CHAPTER 5

48 8 0
                                    

                          EHRA POV

“Gusto mo ipatumba natin?” matapang kong sabi.

Nandito kami sa room ngayon. Wala pang teacher kaya nagkwentuhan muna kami ni Stella. Nakwento nya sa akin yung ginawa sa kanya ni Kio. Nainis din ako sa ipinakitang ugali sa kanya ni Kio. Binato ba naman daw ba yung band aid.

Wala pa si Kio sa room kaya nag-uusap muna kami. Pero humanda talaga kapag pumasok pa sya.

“Wala akong pakialam kung sino pa sya. Atsaka muntikan ng bumagsak yung cellphone ko. Ang hirap pa naman bumili ng cellphone ngayon.” sabi sa akin ni Stella.

Mamaya. Lagot talaga sa atin yun. Gagawin kong negrito yung mukha nun.” pagbibiro ko kay Stella pero sumimangot lang sya.

Nagulat kami nang biglang sipain si Violet yung upuan namin. Tumingin kami kay Violet na tila ba may sama ng loob sa amin.

“Pakopya ako.” seryosong sabi nito. 

“Saan?” taka kong tanong sa kanya.

“Sa English.” sagot nito. Agad naman akong nagtaka kasi parang wala namang english. Anong pinagsasabi nitong babaeng toh?

“Ahhhh. Ito yung notebook ko. Hindi ko sure kung tama yan, pero kopyahin mo na din para kahit papaano may gawa ka.” sabi ni Stella habang binibigay yung notebook niya kay Violet. Nagtaka ako ng ilang saglit at...

Oh my gulay lulay! Naalala ko na kailangan pala naming magsearch ng about sa Romeo and Juliet sa English. Nalimutan ko sa utak ko!

“Hala! Oo nga pala may assignment! Huhu, wala akong gawa.” maluha kong sabi.

“Ha? Wala kang gawa Ehra?” takang tanong ni Stella. Tumango ako at halos maiyak. Baka pagalitan ako ni Maam Diane na teacher namin sa English.

“Stella pakopya naman ako.” sabi ko sa kanya. Tumingin lang sya sa akin at napatigil lang din ako ng matandaan ko na hawak ni Violet yung notebook ni Stella at kanina pa nanonood sa amin. Tumingin kami kay Violet at tiningnan nya din kami. Tapos ay tumingin si Violet sa hawak nyang notebook.

Ngumiti ito ng masama. “Aw. Sorry Ehra. Ako yung nauna sayo. Humiram ka nalang sa iba.” pangaasar nya sa akin. Pagkatapos nun ay tumalikod na sya para kopyahin yun.

“Okay lang yan. Mamaya nalang pagtapos nya. Third subject pa naman yung English.” sabi sa akin ni Stella habang sinusuklay yung buhok ko gamit ang kanyang kamay.

Okay lang din naman pala. Naalala ko na third subject pa naman yung English kaya may time pa ako para gawin yun. Ayoko din makikopya sa iba kasi wala akong tiwala sa kanila. Sa bestfriend ko lang.

***
                         LUKE POV

Hindi ko alam kung bakit ako nahihilo ngayon. Ang sakit ng ulo ko at nanghihina yung katawan ko. Sinubukan ko pumasok kahit ganito yung pakiramdam ko.

Nasa likod ako ngayon ni Ehra, nakaupo. Nakakagaan ng feeling kapag nakikita mo yung babaeng gustong-gusto mo pero hindi mo masabi kasi natatakot ka na baka masira ang pagkakaibigan nyo.

Wala akong lakas ng loob. At kung magkaroon man ay baka napakatagal pa nun at baka magkaroon na sya ng bf.

English time na namin ngayon pero minamasdan ko si Ehra na nagmamadaling nagsusulat at tinatapos yung assignment nya sa English. Hindi daw binibigay sa kanya ni Violet yung notebook ni Stella kaya pinahiram ko nalang muna sya ng notebook ko.

Tumingin naman ako sa relo ko para icheck yung oras. Sobrang aga pa. Napapikit ako at isinandal ang aking ulo sa upuan. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko kaya naman hindi man lang ako makagalaw. Hindi din ako masyadong nagsasalita.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon