EHRA POV
Malapit na matapos yung Math namin. Hindi ako mapakali kasi wala pa din si Camilla. Dalawang subject na yung hindi nya pinapasukan kaya naman nag-aalala na talaga ako.
Nagkacutting yun si Camilla pero hindi ganito. I mean sa isang subject lang sya nagkacutting and then babalik na sya sa room. At dala nya yung bag nya lagi kaya kakaiba naman na kung cutting lang toh.
“Okay class goodbye. See you on Monday.” paalam sa amin ni Maam.
“Goodbye maam.” paalam din namin sa kanya.
Umingay na ang paligid at naging palengke nanaman.
“Stella. Si Camilla nasaan na? Hindi pa din sya nabalik. Baka mamaya kung ano nang nangyari sa kanya.” nag-aalala kong tanong sa kanya.
“Kaya nga. Hindi ako nag-alala nung una pero ngayon nag-aalala na din ako. Nasaan na kaya sya?” tanong nya din sa akin.
“Guys baka kung ano ng nangyari kay Camilla. Kinakabahan na ako. Hindi talaga sya ganyan.” sabi naman ni Emily.
Biglang pumasok sa room si Violet at dumiretso sa amin.
“Hi guys! Hulaan nyo kung anong ginawa ko? Syempre gumala at kumain lang! Hindi na ako nagcommunity service kasi wala naman sila sir at yung mga officers kaya walang sasaway sa akin.” pagmamalaki ni Violet sa amin.
“Violet may problema tayo.” sabi ni Stella sa kanya.
“Anong klaseng problema?” takang tanong ni Violet.
“S-si Camilla kasi. N-nawawala.” mahina kong sagot.
Natulala sya ng saglit. Tumingin sya sa upuan ni Camilla at nakita nya yung bag nito.
“Dont tell me, prank lang toh ah?” seryoso nyang tanong.
“Hindi Violet. Kasama namin sya kanina bago yung first subject. Akala namin bumalik sya ng room pero wala pa pala sya. Hanggang ngayon wala pa din sya. Imposible na kasi ito. Hindi naman sya ganun.” sagot ni Stella sa kanya.
Agad na tumayo si Violet. Tila nagpapanic ito at parang hindi mapakali.
“No! Baka may pinuntahan lang sya! No! No! Hanapin nyo sya! Hanapin natin sya!” sigaw ni Violet kaya naman napatingin sa amin yung mga kaklase namin.
“Crazy women.” sabi ni Ashley na nakatitig kay Violet.
Agad na lumabas si Violet dala yung bag ni Camilla. Sumunod naman sa kanya sila Adalyn at Emily.
“Hala! Diba dapat sabihin muna natin ito kay Sir Gomez?” tanong sa akin ni Stella.
“Syempre naman. Kailangan malaman din nila ito. Tara, nasa faculty sila ng A.P.” pagkasabi ko nun ay dumiretso na kami sa faculty ng A.P para ipaalam kay sir at sa mga officers ang nangyari.
Sasabihin ng iba na OA kami. Pero kaibigan kasi namin yun. Kilala namin yun at hindi sya ganun na tao. Nag-aalala kami dahil madami na din ang namamatay dito sa school na ito.
Sana hindi sya matulad kay Eunice na nawawala pa din. Sana.
***
THEO POV“So? Paano naman kaya si Violet?” tanong sa amin ni Sir Gomez.
“Sya ang pinakamagulo at pinakapasaway sa section natin. Kailangan din siguro na higpitan natin sya?” dagdag pa ni sir.
Nagtaas ako ng kamay.
“I think sir, dapat mas bigatan pa natin yung parusa natin sa bawat pagsuway nya. Like, 15 days community servive or kick out?” suggest ko kay sir.
Tumawa naman sila. Maging ako man. Hindi ko intensyon na gawin na katawa tawa si Violet dito pero sa tingin ko kasi ay bagay iyon sa isang katulad nya.
“Parang napakabigat naman masyado nun Pres Theo?” napatingin ako kay Luke na medyo seryoso.
Ohhh.. Naalala ko nga pala na medyo close sya kay Violet. Pinagtatanggol nya ba yung babaeng iyon? Well di ko din naman sya masisisi kung close sya dun. Pero ako, wala akong balak na kaawaan yung babaeng iyon. Halos maospital na nga ako sa pinaggagawa nya sa akin kahapon.
“Mabigat nga. Pero malaki din naman yung gulo na dinadala nya lagi diba? Kung tutuusin ay kulang pa nga yan sa lahat ng mga ginawa nyang gulo.” sagot ko kay Luke.
“Kaya nga. Napaka salbahe ng babaeng yun.” sabat naman ni Missy. Ang aming secretary.
“Okay guys, sa susunod na nga lang yan. Punta naman tayo sa gaganapin na Mr. and Ms. Teen of the year. Kailangan daw muse at escort ng bawat section ang ipambabato doon.” paliwanag ni sir.
Napatingin kami kina Kio at Shontelle. Sila ang muse at escort ng section namin.
Natatawa ako. Dating magjowa iyang dalawang yan. Pero naghiwalay din kaya nagsisi na sila ang muse at escort. Nakikipagpalit nga sa akin si Kio dati eh kaso ayoko naman.
“Sir, wala na po bang pwedeng ipambato dyan?” inis na tanong ni Shontelle.
“Wala na. Yun ang ibinaba sa amin ng principal.” sagot ni sir.
“No.” seryosong sabi naman ni Kio.
“Sir alam nyo naman na ayoko eh. Pwede naman na iba nalang.” sabi ulit ni Shontelle.
Nakisabat na din ako. Kasi kung paiiralin nila iyang mga galit nila eh hindi makakasali sa contest na yan.
“Hey guys. Pumayag kayo. Wala naman mawawala kung subukan nyo diba? Atsaka sayang mga kutis nyo kung hindi kayo sumali.” paliwanag ko sa kanila.
“No!” sigaw nilang dalawa. Sabay pa sila ah.
Medyo naiinis na din ako sa dalawang ito kaya naman baka makapagsalita na ako ng di maganda. Iniikot ko ng dahan-dahan ang ulo ko at tinaas ko yung paa ko sa table.
“Kayong dala-” hindi ko naituloy yung sasabihin ko nang may biglang kumatok.
“Pasok!” sabi ni sir.
Bumukas yung pinto. Tumambad sa amin sila Stella at Ehra na pawisan. Hinihingal silang pareho na para bang importante ang sasabihin nila.
“Ano yun? Bakit ganyan yung mga itsura nyo? Hingal na hingal kayo?” tanong ni sir sa kanila.
“S-sir si a-no po kasi... Si C-camilla po. N-awawala po sya. Kanina pa po namin sya hinahanap. Hindi naman po sya nagcutting eh kasi nasa room yung bag nya. Hindi na po sya nakabalik after nyang lumabas kanina bago yung Filipino.” hingal na paliwanag ni Ehra.
Napatayo si sir na nag-aalala na din. Nagulat din kami. Nawawala si Camilla? Sure ba sila?
“Naku! Halika at hanapin natin. Hindi kailangan balewalain ito. Baka napano na sya. Baka magaya sya kina Eunice.” alalang sagot ni sir.
Lumabas ng faculty si sir. Sumunod din sila Stella at Ehra. Tumayo na din si Luke para sundan sila.
Maya-maya ay nag-alisan na din ang lahat. Bale naiwan ako sa loob ng faculty. Nakasandal ang ulo sa dingding at nakataas ang dalawang paa sa lamesa.
Nawawala si Eunice. Then may iba pang mga namatay.
Si Camilla kaya?
Agad kong ginulo ako buhok ko. Bakit ba kasi ako nag-iisip ng baka patay na sila. Hindi pa natatagpuan ang pinsan ko at naniniwala akong buhay pa si Eunice.
Tumayo ako. Tutulong ako sa paghahanap kay Camilla. Ayoko nang may sumunod nanaman na mamatay at mawala.
Lumabas ako ng faculty at sumunod ako sa kanila para tumulong sa paghahanap.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...