CHAPTER 36

18 6 0
                                    

                          EHRA POV

“Bumaba na. Mag-ingat ha.” paalala sa amin ni Sir Gomez habang pinapababa kami sa bus. Nandito na kami sa forest. Sa pagkakaalam ko parang Zambales ata toh eh. Basta hindi ko sure kung anong probinsya toh. Basta magcacamping lang ako.

Nakababa na kaming lahat. Pasado alas-onse na ng umaga at medyo nagugutom na ako. May mga kaklase na kaming panay picture agad. May mga lumalayo at naggagala agad.

“Guys! Huwag muna kayong lumayo!” sabi ni Sir.

Umupo muna ako sa isang tabi. Hindi ko na kaya yung gutom. Nilabas ko na yung mga baon kong snacks kasi talagang nagugutom na ako. Tinabihan naman ako ni Stella.

“Kakain ka agad?” tanong niya.

“Ay hindi! Paglalaruan ko lang toh!” biro ko sa kanya. Obvious naman na kakain ako eh.

“Penge nga.” sabi niya sabay kuha sa Mang Juan na kakabukas ko lang. Napaka ano netong babaeng toh. Hindi pa nga ako sumagot ng oo.

“Hello guys.” sabi ni Violet sa amin habang umupo sa tabi namin.

“Hi girl. Kamusta na?” tanong sa kanya ni Stella habang nanguya.

“Eto. Bad girl pa din.” sabi ni Violet sabay kumuha sa Mang Juan ko. Aba!

“Sus, bad girl? Parang hindi mo na nga inaaway si Pres Theo.” pilosopong sagot sa kanya ni Stella.

“Sinasabi mo? Porket hindi inaaway si Theo, hindi na agad bad girl? Syempre hindi lang naman ako kay Theo nakafocus pagdating sa pakikipag-away.” sagot ni Violet.

“Speaking of focus. Sino ba talagang nakafocus? Si Pres Theo ba yung nakafocus sayo?” sabat ko sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Violet.

“Huy hindi ah! Hindi ko nga kinakausap yun.” sagot niya.

“Nahahalata ko lang kayo nitong mga nakaraang araw. Ano bang meron?” tukso kong tanong sa kanya.

“Ano ba kayo! Wala naman. Siguro naninibago lang kayo kasi hindi na kami nag-aaway.” paliwanag niya.

“Okay. Sabi mo eh.” sagot ko sa kanya.
Naubos na pala agad itong Mang Juan kasi tatlo pala kaming nakain. Kaya namang yung Clover naman yung binuksan ko. Aba! Ang bibilis ng mga kamay ng mga babaeng toh.

“Easy lang. Hindi po kayo mauubusan.” sabi ko sa kanila kaya tumawa silang dalawa.

“Good morning guys.” nagulat kami sa pagdating ni Luke at Kio. Nakiupo sila sa amin. Mga h*nayupak talaga. Nakikuha din sa Clover ko.

“Nga pala guys. Kamusta na yung mga reports niyo sa English?” tanong ni Kio.

“Tumahimik ka nga diyan. Pumunta kami sa camping na toh para kalimutan lahat ng problema at mga school works. Huwag mo ng ipaalala.” inis naman na sabi sa kanya ni Violet.

“S-sorry naman.” sabi ni Kio na napakamot ng ulo. Si Stella ay parang baliw sa tabi ko. Katabi niya din kasi si Kio eh crush niya pa naman yun. Naglalandi ang bff ko.

“Okay guys! Lapit lahat sa akin. Sasabihin ko muna yung rules.” sigaw ni Sir Gomez kaya naman tumayo kami at lumapit na din sa kanya. Ipinaliwanag niya lahat ng dapat at hindi dapat gawin. Atsaka may activities din pala. Ecxiting!

Naghiwa-hiwalay na din pagkatapos. Humanap kami ni Stella na pwedeng pagtayuan ng tent. Nakahanap naman agad kami ng pwesto. Tatlo pala kami sa tent kasi wala daw nadala si Violet. Malaki naman ito kaya kasya kami dito. Halos magkakalapit lang naman yung mga tents namin. Sila Emily at Adalyn yung magkasama sa isang tent. Tapos sila Luke, Pres Theo, Kio, Dylan at Jhairone ay nagsama-sama sa isang tent. Malaki kasi yung sa kanila kaya kasya silang lima.

