CHAPTER 16

23 6 0
                                    

                          EHRA POV

Linggo na ng gabi. Nandito ako sa may coffee shop malapit sa bahay namin. Walking distance lang naman. Magkikita kasi kami ni Stella ngayon. Oo nga pala yung tungkol sa sikreto namin ni Violet kahapon. Nakapag-usap nga kami ni Violet sa plano niya. Kinakabahan ako sa plano niya. Balak ko nga sanang ikwento kay Stella pero hindi ko magawa kasi ayokong masira ang tiwala sa akin ni Violet.

Nandito na ako sa coffee shop. Wala pa din si Stella. Chinat ko siya pero siniseen nya lang. Umorder muna ako ng coffee ko para marelax naman ako kahit saglit. Binuksan ko ang facebook ko at nonood ng reels sa fb. Medyo nakakaantok na din, buti nalang at may kape ako. Kada hikab ko ay umiinom ako ng kape. Tiningnan ko ang oras. 7:31 pm na. Maaga pa naman. Luminga ako sa paligid pero wala pa talaga si Stella. Kanina pa akong 7:00 pm dito. Ichachat ko na sana siya ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko.

“Hi bes!” bati nito sa akin. Medyo nagulat ako pero hindi ako nagpahalata. “Bakit ngayon ka lang? Sabi mo kanina otw ka na?” inis kong tanong sa kanya. “Tsk! Ang layo kaya ng bahay ko sa coffee shop nyo then antagal pa ng mga jeep.” dahilan niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ang dami niyang dahilan eh palusot lang naman niya yan eh. Tulog pa talaga yan kanina. Kunwari otw na siya.

Umupo siya sa tabi ko. “Ito na nga yung chika ko sayo.” sabi niya. Siya talaga yung nagyaya sa akin dito. May gusto daw siyang sabihin about kay Kio. Naospital siya pero okay na din naman agad siya. Nahimatay lang naman siya eh.

“Ano na?” tanong ko sa kanya. “Diba nung last week nagkagalitan kami? Galit na galit ako nun diba?” nakangiti niyang sabi sa akin. “Oh tapos?” tanong ko. “Then ito na nga. Bago ako himatayin kahapon. Si Kio tinanong ako kung gusto ka daw ba siya maging kaibigan.” kwento niya. Medyo nanlaki ang mga mata ko.

“Talaga?” tanong ko sa kanya. “Oo naman! Hindi ko din inexpect na itatanong niya sa akin yun.” sagot niya. Aba, ibang klase din pala itong si Kio ah. Aawayin si Stella tapos biglang makikipagkaibigan? Ano, plastikan lang?

“Uhm, ano sa tingin mo Ehra?” nakangiti niyang tanong sa akin. “Sa akin. Okay lang din naman na maging kaibigan mo si Kio. Pero kailangan mo tanggapin yung ugali niya.” sagot ko sa kanya sabay inom ng coffee.

“So? Kaibiganin na ba natin?” ecxite niyang tanong pa. Wait lang. Nakakahalata na ako ah. Diba dapat may sama siya ng loob kay Kio? Bakit parang kilig pa si t*nga?

“Aber, bakit parang kinikilig ka?” diretsahang tanong ko sa kanya. “Hala! Hindi ah! Naeecxite lang ako kasi may bago tayong kaibigan!” painosente niya pang sagot.

“Ayan! Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Nagpadala ka nanaman sa kagwapuhan ni Kio. Kunwari ka pang may sama ng loob eh kilig na kilig ka naman. Ano? Magiging marupok ka nanaman ba inday? Hay naku!” sermon ko sa kanya.

“Huy, anong kinikilig? Totoo yung sinasabi ko! Masaya lang talaga ako kasi magiging kaibigan natin siya. May makokopyahan na tayo sa Math.” sabi niya. Sus! Hindi talaga ako naniniwala kay Stella. Kilala ko yan. Alam ko kung paano kiligin yan.

Bakit ba kasi sila nagpapadala sa kagwapuhan? Hindi naman yun basehan. Alam kong babaero yan si Kio kaya never kong ipagkakatiwala sa kanya si Stella. Andami niyang ex at marami din ang may gusto kay Kio. Baka naman kasi pinaglalaruan niya lang si Stella? Kunwari friends tapos papaasahin niya then magiging sila at sa huli, iiwan niya si Stella. Aba subukan niya lang talaga. Wala silang karapatan na saktan ang beshy ko dahil kung mayroon man karapatan na saktan siya. Walang iba kundi pamilya niya at ako lang ang may karapatang manakit sa kanya.

Naubos na namin yung mga coffee namin kaya naman napagdesisyunan na namin na umuwi. Hinatid ko muna si Stella sa sakayan bago ako umuwi. Nakasakay na siya kaya naman nagsimula na akong maglakad pauwi. Kung alam ko lang na yun lang pala ang ikukwento sa akin ni Stella edi sana nagpahinga nalang ako. Nakakawalang gana yung kwento niya.

Natatanaw ko na ang bahay ko. Kaya naman binilisan ko na sa paglalakad. Pero kanina ko pa napapansin na parang may sumusunod sa akin. Liningon ko ang likod ko pero wala naman. Agad akong nagpatuloy sa paglalakad pero parang may sumusunod talaga. Muli akong tumingin sa likuran pero wala naman talaga. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pero nanlaki ang mga mata ko nang may makitang anino sa aking likuran. Kaya agad naman akong tumingin sa likod at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang lalaki na nakablack na jacket, sumbrero at nakablack na facemask. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at tumakbo na.

Hinabol ako ng lalaki. Hindi ko alam pero naiiyak ako sa nangyayari ngayon. Madadapa na ata ako. Binilisan ko na ang pagtakbo para hindi niya ako maabutan pero pagtingin ko sa likod ko ay nandun pa din siya at hinahabol ako kaya naman sumigaw na ako.

“Tulong! Tulungan nyo ako!” sigaw ko habang patuloy na tumatakbo.

Maya-maya pa ay narating ko na ang bahay namin. Agad kong binuksan yung gate at isinara. Pumasok ako ng pintuan at inilock ko din ito. Dumiretso ako ng kwarto ko sa taas at inilock ko din ito. Napaupo ako sa kama ko at humawak sa aking dibdib na may kaba pa din na nararamdaman ngayon. Laking pasasalamat ko at hindi niya ako naabutan dahil kung naabutan niya ako, baka bangkay na ako bukas.

Tumingin ako sa bintana ng aking kwarto. Dali-dali ko itong isinara na baka pumasok ang lalaki dito. Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Tulog na si mama at kuya ngayon. 9:30 pm na pala. Hindi ko din namalayan yung oras. Hindi ako makagalaw ngayon. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Binuksan ko ang cellphone ko at nagfacebook habang nakatalukbong. Nakita ko ang chat sa akin ni Stella.

Stella: Nakauwi ka na? Lovee you! Goodnight!

Pagkabasa ko sa chat niya ay agad naman akong nag-react dito at nireplayan.

Me: Okay na Stella, nakauwi ako ng maayos. Goodnight din, love you din.

Sinend ko na yun sa kanya. Hindi ko na sinabi yung nangyari dahil sobrang mag-aaalala si Stella. Ayokong sabihin sa iba yung nangyari sa akin. Mag-iingat nalang ako sa susunod at hindi na magpapagabi.

Grabe itong gabi na ito. Muntikan pa akong mapahamak. Kung hindi talaga ako nakaligtas dun ay baka patay na ako.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon