VIOLET POV
Nagising ako ng may liwanag na tumama sa mukha ko. Masakit yung ulo ko. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nasaam ako?
“Finally. Gising ka na.” nagulat ako sa isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko si Emmerson. Siya? Bakit siya nandito? Paano?
“Emmerson?” taka kong tanong. Naramdaman ko din na nakatali yung kamay ko. Wala akong maigalaw. Nakatali din yung paa ko.
“Yes ako nga. Your prince charming.” pagkasabi niya nun ay ngumiti siya. Kinabahan ako sa ngiting iyon kasi sobrang creepy. Ang creepy ng ngiti niya.
“Paano mo kami nasundan dito? Ano ba talagang balak mo? Hindi ka ba titigil? Tigilan mo na ako!” sigaw ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina.
“Violet. Baka nalilimutan mo na yung sinabi ko sayo na babalikan kita?” sagot niya. Wala akong pake dun. Hindi ba siya titigil baliw talaga siya.
“Emmerson ano ba? Wala kang mapapala sa akin dahil kahit kailan. Hindi ko magugustuhan yung isang tulad mo!” sigaw ko ulit sa kanya. Nabigla ako ng biglang lumapit siya sa akin at galit na galit yung mukha. Sinabunutan niya ako.
“Subukan mo lang hindi ako mahalin. Baka mapatay kita. Pakakasalan mo ako.” halos mabaliw na din ako sa sinabi niya. Napakadesisyon niya naman? Bakit niya ba ako pinipilit? Ayoko nga.
Kung nanligaw nalang siya sa akin gaya ni Theo eh baka may chance pa magustuhan ko siya. Eh parang baliw na talaga siya. Pogi naman siya pero grabe yung ugali.
“Kahit mamatay ako. Hindi kita magugustuhan. Isumpa man yung buong pagkatao ko.” matigas kong sabi sa pagmumukha niya. Binitawan niya ako mula sa pagkakasabunot at nagulat ako nang sipain niya yung upuan ko. Natumba ako sa sahig at yung upuan. Ang higpit ng pagkakatali sa akin.
“Ganun ba? Eh kung isa-isahin ko kayang patayin yung mga kaibigan mo? Ano kayang mangyayari? Unahin ko na kaya si Ehra para mas maganda?” nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya.
“H*yop ka! Huwag mong idadamay mga kaibigan ko dito! D*monyo ka!” sigaw ko sa kanya. Pinipilit kong makatayo pero hindi ko magawa. Tumawa ng malakas si Emmerson. Maladem*nyong tawa. Kasunod nun ay isang malakas na sara ng pinto yung sunod kong narinig. Napakawalang hiya niya. H*yop siya. Huwag niyang idadamay yung mga kaibigan ko. Humanda siya kapag nakawala ako dito.
“Tulong! Tulungan niyo ako! Tulong!“ sigaw ko. Umalingawngaw na yung boses ko sa buong bahay na ito. Pero feeling ko wala pa ding nakakarinig sa akin.
Nakakaramdam nanaman ako ng takot.
EHRA POV
“Violet! Violet nasaan ka na?” sigaw ko. Hinahanap namin si Violet ngayon. Nawawala nanaman siya. Pero sobra akong nag-aalala. Kasi kahit masama yung loob niya eh babalik naman sa tent or bus yun para matulog. Pero walang nakakita kay Violet kagabi na bumalik sa pinagcacampingan namin.
“Violet nasaan ka na!” sigaw naman ni Pres Theo. Nag-aalala din siya ng sobra kay Violet. Himala. Bakit kaya?
Halos buong section na namin yung naghanap. Si Sir Gomez din ay nag-aalala na din dahil responsibility niya ito at siya ang mapapagalitan kapag nay nangyaring masama kay Violet.
Kinakabahan na ako. Parang nangyayari nanaman sa amin yung nangyari dati. What if bumalik nanaman si Emmerson at yung isang lalaking kasama niya? Sana naman huwag.
Naghiwa-hiwalay na din kami para mas mapabilis yung paghahanap kay Violet. Sama-sama kami nila Stella, Luke, Pres Theo, Kio, at Jhairone. Humiwalay kami kina Sir Gomez.
“Nasaan na ba yung babaeng yun? Pinag-aalala ako.” sabi ni Kio. Naalala ko na umamin pala siya kagabi ng feelings kay Violet.
“Wala kang karapatang mag-alala.” nagulat kami sa sinabi ni Pres Theo. Bakit ba concern na concern siya ngayon kay Violet? May gusto din ba siya?
“Tama na yan guys. Kailangan nating mahanap si Violet ngayon.“ awat sa kanila ni Luke.
“Guys! Tingnan niyo toh!” nagulat kami nang sumigaw si Jhairone. Nagpuntahan naman agad kami sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
“Guys. Diba sapatos toh ni Violet?” tanong sa amin ni Jhairone. Nagulat kami. Dahan-dahang lumapit si Kio sa sapatos. Kay Violet nga iyon. Ilang saglit pa ay biglang tiningnan ni Kio ng masama si Pres Theo. Nagulat kami ng bigla niya itong sugudin at suntukin. Inawat naman agad namin si Kio.
“Ikaw! Anong ginawa mo kay Violet? H*yop ka!” sigaw ni Kio habang dinuduro si Pres.
“Anong ako? Wala akong alam! Wala akong ginagawang masama kay Violet!” sigaw sa kanya ni Pres na nadugo na yung labi dahil sa pagkakasuntok sa kanya ni Kio.
“Ikaw yung huling kasama kagabi ni Violet. Ikaw yung sumunod sa kanya! Kaya pala hindi ko mahanap si Violet kagabi! Anong ginawa mo sa kanya?” halos umalingawngaw na yung sigaw ni Kio.
“Hindi ko alam! Wala akong alam! Wala akong ginagawa! Oo ako yung kasama ni Violet kagabi pero hindi ko siya sinaktan dahil mahal ko siya! Wala akong ginagawa!” sigaw ni Pres Theo na ikinagulat namin. Natahimik ng saglit at wala munang nagsalita kahit isa. Maging si Kio.
Mahal? Mahal niya si Violet? It means may gusto din siya kay Violet? Oh! This is so unbealivable. Yung sinasabi ni Pres na inlove siya eh si Violet pala yung tinutukoy niya?
“Baka ikaw naman Kio yung may tinatago? Anong ginawa mo kay Violet?” seryosong tanong sa kanya ni Pres.
“Tumahimik na nga kayo! Imbis na magsisihan kayo. Bakit hindi nalang natin hanapin si Violet! Nasasayang lang yung oras.” sigaw ko sa kanila. Bakit ba kasi sila nag-aaway? Wala din naman mangyayari sa pag-aaway nila.
“Kung mahal nyo talaga si Violet! Magtutulungan kayo para mahanap siya! Hindi yung nagbubugbugan pa kayo!” dagdag ko pa. Pagkasabi ko nun ay umalis ako. Hahanapin ko nalang si Violet. Ayokong makisama sa mga taong galit lang yung pinapairal. Imbes na makatulong, pinapalala lang nila yung sitwasyon.
Sinundan naman ako ni Stella at Luke. Gusto ko sanang mag-isa pero mas mabuti na din na kasama ko sila. Naiiyak na ako. Nangyayari nanaman ito. Akala ko hindi na mangyayari toh. Akala ko tapos na. Akala ko wala na.
Pero bakit parang ayaw kaming lubayan ng kapahamakan at problema?
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...