EHRA POV
Nasa labas kami ngayon ng guidance office. Inaantay namin yung mga kaklase namin na naguidance dahil sa pakikipagbugbugan. Kasama na din pala sa nakipagbugbugan sila Violet, Dylan at Adalyn. Kasama nila yung kabilang section na nasa loob ng guidance. Ano nanaman ba kasing pumasok sa isip ng mga kaklase ko.
“Ano kayang punishment ang matatanggap nila?” tanong ni Emily. “Sure ako na ipapatawag lahat ng magulang nila.” sagot naman ni Stella.“Lunes na lunes, nagganyanan na agad sila.” sabi pa ni Stella.
“Hayaan na muna natin sila guys. Ang mabuti ay walang napahamak, maliban kay Luke.” sabi ko sa kanila. Si Luke nga pala ay nagpapagaling ngayon sa clinic dahil sa mga natamong sugat. Grabe ang pagkakasuntok sa kanya. Napuruhan yung ulo niya dahil doon daw pinakasinuntok siya. Sana ay maging maayos si Luke.
Natigilan ako sa pag-iisip ng dumaan sa harapan namin sila Ashley at Zoey. Hindi sila naguidance kasi karamihan sa naguidance sa section namin ay mga lalaki lang. Ecxept kay Violet at Adalyn na mahilig talaga sa bugbugan kaya iyan ang napala.
“Anong ginagawa niyo dito?” taas kilay na tanong ni Stella kina Ashley at Zoey.
“Alangan dadaan. Daanan ito diba? Wag ka ngang b*bo diyan!” sagot naman ni Ashley. Hindi ko nagustuhan ang sagot ni Ashley, bastos talaga itong babaeng ito. Tumayo si Emily at hinarap yung dalawa. Tinaasan niya ito ng kilay.
“Ah oo nga pala daanan ito. Baka kayo yung b*bo? Alam niyong ang laki ng daanan tapos dito pa kayo dadaan? Nananadya ba kayo?” sumbat ni Emily sa kanila. Kaya naman tumayo kami ni Stella para pigilan si Emily kasi baka lumabas nanaman ang kamalditahan ni Emily ng dahil sa dalawang ito.
“Oh! Dumadaan lang po kami. Hindi naman namin kasalan kung pikunin kayo.” sabi naman ni Zoey. Anong dumaan? Eh nanaray nga sila diyan. Tapos huminto pa sila saglit sa harapan namin? Daan lang ba yun? Napailing si Emily sabay tumawa ng mapang-asar.
“Sinong may sabing pikunin kami? Wala pa naman kaming ginagawa ah? Mag-aral ka nga muna bago ka magsalita ng mga bagay na hindi mo naman maintindihan.” sabi sa kanila ni Emily sa tonong mapang-asar. “Baka ikaw? Wala ka ngang maisagot nung tinawag ka last week sa Math recitation. Eh kami nga perfect. Mas b*obo ka pa sa b*bo!” sigaw sa kanyang ni Ashley na sinundan ng malakas nilang pagtawa ni Zoey.
Susugudin na sana sila ni Emily pero pinigilan lang namin siya. Tumingin sa akin si Ashley at tinitigan ako ng mabuti. Ngumisi siya. “So? How are you? Cheater na pokpok!” pagkasabi nun ni Ashley ay nagtawanan ulit sila ni Zoey. Pinigilan ko yung bugso ng damdamin ko. Nakakairita itong dalawang ito pero kailangan ko din umiwas sa gulo.
“Hoy! Ang kapal ng mukha nyong sabihan si Ehra ng ganyan! Binabaligtad niyo pa yung sitwasyon!” sigaw sa kanila ni Stella. Pinigilan ko din si Stella kasi maging siya ay naiinis na din sa dalawang bruha na ito.
“Ashley, Zoey. Umalis na kayo. Ayaw namin ng gulo kaya huwag na kayong magsimula.” mahinahon kong pakiusap sa kanila pero sa loob ko talaga ay sasabog na ako sa galit. Napatingin ako kay Ashley na tinaasan ako ng kilay at ngumisi ng mapang-asar.
“Oh! Kailan ka pa naging good girl? Don't act like a innocent child! Pare-parehas lang kayo ng mga kaibigan mong trouble maker. Like Violet.” pagkasabi niya nun ay nagulat ako ng biglang tinapon ni Ashley sa akin yung iced coffee na kanina niya pa hawak. Medyo napasigaw ako. Hindi mainit yung kape. Iced coffee nga diba? Nagulat lang ako sa ginawa niya kaya napasigaw din ako.
“Hey! How dare-” hindi naituloy ni Stella ang sasabihin niya ng bigla siyang sampalin ni Zoey. Hindi na talaga ako makapagtimpi sa dalawang ito, kaya naman hinila ko ng sobrang lakas yung buhok ni Ashley dahilan para mapasigaw siya.
“Ouch! Zoey, help me!” saklolo niya pero sinabunutan na din nila Emily at Stella si Zoey kaya naman napasigaw na din si Zoey. “Diba matapang ka? Ilabas mo yung tapang mong h*yop ka!” sigaw ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang mahila ang buhok ko dahilan ng pagkabitaw ko sa buhok niya at pagkaupo ko sa sahig. Tumayo si Ashley sa harapan ko. “Ano na? Mahina ka palang b*tch ka!” pagkasabi niya nun ay sinabunutan niya ulit ako. Agad naman akong gumanti.
Ang sakit ng katawan ko dahil nagkacat fight nanaman kami. Sampalan, sapakan, kurutan, kalmutan at kung ano-ano pa. Nakikita ko din sila Stella at Emily na pinagtutulungan si Zoey. Pero syempre palaban din itong si Zoey at kaya niyang labanan ang dalawa.
Hindi sana aabot sa ganito kung maayos silang dumaan at umalis nalang. Gusto talaga nila ng away. Maya-maya pa ay natigilan kami ng may dumating na teacher at sinigawan kami.
“Hoy! Itigil niyo yan!” sigaw sa amin ng teacher kaya naman nagsitigilan kami. Lumapit sa amin ang teacher. Siguro Math teacher siya kasi nakasuot siya ng green na suot din ng mga Math teacher.
“Nag-aaway nanaman kayo! May kakaaway lang kanina tapos ngayon kayo naman!” sermon sa amin ng teacher.
“Maam! Sila naman po yung nauna!” pangangatwiran ko.
“Hey anong kami? Kayo kaya!” painosenteng sagot naman ni Ashley.
“Shut up! Sa guidance na kayo magpaliwanag! Pumasok na kayo!” utos ng teacher sa amin. Sa harap kami mismo ng guidance nag-away kaya papasok nalang din kami. Nagsisisi ako sa ginawa namin ngayon. Pero sino ba naman ang hindi maiinis sa attitude nitong dalawang babaeng ito.
Ngayon, hindi lang sila Violet ang nasa guidance, kundi kami na din. Lunes na lunes guidance agad. Naku! Patay ako kay mama nito. Pero gagawin ko yung lahat para hindi kami maparusahan.
Una kaming pumasok nila Stella at Emily sa guidance. Sumunod naman yung dalawang bruha. Bumungad na agad sa amin yung mga kaklase naming kanina naguidance. Nandun din sila Violet, Dylan at Adalyn na magkakatabi. Nagulat sila sa pagpasok namin. Iniyuko ko ang mukha sa kahihiyan. Pumasok ang teacher na umawat sa amin kanina sa isa pang silid kaya naman sinundan namin siya.
Nakakahiya talaga. Hindi naman sa nahihiya ako sa ginawa ko kundi nahihiya din ako kay Sir Gomez. Talagang sakit kami ng ulo ni sir. Nasa guidance din si Sir Gomez kanina pagpasok namin. Nakatingin din siya sa amin kanina at napahawak ng ulo.
Talaga nga naman. Dapat pala mas inuna ko nalang magtimpi kaysa lumaban. Ayan tuloy yung napala namin.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...