CHAPTER 41

18 5 0
                                    

                        STELLA POV

Umaga na. Nakatulog ako kagabi sa tent habang umiiyak pa din. Hindi pa din ako makaget over sa nangyari kagabi. Feeling ko kasi nakakahiya lang na magkagusto kay Kio. Siguro tama nga yung sinasabi ng iba na mahina akong tao. Hindi ko din naman ikinakaila.

Nagtataka ako kasi wala si Violet sa tent namin. Saan kaya siya natulog? Baka sa ibang tent or bus. Lumabas ako ng tent para hanapin siya. Kakausapin ko din siya dahil sa ginawa sa kanya ni Adalyn. Baka nasaktan din siya. Ang ganda ng araw ngayon. Maaga pa pero yung araw tirik na agad. Hindi din naman mainit masyado. Ang sarap sa pakiramdam na yung unang sasalubong sa iyo sa umaga ay kalikasan.

Naglalakad-lakad ako. Lumilinga din para hanapin si Violet. May mga gising na din namang iba. May kumakain pa nga eh. Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Kio. Kinabahan ako bigla. Gusto kong umalis at takasan siya pero parang hindi ako makagalaw.

“Good morning Stella. Nakita mo ba si Violet?” nakangiti niyang sabi.

“H-hindi ko din alam. H-hinahanap ko nga eh.” sagot ko pero kinakabahan.

“Nasaan naman kaya siya?” takang tanong niya.

“H-hindi ko din alam.” sagot ko.

“Ah.. Sige alis na ako. Hanapin ko din muna siya. Have a nice day.” pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at akmang aalis.

“Kio!” tawag ko kaya naman muli siyang humarap. Hindi ko alam kung bakit ko din siya tinawag. Bigla na lang lumabas sa bibig ko yun.

“Ano yun?” tanong nito. Kinakabahan na ako. Anong sasabihin ko? Sign na ba ito na umamin ako? Pero paano?

“M-may s-sasabihin ako s-sayo.” nanginginig na ako. Hindi ko na alam yung gagawin. Ano ba toh? Bakit bigla kong naisipan itong bagay na ito? Nasisiraan na ako!

“Ano yun?” kunot noo niyang tanong ulit sa akin.

“Kio.... M-may..” talagang kabado ako. Hindi ko na alam kung paano ko ito itutuloy. Kaso nandito na eh. Napakadesisyon ng utak ko eh! Wala ng urungan. Bahala na si Batman!

“M-ay.... May... G-gusto ako s-sayo.” mahina kong sabi. Napayuko ako sa hiya at kaba. Feeling ko namumula ako. Ilang segundong walang sumagot. Hindi ko alam yung gagawin. Bigla ko lang naisipan na umamin sa kanya. Pero wala ito sa plano ko.

“Alam ko.” nagulat ako ng sumagot na siya. Napaangat ako ng ulo. Nagkatitigan kami.

“Alam ko Stella. Dati pa. Nahahalata ko na. Galit ka sa akin diba? Tapos bigla kang bumait. Atsaka ganyan mag-effort yung mga nagkakagusto sa akin. Ganyan yung mga kilos nila. Katulad ng sayo.” napanganga at napatulala ako sa sagot niya. Alam niya? Dati pa?

“H-ha? A-alam mo?” gulat kong tanong sa kanya. Tumango naman siya.

“Stella. Mabait ka. Mabuti ka din at hindi mo pinapansin yung sama ng ugali ko. Pinatawad mo nga ako nung nasagasaan kita ng bike. Mabuti kang tao pero...” kinabahan ako sa mga sinasabi niya. Iiyak na ba ulit ako?

“Stella, sana maintindihan mo na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sayo. Hanggang kaibigan lang. Huwag kang masasaktan ha? Pero nag-aantay lang din ako na umamin ka para masabi ko sayo toh. Sorry Stella pero yung kaibigan mo yung gusto ko. Si Violet.” paliwanag niya.

Okay? Haha. Ganun pala yun? Alam niya pala? Hindi niya agad sinabi. Haha.

Ang sakit....

Sobrang sakit...

Nasasaktan nanaman ako..

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Kio. Feeling ko nagmukha lang akong t*nga. Ayun naman pala. Kaibigan lang. Naiiyak ako. Hindi ko nanaman mapigilan yung sarili ko na umiyak. Hindi ko na ata kakayanin.

Bumagsak na yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Gusto kong umupo pero kinakaya ko na hindi matumba. Sana pala hindi na ako umamin! Masasaktan nanaman pala ulit ako.

Umiiyak ako sa harapan ni Kio ngayon. Masakit talaga. Kagabi pa. Parang imbis na mawala yung sakit eh lalo lang nadagdagan. Naramdaman ko na niyayakap ako ni Kio. Hinihimas niya yung likod ko para patahanin ako.

Mas lalo pa akong naiyak dahil sa pagkakayakap niya. Ang sarap sa feeling ng yakap niya. Pero...

Yung yakap na ito ay yakap pangkaibigan lang. At hinding- hindi magiging yakap na para sa kanyang minamahal.

Sana lang maging masaya siya. Wala akong sinisising iba. Kundi yung sarili ko lang. Ang hina kasi ng loob ko! Hindi ko agad nasabi. Pero kahit pala sabihin ko...

Wala akong chance na mapunta sa kanya.



                        EHRA POV

Umaga na pala. Hindi ko namalayan. Wala na sila Stella at Violet. Pero nandito nga ba si Violet? Baka natulog na siya kagabi tapos nagising ng maaga? Si Stella din. Mga tao nga namang nasaktan. Inayos ko yung buhok ko. Nag-ayos na din ako ng mukha para fresh. Ayokong lumabas ng pangit ngayon. Worst day pa naman yung kagabi kaya ayokong maging mas worst pa itong araw na ito. Lumabas na ako ng tent. Hinanap ko si Stella or kahit si Violet pero hindi ko sila nakita. Saan nanaman kaya nagpunta yung dalawang yun?

Pumunta nalang muna ako sa tent nila Luke. Nasa labas na si Luke at kumakain na din ng agahan niya. Kasabay niyang kumain si Pres Theo at Jhairone.

“Good morning Ehra.” bati sa akin ni Luke. Nginitian ko naman agad siya.

“Good morning din.” bati ko din sa kanya sabay umupo.

Kumain ka na? Gusto mong sumabay?” tanong sa akin ni Luke.

“Okay lang. Busog pa ako.” pangangatwiran ko sa kanila. Nakakahiya naman kung makikain pa ako sa kanila. Wag na uy. May pagkain naman din kami sa tent.

“Nakita niyo ba sila Stella at Violet? Wala kasi sa tent?” tanong ko sa kanila.

“Hindi naman. Baka may pinuntahan lang.” sagot ni Luke.

“Hindi ba bumalik si Violet sa tent niyo?” tanong sa akin ni Pres Theo.

“Hindi ko sure. Nakatulog na kasi ako agad kagabi. Si Stella hindi ko na din masyadong macomfort. Sobrang antok na din ako nun.” paliwanag ko. Nagulat ako ng biglang tumigil sa pagkain si Pres Theo. Napatingin din sa kanya sila Luke at Jhairone.

“Nasaan si Violet?” takang tanong ni Pres. Nagulat kami ng biglang sumulpot si Stella. Tila nagmamadali  at hinihingal pa.

“Nandyan ka pala Stella? Nakita mo ba si Violet?” tanong ko sa kanya.

“Ehra. Makinig kayo. Hindi ko alam kung nasaan si Violet. Hindi siya bumalik sa tent kagabi. Wala din siya sa mga ibang tent or sa bus. Nawawala si Violet.” nagulat ako sa sinabi ni Stella.

Nawawala si Violet?

Napatayo ako sa kaba. Paano ba naman kasi. Umagang-umaga tapos ganito agad yung bubungad sa akin? Kinakabahan nanaman ako.

Parang yung bangungot na nangyari lang sa amin last month. Napatayo din si Pres Theo.

“Nasaan na si Violet?” tanong ko.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon