EHRA POV
Kinakabahan na ecxited akong naglalakad ngayong araw. Walang pasok ngayon dahil May 1 holiday. Labor day. Naeecxite ako dahil birthday ng isa sa mga kaibigan namin ngayon. Si Emily. Muntikan ko pa nga makalimutan. Pupunta kami mamaya para umattend ng party niya. Sosyal! May party si Mayora!
Kinakabahan din ako. Kasi mapapaguidance ulit mamaya. Kahit walang pasok eh pinapunta pa din yung mga magulang namin. Magulang nila Emily at Stella. Pati yung sa dalawang bruha na si Ashley at Zoey.
Magsisimula nanaman ang bangayan mamaya. Pero hindi ako magpapatalo at gagawin ko ang lahay para manalo. Kami naman talaga yung nasa tama.Bumangon na ako sa pagkakahiga at niligpit na ang hinigaan ko. Bumaba na din ako. Naghilamos at nagtooth brush. Nadatnan ko si Mama na nagluluto ng agahan. Pinuntahan ko siya kasi ang bango ng niluluto niyang sinangag.
“Wow ma! Mukhang masarap yan ah?” sabik kong tanong sa kanya habang inaamoy ang niluluto niya.
“Syempre! Luto ko kaya ito.” pagmamalaki niya. “Syempre ma. Ikaw kaya ang pinakamasarap magluto sa buong mundo!” bola ko sa kanya.
“Sus, mambobola ka pa! Bilisan mo at ihanda mo na yung mga plato. Baka magising na ang Kuya Ehlo mo. Tsaka pupunta pa tayo ng school.” utos sa akin ni mama kaya naman inihanda ko na ang mga plato, kutsara, tinidor, etc. Lahat ng gagamitin namin. Iniayos ko ng mabuti para magandang tingnan. Maya-maya ay tinulungan ko na si mama na magprepare ng breakfast. May sinangag, itlog, pancit canton, hotdog at kape. Natatakam na ako.Bumaba na din si Kuya Ehlo at dumiretso sa amin.
“Wow! Ang sarap naman niyan!” sabi ni kuya. Akma na sana siyang uupo pero pinigilan ko siya.
“Ew! Hindi ka pa naghihilamos at nagtotooth brush diyan. Mag-ayos ka muna kuya!” sermon ko sa kanya. Nakakadiri kaya. Hindi pa siya nag-aayos ng sarili niya tapos didiretso agad siya dito sa kainan. Ngumiti si kuya sa akin at pumunta na ng cr.
Umupo na kami ni mama. Ilang saglit pa ay lumabas na din sa cr si kuya. Nanalangin muna kami. Lagi talaga kaming nananalangin tuwing kakain dahil iyon ang turo sa amin nila mama at papa. Sinumulan na naming kumain ng walang kibuan. Ganito naman palagi. Tahimik lang kami na nakain. Tanging maririnig lang ay mga tunog ng mga plato, baso, kutsara at tinidor. Maging yung mga mahihinang pagnguya.
Natapos na kami sa pagkain. Ako na ulit yung nagligpit dahil maliligo na si mama para makapagready na siya mamaya sa pagpunta ng school. Hinugasan ko muna yung mga plato. Pagkatapos ko maghugas ay umakyat muna ako sa kwarto ko. Namili ako ng isusuot. Syempre alangan namang uniform pa din. Kailangan yung bongga kasi didiretso na din ako sa bahay ni Emily para umattend ng party.
Napili ko yung isa kong dress na kulay pula. Sakto lang naman siya at hindi siya yung pangmukhang nanay na aattend ng binyag. Then kinuha ko yung black heels ko para iready na din. Nung maready ko na lahat ay kinuha ko na yung tuwalya, bra, at underwear ko kasi tapos na maligo si mama. Ako naman ngayon. Pagbaba ko ay nadatnan ko si kuya na nanonood ng t.v.
Dumiretso naman na ako ng c.r para makaligo na.
STELLA POVNandito na kami sa school ni mama. Nasa labas pa kami ng guidance kasi wala pa naman yung councilor at wala pa din sila Ehra. Si Emily ay hindi daw pupunta. Birthday niya daw ngayon at hindi niya ipinaalam sa mga magulang niya yung nangyari. Ayaw niya daw na masira yung tiwala ng mga magulang niya sa kanya. Okay na din naman yun kasi birthday niya naman. Pagbigyan nalang natin siya.
Yung tungkol nga pala kay Kio. Ang saya ko. Oo naging mag-kaaway kami nun. Pero kasi.... Ang pogi niya kasi kaya napatawad ko siya. Hindi ko alam kasi galit na galit naman ako sa kanya pero bakit ganun? Nakakawala pala ng galit yung kagwapuhan niya. Naku! Ito nanaman yung karupukan ko.
May crush talaga ako dati kay Kio. Nawala lang yun then ito nanaman. Bumalik ulit. Sobrang nakakaattract kasi si Kio. Di ko na din masisisi kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Isa na ako dun. Ang ayoko lang kay Kio is yung masyadong mayabang. Sabi nga nila walang perfect na tao.
Chinat niya ako nung pagtapos namin mag-usap sa coffee shop ni Ehra nung nakaraan. Sabi ni Ehra wala naman daw problema kaya pumayag ako na maging magkaibigan kami. Kaso...
May ipinagtataka ako?
Bakit siya nakipagkaibigan sa amin? May purpose kaya yun?
Ah basta! Ang mahalaga ay napalapit ako sa crush ko. Para akong bata pero ikaw ba naman, kinaibigan ni crush. Syempre oo ka na!
Invited din pala si Kio sa party ni Emily. Sinali ko na kasi siya sa gc naming magtotropa. Nagulat nga din si Luke at yung iba pa naming katropa kasi bigla kong sinali sa gc si Kio. Sabi pa nga nila baka napindot lang. Pinaliwanag ko na din naman sa kanila.
Maya-maya ay dumating na din si Ehra. Sinalubong ko siya at niyakap. Ganun din naman siya. Nag-usap kami about sa kung ano-ano. Ganun din sila mama at yung tita. Tita yung tawag ko sa mama niya. Magkasundo na din naman sila mama at tita.
“Aw! Ang ganda ng suot mo!” puri ko sa kanya kasi maganda at bagay naman talaga sa kanya yung suot niya.
“Thank you! Yung sayo din naman.” sagot niya din sa akin. Nakasuot ako ngayon ng dress din pero kulay white naman. Medyo nahihiya nga ako kasi para akong aattend ng kasal.
Tumaas ang mga kilay namin ng makita sila Ashley at Zoey kasama yung mga nanay nilang kaugali din nila. Punapunta na din yung mga magulang nila dito before at sobrang ang aarte. Akala mo kung sinong mayaman.
Nagtatarayan at nakikipag-asaran kami kina Ashley. Nakakainis naman kasi yung mukha nila. Mga kamuka ni Anabelle but.... Hindi yung Anabelle sa movie. Yung Anabelle na nabibili lang sa Divisoria at madaling mayupi dahil hangin lang naman ang laman. Katulad nila na mga hangin lang din yung laman ng mga utak. Bwahaha.
Dumating na din yung G9 Councilor sa wakas. Akala ko hindi na darating. Pinapasok niya na kami guidance para makapagsimula na. Nagtinginan muna kami ni Ehra at sabay na huminga ng malalim.
Ready na kami sa mga bungangaan at sisihan.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...