CHAPTER 23

18 7 0
                                    

                        VIOLET POV

Super init! 9:40 am palang pero yung araw, tirik na agad. Naglalakad ako ngayon sa may Mall. Suot ko ang bago kong OOTD. White croptop na may black jacket. Violet short at red hills. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa OOTD ko. Alam ko naman na maganda ako at hindi na nila kailangan pa na tumingin. Or baka hindi nila gusto ang suot ko? Mga inggetera nga naman.

Pupunta talaga ako ng party ni Emily. Pero naghahanap muna ako ng pwedeng iregalo kay Emily. Baka sabihin nila, pumunta lang ako para magpaganda. Syempre may ireregalo ako kay Emily at siguradong magugustuhan niya yun.

Nagtitingin ako ng mga damit, pants, shoes, make up at kung ano-ano pa. Naghahanap ng isang bagay na pwedeng magustuhan ni Emily.

Deep indside ay sobrang nalulungkot pa din ako. Nawawala pa din talaga si Camilla at hindi ko alam kung may ginagawa ba yung mga pulis para hanapin si Camilla. Kami nalang ang maghahanap mamaya ni Ehra at ng h*nayupak na Theo na yan. Oo sinama ko si Theo. Alam niya naman lahat! Kailangan sumama siya para damay din siya kapag nahuli kami. Babangasan ko talaga yung lalaki na yun kapag hindi sumipot mamaya.

Nahihirapan din akong maghanap ng ireregalo kay Emily kaya naman mug nalang ang binili ko. Oo mug. Maganda naman yun at medyo mahal din. Nilagyan ko din ng dalawang piraso ng Kopiko Blanca at asukal para naman makapagkape siya. Inilagay ko ito sa paper bag at pina stapler ko na din ito. Lumabas na ako ng mall para sana pumunta sa bahay nila Emily pero biglang tumunog ang cellphone ko. Nagnotif ang messanger ko kaya huminto muna ako sa isang tabi at binasa ito.

Nanlaki ang mata ko sa nakita kong chat. Ilang segundo akong hindi nakagalaw. Kinakabahan ako at hindi alam ang gagawin. Maya-maya ay tumakbo na din ako. Sa ibang direksyon ako dumaan dahil sa school na ako pupunta at hindi na sa bahay nila Emily.

Ehra: “Violet, pumunta ka sa school. Nakita yung mga suot ni Camilla sa rooftop.”

                         EHRA POV

“Diyan lang kayo.” sigaw ng isang teacher habang pinapaurong kami. Nandito kami ngayon sa rooftop ng G10 building. Nagulat kami dahil nakita dito ang mga gamit ni Camilla.
Nasa guidance kami kanina nang sinabi sa amin ng isang teacher na may mga natagpuang uniform ng babae, pang-ibaba, bra at underwear. Chineck namin iyon at hindi kami makapaniwala na kay Camilla talaga iyon.

Halos maiyak na kami ni Stella. Kinakabahan kami ngayon dahil naulit din yung nangyari kay Eunice. Natagpuan din yung mga gamit at uniform ni Eunice dito din sa rooftop na ito kaya naman nakakakilabot na. Hindi ko mapigilan ang pagluha ko dahil na din sa nangyayari. What if patay na talaga si Camilla.

Chinat ko na din agad si Violet para makapunta na din agad siya.

“Oh my gosh. Hindi ako makapaniwala na nandito talaga yung lahat ng suot ni Camilla.” mangiyak na sabi ni Stella.

“N-nasaan kaya y-yung katawan niya?” taka kong tanong. Tulad di ng nangyari kay Eunice ay wala din nakitang katawan. Ibang-iba ang kaso nila Camilla at Eunice. Dahil sa mga nabiktima dito ay sila nalang ang hindi natatagpuan.

Nagulat kami sa pagdating ni Violet. Agad siyang dumiretso sa mga natagpuan mga damit ni Camilla pero pinigilan siya ng mga pulis. Nanlaki ang mata niya at kasunod ang isang malakas na pag-iyak.

“No! Nasaan na si Camilla! Nasaan na siya! Ibalik niyo ang mga kaibigan ko! Nasaan na sila!” napaupo si Violet habang umiiyak at nagwawala kaya naman agad namin siyang pinuntahan ni Stella para patahanin. Niyakap namin siya. Hindi din namin mapigilan na umiyak dahil kaibigan din namin ang nawala. Pero mas masakit para kay Violet kasi trio talaga sila nila Camilla at Eunice.

Pinatayo kami ng mga teachers pati sila mama. Nandito pa sila mama at tita dahil nasa guidance nga kami nung sinabi sa amin yun kaya sumunod din sila sa amin. Dahan- dahan kaming tumayo. Pinababa na din kami sa rooftop. Nakatigil na kami sa pag-iyak pero nandun pa din yung mga pagsinghot namin sa sipon dahil sa pag-iyak namin. Nakababa na kami sa rooftop.

“Anak. Uuwi na ba? Tapos na ba yung pakikipag-usap sa atin sa guidance?” tanong ni mama sa akin.

“Umuwi n-na po kayo m-ma. Sasabay nalang p-po kami.” maluha ko na sagot sa kanya. Hinawakan ako ni mama sa braso.

“Uuwi na din ako anak. Maging maayos na sana ang lahat.” paalam naman ng mama ni Stella sa amin.

“Sige po ma.” paalam din ni Stella kay tita. Umalis na sila mama at tita. Malungkot din sila dahil nakikita nila kaming malungkot. Masakit din sa kanila na nakikita kaming nasasaktan.

“Oh! Crying babies!” nagulat kami ng magsalita si Ashley mula sa likuran namin kaya naman napatingin kaming tatlo sa aming likuran. Si Ashley at Zoey nanaman na mukhang nang-aasar.

“Huwag ngayon Ashley.” seryoso kong sabi sabi sa kanya. Tumawa siya ng mapang-asar.

“Masyadong kayong OA. Wala pa namang isang linggo nung nawala si Camilla. Mga paarte.” sabi ni Ashley sabay taray. Napatingin ako kay Violet na nagpipigil ng galit ngayon.

“Pero what if.. Patay na talaga si Camilla? Oh my gosh! I'm so scared.” pagkasabi nun ni Zoey ay umacting siya na parang natatakot tapos ay tumawa.

Susugudin na sana sila ni Violet pero pinigilan ko siya. Baka magkagulo nanaman kapag ginantihan niya lang. Umalis na sila Ashley at Eunice. Pag-alis nila ay muling umiyak si Violet.

“Tahan na Violet. Magiging okay din toh.” sabi ko sa kanya.

“Guys! Nakita daw si Camilla?” nagulat kami ng lumapit sa amin sila Pres Theo at Kio.

“Mga suot lang ni Camilla ang nakita. Walang katawan.” pagtatama naman sa kanila ni Stella.

“Nasaan si Camilla?” tanong ni Kio.

“Wala nga! Ang kulit mo! Sabing wala!” sigaw sa kanya ni Violet na inambahan pa siya ng suntok. Napaatras ng onti si Kio.

“Easy lang.” sabi ni Kio.

Nabalitaan din pala nila. Sino naman kaya ang nagbalita. Hindi ko din naman sila chinat. Baka naman si Stella. Ah basta! Wala na akong pakialam.

“Ehra.” napatingin ako kay Violet nang tawagin niya ako.

“Ano yun?” tanong ko sa kanya.

“Yung plano natin, mamaya na natin gawin.” sagot niya na mas lalo ko namang ikinakaba.

“A-anong plano?” nagulat kami ng magtanong si Stella.

“Kaya nga? Anong plano?” tanong din ni Kio.

Natulala kami nila Violet at Pres Theo. Nakalimutan ata ni Violet na kasama din namin sila Stella at Kio. Ngayon baka malaman na din nila. Tumingin ako kay Violet na mukhang nagulat din. Nawala ata talaga sa isip niya na may kasama kami at nabigla din siya na magsalita.

What are we going to do now?

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon