CHAPTER 8

32 8 0
                                    

                         EHRA POV

5:15 am palang. Maaga akong pumasok kahit wala naman akong gagawing activity or assignments. Ganito lang talaga ako kapag sinipag.

Nakaupo ako sa upuan ko ngayon. Nandito na sina Adalyn at Dylan na naglalandian sa harap ko. Nandyan na din sa labas ng room sila Stella, Emily, at Camilla. Hindi ko alam kung bakit nandyan sila sa labas ng room.

Nagbabasa lang ako dito. Wala pa naman yung iba kaya napakaingay pa namin dito.

Oo nga pala. Nagpatawag si Sir Gomez ng meeting kanina para sa class officers kaya naman nasa faculty ng A.P lahat ng officer. Meaning, kasama din si Luke dun kasi VP sya ng section namin. Okay na din pala si Luke dahil na din siguro sa mga gamot na ininom nya. Kaya nakakilos na agad sya ng maayos at nakapunta pa sya sa meeting ng mga officers.

Excuse din sila sa tatlong subject. Nagtataka lang talaga ako kasi grabe naman yung meeting na yun. Tatlong subject ba naman masasakop.

“Ano ba Dylan! Hindi nga kasi!” nagulat ako nang sumigaw si Adalyn kaya naman napatingin ako sa kanila. Ganun din yung iba naming kaklase.

“Sino ba kasi yan? Ang hirap mo naman kasi intindihin! Lagi mo nalang akong ginaganito!” sigaw naman ni Dylan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng room. Nag-aaway nanaman sila. Baka madamay pa ako.

Oo kaibigan namin sila Dylan at Adalyn pero nakakapagod na din kasing intindihin yang dalawang yan. Hindi naman sa pinaghihiwalay ko sila pero mali talaga yung relasyon nila. Puro sila selosan at away. Paano sila tatagal nyan kung ganyan sila.

Sasabihin pa nilang naghiwalay na sila tapos bigla nanaman naming mababalitaan na balikan nanaman sila.

Nakakapagod lang din umawat kasi mapanakit si Dylan. Sinasaktan nya si Adalyn at maging kami ding mga babae nyang kaibigan na umaawat lang sa kanya.

Kung ako ang tatanungin ay kailangan nilang ayusin yang relasyon nila kung gusto nilang tumagal.

Bumaba muna ako ng room since nasa 2nd floor yung room namin. At wala pa namang teacher kaya naman minabuti ko ang gumala muna. Actually hindi talaga dapat ako gagala kasi hinahanap ko sila Stella, Camilla at Emily. Kanina pa sila wala.

Napadaan ako sa may labas ng guidance office nang mapansin ko ang grupo ng mga tao na galit at parang nagpoprotesta. Sumisigaw sila. Mga magulang ata ito. Yung suot nila ay hindi dito sa school atsaka makikita mo yung mga mukha nila na matatanda na din.

“Ibalik nyo ang mga anak namin!” sigaw ng isang nanay.

Anak? Bakit ano bang nangyari? Kanino bang nanay yan? Oh! Baka nanay yan ng isa sa mga nawawalang estudyante or isa sa mga nanay ng mga namatay na biktima.

“Nagrereklamo nanaman sila kasi isang estudyante nanaman ang nawala. Olivia Samson ang pangalan.” nagulat ako nang may magsalita sa aking likuran.

Nagulat ako sa lalaki na pamilyar yung mukha. Nakangiti sya sa akin.

Oh! Naaalala ko sya. Siya si Nathan. Yung nakilala ko sa Canteen nung nakaraan lang.

“Hi Nathan! Nagulat naman ako sayo. Bigla ka namang sumusulpot. By the way, kamusta na?” tanong ko sa kanya.

“Okay lang naman. Ikaw?” tanong nya din sa akin.

“Ayos lang din naman.” sagot ko.

Nginitian ko sya tapos tumingin ulit sa grupo ng mga magulang na nagrereklamo. Nasa labas na din ang principal para makipag-usap ata.

“Kumalma lang po ang lahat!” sabi ng principal.

“Hindi! Ibalik nyo muna yung buhay ng mga anak namin bago kami kumalma!” sigaw ng isang nanay.

Nakatitig lang ako sa mga nangyayari ngayon. Maging ako din naman ay malulungkot ng sobra kapag namatay yung mahal ko sa buhay. Sana talaga mahuli na yang kriminal na yan. Nakakadami na sya ah.

“Nakakaawa naman yung mga nanay. Sana mabigyan sila ng hustisya at mahuli na yung salarin.” sabi ko.

“Sana nga. Pero what if.. May mabigat palang dahilan yung kriminal na yun kaya nagagawa nyang pumatay?” nabigla ako sa tanong ni Nathan. Kaya nilingon ko sya. Nakangiti lang naman sya sa akin.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Ahh.. Wag mo na intindihin.” sabi nya kaya mas lalo akong nagtaka.

“Check mo na yung relo mo. Baka late ka na.” sabi pa nito sa akin kaya naman tumingin ako sa relo ko.

6:08 na. Agad naman akong nagmadaling bumalik sa room. Nag bye nalang ako kay Nathan sa pagmamadali ko. Masyado namang mabilis yung oras? Parang 5:30 palang kanina ah? Hindi pa naman ako masyadong nakakapaggala.

Nakarating na ako sa room pero wala pa din naman si Maam Soriano. Filipino yung first subject namin ngayon.

Nakita kong nakaupo na sila Stella at Emily. Kanina ko pa hinahanap eh nandito na pala. Umupo na ako sa upuan ko.

“Saan ka pumunta?” tanong ni Stella sa akin.

“Hinahanap ko kayo! Nandito na pala kayo.” sagot ko.

Napansin ko na wala pa sila Violet at Camilla. Saan naman pumunta yung dalawang yun. Kasama nila Stella si Camilla kanina ah? Bakit hindi pa din nabalik?

“Stella. Si Violet at Camilla?” tanong ko ulit sa kanya.

“Si Violet, nandun sa may pathway. Nagwawalis kasi pinarusahan sya ni Sir Gomez kahapon ng community service kasi sinampal at sinabunutan nya daw si Pres Theo.” sagot nya.

Kaya naman pala. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Masyado kasing matapang si Violet kaya naman iyan yung napala nya.

“Eh si Camilla? Diba kasama nyo yun kanina? Bakit hindi nyo sya kasama bumalik?” tanong ko pa sa kanya.

“Kaya nga. Pero akala namin bumalik na sya. Kasi niyaya namin sya ni Emily sa tumambay sa likod ng school. Hindi sya sumama kasi may multo daw doon. So, kami nalang yung pumunta and then akala namin bumalik na sya dito.” paliwanag nya na medyo ikinakaba ko naman.

Medyo kinabahan ako sa nangyayari. Hindi ko alam pero may masama akong kutob. Hindi ko maipaliwanag pero masama talaga yung nararamdaman ko.

“Hayaan mo na. Babalik din yun. Baka may pinuntahan lang.” sabi ni Stella sa akin.

Ngumiti nalang din ako. Kasi si Camilla hindi naman sya ganun. Nabalik din naman agad sya kapag ayaw nya sumama.

Ano ba itong naiisip ko! Baka dahil lang sa panonood ko ito ng Mystery movies.

Babalik din naman si Camilla. Baka natagalan lang.

Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinakabahan ako. Nakatingin lang ako sa upuan ni Camilla na hanggang ngayon ay bakante pa din.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon