maya ay nakarinig kami ng ingay. Agad akong sumilip ulit sa bintana ng bus. Nakita ko sila Luke na tumatakbo papunta dito. Agad kong tinakbo sila palabas para salubungin.
“Luke!” sigaw ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.
“Luke ayos ka lang?” tanong ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa kamay.
“Ayos lang kami. Tara na.” anyaya niya sa akin. Pumasok kami ng bus. Nandito na din sila Pres Theo at Kio. Nanlaki yung mga mata ko ng makitang duguan yung braso ni Pres Theo.
“Anong nangyari sa kanya?” tanong ko habang pinagmamasdan si Pres na umupo naman agad sa isang upuan at namimilipit sa sakit.
“Ako ng bahala gumamot diyan.” sabi naman ni Stella habang kumukuha ng mga first aid sa bag niya.
“Mang Lorenzo? Nandito na kayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Luke.
“Oo hijo.” sagot ni Mang Lorenzo.
“Ano pang inaantay natin? Umalis na tayo!” sabi ko naman.
“Sandali lang! Paano si Violet? Ligtas siya diba? Hanapin natin siya!” sabi ni Pres. Agad ko namang naalala si Violet. Buhay siya? Paano nila nalaman?
“Ay oo nga pala. Si Violet ang kasama kong bumalik dito. Lumabas ulit siya dahil hahanapin niya daw kayo.” napatingin kaming lahat kay Mang Lorenzo.
“Ano ho? Kasama niyo siya kanina? Nasaan na po siya?” alalang tanong ni Kio.
“Oo hijo. Hindi ko nga lang alam kung saan siya pumunta.” sagot ni Mang Lorenzo. Nagulat kami ng biglang lumabas si Kio sa bus.
“Kio!” sigaw ni Stella. Pero hindi sumagot si Kio at nagpatuloy sa pagtakbo.
“Hahanapin ko si Violet!” nagulat kami ng tumayo si Pres. Lumabas din siya ng bus.
“Pres!” sigaw ko pero tuloy lang din siya sa pagtakbo kahit may sugat siya. Biglang tumakbo din palabas si Stella.
“Stella!” sigaw ko. Akmang hahabulin ko pa sana si Stella pero bigla akong pinigilan ni Luke.
“Ehra huwag na.” sabi sa akin ni Luke.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...