Pumasok agad kaming tatlo sa tent at ecxited na nag-usap.

“Guys! Ang saya! Komportable ako dito.” nakangiting sabi ni Stella.

“Kaya guys. Mahimbing akong makakatulog dito.” sabi ko naman.

“Bakit kaya hindi namamansin si Emily? May galit ba siya sa atin?” tanong ni Violet.

“Obvious naman. Isang buwan na tayong hindi pinapansin niyan since yung hindi tayo nakapunta sa birthday niya.” paliwanag ni Stella.

“Sabagay.” naisagot nalang din ni Violet. Humiga ako. Ang sarap sa feeling. Inunat ko yung katawan ko. Sobrang sarap talaga. Humiga na din sila Stella at Violet.

“Nakakaantok talaga.” sabi ni Stella.

“Sinabi mo pa.” sagot ni Violet. Ang saya ko kasi ang tahimik na ng mga buhay namin ngayon. Wala ng killer or kung ano man. Puro reportings at quizes nalang yung pinoproblema namin. Tumayo si Violet.

“Labas muna ako guys ah.” paalam niya.

“Sige lang.” sagot ko. Lumabas na si Violet at naiwan kami ni Stella na nakahiga dun.

“Ang pogi talaga ni Kio.” nagulat ako nang biglang magbigay ng new topic si Stella.

“Oo. Pero.. Medyo masama din ugali.” sagot ko.

“Ano ka ba Ehra. Kahit ganun siya eh nakakaattract pa din siya. Nakakabaliw!” sabi niya habang ngumingiti.

“Bakit hindi ka kaya magconfess?” tanong ko sa kanya na kinalaki ng mata niya.

“Huy! Ayoko nga! Nakakahiya, atsaka hindi pa kami masyadong magkakilala.” sagot niya sa akin.

“Pwede naman yun. Sige ka, baka maunahan ka ng iba diyan.” pananakot ko sa kanya.

“Ah basta magcoconfess din ako. Hindi pa nga lang ngayon. Hindi pa ako ready.” sagot niya.

“Kayo ni Luke?” nagulat ako sa tanong niya.

“Anong kami ni Luke?” taka kong tanong sa kanya.

“Baliw. I mean kayo ni Luke. May gusto pa din ba siya sayo?” sagot ni Stella.

“Ah. Sa tingin ko naman. Pero nakakaawa kasi si Luke kapag sinabihan ko kaya naman magkukunwari nalang akong hindi ko alam.” paliwanag ko sa kanya.

“Ang torpe niya kasi. Masyado siyang mahiyain pagdating sa mga ganyang mga bagay.” sabi ni Stella.

“Akala niya siguro. Mafefriend zone siya.” sagot ko sabay tawa. Hindi ko intensyon na pagtawanan si Luke. Pero nakakatawa kasi siya. Kung may gusto siya sa isang tao eh dapat, hindi siya nag-iisip ng mga negative. Lakasan niya yung loob niya. Pero hindi niya din matatago yun at one day, maaamin niya din yun sa akin.

“Nakakapagod talaga yung buhay.” pag-iiba ko ng topic.

“Oo. Pero hindi naman mawawala sa buhay yung mga problema. Binigay na sa atin yan kaya naman wala tayong choice kundi iaccept nalang. Mas malaking kasalanan kaya sa Diyos kung magpakamatay ka.” napangiti ako sa sinabi ni Stella. Matalino siya pagdating sa mga ganung bagay. Oo mahinang tao si Stella pero pinipilit niyang maging malakas para sa pamilya at pangarap niya.

Tumayo ako kasi nakakaboring din palang humiga. Hindi pa ako inaantok kasi nakatulog ako kanina sa biyahe.

“Stella, gala tayo saglit.” yaya ko sa kanya.

“Sige ba.” sagot ni Stella sabay tayo din.

Lumabas na muna kami sa tent at iniwan ito. Marami pa din yung nag-aayos ng tent. Pero mukhang nasa loob na yung mga kaibigan namin. Hindi naman namin nakita si Violet. Baka may pinuntahan nanaman. Lumayo kami ng onti ni Stella para gumala. Pero hindi naman masyadong malayo.

Feeling ko, magiging masaya talaga itong 3 days camping namin. Sana nga.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon