CHAPTER 1

90 8 0
                                    

                          EHRA POV

Napahinto ako sa paglalakad ng humarang sa daan ko sina Zoey at Ashley. Nakatitig ito saakin at tila may inis na nararamdaman.

“Congrats cheater.” sabi saakin si Zoey. Nagtawanan silang dalawa.

Naiinis ako sa ginagawa nila saakin ngayon ah. May inis sila saakin? Ano naman kung meron? Hindi ko kailangan na gantihan sila dahil wala din namang kahahantungan iyon. Ngumiti lang ako at sumagot ng kalmado.

“Salamat ah. Congrats din sainyo, ginawa nyo naman yung best nyo. Bawi nalang next time.” sabi ko sabay ngiti. Nakatayo lang sila at halatang galit na. Aalis na sana ako nang biglang may humila ng buhok ko.

“Aray! A-aray!” sigaw ko. Masakit yung pagkakahila saakin. Binitawan naman agad ni Ashley yung buhok ko.

What is your problem? How dare you to pull my hair!” sigaw ko sa kanila. Napangiti lang sila. “So? Bagay lang sayo yan. Cheater.” sabi ni Zoey.

“Anong cheater ang pinagsasabi nyo? Hindi ko naman kasalanan na b*bo kayo sa Math.” kunot noo kong sagot sa kanila.

Nagkaroon kasi ng isang math quiz bee kanina pero mga G-9 student lang yung mga contestants. Sa pananalangin ko na din at pagrereview ko kagabi eh ako yung nanalo. Kasalanan ko bang second place lang si Ashley at naeliminate agad yang si Zoey. Tapos ngayon magagalit sila. Sinabihan ko naman sila ng maganda at walang panlalait.

“Ahh... So...” nakangising sabi ni Ashley habang dahan- dahang lumalapit sa akin. “Sa tingin mo isa ka ng reyna sa Math?” dagdag pa niya.

Luh. Wala naman akong sinasabing ganun ahh. Baka naiinggit lang talaga sila sa akin. Pero bago pa ako makasagot ay nagulat ako ng muli akong sabunutan ni Ashley. Ang sakit talaga nun kaya lumaban na ako. Baka matanggal yung anit ko kapag hinayaan ko lang siya.

Nagsabunutan kami at nagkalmutan. Para kaming mga pusa na nag-aaway doon. Pero mas lalong tumindi ang sakit ng katawan ko nang bigla din akong sabunutan ni Zoey. Ang sakit na ng katawan ko.

Maya-maya pa ay may narinig akong sumisigaw. Natanaw ko sila Luke at Stella na papalapit saamin. Inawat nila yung dalawa. Habang tumayo naman agad ako. Agad na lumapit sa akin si Stella at mukhang nag-aalala.

“Hala Ehra. Are you okay?” alalang tanong sa akin ni Stella. Agad naman akong tumango. Nakita ko si Luke na mukhang nag-aalala din. Tumingin si Luke kina Zoey at Ashley na mukha ng mga bruha ngayon dahil sa gulo-gulong mga buhok nito.

“Ano bang problema nyo? Bakit pinagtulungan nyo si Ehra? Para kayong mga bata!” sigaw ni Luke sa dalawa. “So? It's none of your business. At wala kaming pakialam kung ipagtanggol nyo ng ilang beses yang cheater na yan!” sabi ni Zoey. “Ikaw Ehra. Hindi pa tayo tapos. Masyado kang pabida.” seryosong sabi sa akin ni Ashley. Pagkasabi niya nun ay umalis na sila. Naiwan kaming tatlo na nakatayo doon.

“Ayos ka lang ba? Napakayabang talaga ng mga babaeng yun! Bakit ka pa kasi lumaban?” alalang sermon ni Stella saakin habang inaayos yung buhok ko. “Eh sila naman nanguna ah. Tahimik akong naglalakad ng bigla nila akong laitin dyan. Tsaka, hello? Dalawa kaya yun. Baka mabugbog ako ng malala kung hindi ako lumaban.” sagot ko kay Stella.

“Hayaan mo na sila. Wala bang masakit sa iyo? Gusto mo ipaclinic ka namin?” tanong naman sa akin ni Luke. Ngumiti ako at sumagot. “Wala namang masakit. Wag na magpa-clinic.” sagot ko.

Ngumiti lang siya sa akin. “Tara na, matatapos na yung break time oh.” yaya ni Stella. Kaya bumalik na kami sa room para pumasok sa next subject namin.

***

Nandito na kami sa room. Tumingin ako sa relo ko para icheck yung oras. 10:35 na. Agad din akong tumingin sa kay maam. Si Maam Emma. Ang teacher namin sa Science. Nakatayo ngayon yung ilan kong kaklase at pati na din yung ilan sa mga kaibigan ko. Pinatayo sila dahil mga wala silang assignment. Buti nalang at gumawa kami Stella kaninang umaga bago magsimula ang first subject.

“Ikaw. Bakit wala kang gawa?” tanong ni maam sa isa kong lalaki na kaklase. Agad naman itong sumagot na halatang kinakabahan pa.

“Nakalimutan ko po maam...” sagot nito. Agad na tumingin si maam sa aming lahat na halatang nadagdagan yung init ng ulo. “Yan nanaman yung mga rason nyo! Kesyo nakalimutan, kesyo naiwan!” sigaw ni maam sa amin.

“Pres Theo.” tawag ni maam. Agad naman kaming napatingin sa kinauupuan ni Pres Theo. Ang president ng section namin at sa pagkakaalam ko ay tatakbo din na SSG President this school year.

“Maam?” sagot nito.

“Icheck mo itong mga gawa ng kaklase mo. May gagawin lang ako sa faculty. Huwag kang magpapalabas ah.” utos ni maam.

“Okay po.” sagot ulit ni Pres Theo habang pumupunta sa harap para icheck yung mga notebooks namin.

“Luke.” tawag ulit ni maam. Kaya naman napatingin naman kami kay Luke na nasa likod ko lang.

“Po maam?” sagot nito.

“Maglista ka ng maingay at tatayo. Magcommunity service lahat ng nalista mo sa Wesnesday.” utos dito ni maam. Tumango lang si Luke sabay naglabas ng isang one whole sheet at ballpen.

Medyo akward yung mga nagaganap. Naboboring din ako kasi bukod sa bawal mag-ingay at tumayo, bawal din mag-cellphone. Napatingin ako kay Stella na katabi ko sa kanan. Natutulog sya. Then sa kaliwa ko naman is si Adalyn, yung isa ko pang friend na gumagawa ng assignment. Hindi sya nagpasa.

Hindi naman talaga ganun kagulo yung section namin. Nagkagulo lang talaga simula nung may nawalang student. Ang kaklase namin na si Eunice Miel Esperalta. Hindi kami close pero mabait sya. Maganda pa at matalino. Marami din ang nagkakagusto sa kanya kaya naman laking gulat namin nang malaman na hindi sya nakauwi ng bahay nila after namin magpractice.

I forgot to mention na pinsan pala ni Pres Theo si Eunice kaya medyo malaki din ang pag-aalala nya. Hanggang sa ngayon ay hinahanap pa din sya.

Si Pres Theo ay masasabi mong pwede din maging escort dahil pogi din naman talaga. Matangkad at maputi. Siya yung president namin na laging utusan ng teacher. May pagkamakulit din sya. Then si Luke nga yung Vice President kaya medyo nauutusan din. Matagal ko na siyang kaibigan since first day palang. Sobrang bait nya. Pogi din at matangkad. Moreno.

Alam ko na may mga ibig sabihin yung bawat tingin nya sa akin pero hindi nya sinasabi. Alam ko na may gusto siya sa akin dati pa pero hindi nya masabi. Wala din naman akong magagawa dahil ako mismo ay ayaw ko pa na pumasok sa isang relasyon.

Then si Missy naman yung secretary. Babaeng- babae yung pangalan nya pero boyish yan. Okay lang naman yung height nya then medyo makulit din. Bagay naman sa kanya na maging isang secretary kasi maganda naman talaga yung hand writing nya. Ang ayoko lang sa kanya is yung kaibigan nya sila Ashley.

Si Heredity yung treasurer. Si Howard ang auditor. Magkambal yan sila Heredity at Howard. Then si Lindsay yung P.I.O at P.O naman si Athena.

Si Kio ang escort at si Shontelle naman ang muse. Flashback lang sa kanila. Dati silang magjowa kaya sila ang naging muse at escort pero nagsisi din sila nung naghiwalay.

Si Zoey at Ashley ang matindi kong kaaway sa section na ito. Hindi ko alam pero naiinis sila sa akin. Marahil inggit lang sila kaya sila ganyan. Pinapabayaan ko sila madalas pero minsan sobra na din sila kaya naman gumaganti nalang ako. Salamat nalang talaga at nandyan yung mga kaibigan ko at pinagtatanggol ako sa lahat ng oras.

Ako nga pala si Ehra Laye Dela Cerna. Isang third year highschool at pangarap kong maging sikat na writer balang araw. Ito ang pinakamahirap na laban sa buhay ko na kung saan sunod- sunod na problema ang dumadating sa buhay ko.

Natigilan ako sa pagmumuni ng sumigaw si Pres Theo.

“Time na! Maglinis na yung mga cleaners! Lumabas na yung mga hindi cleaners!” sigaw nito.

Nagtayuan na at nagsimula na ulit umingay ang paligid. Tumayo na ako at agad na sinuot ang bag ko. Niyaya ko na sila Stella na agad din naman na tumayo.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon