CHAPTER 26

18 5 0
                                    

                          EHRA POV

Naalimpungatan ako ng may dumapong langaw sa mukha ko. Tumingin ako sa paligid. Madilim at tanging isang kandila lang yung nagbibigay ng liwanag. Nakaramdam ako ng pangangalay. Napagtanto ko na nakakadena ako. Hindi ako makagalaw. Nakaupo ako sa isang bakal na upuan at nakakadena ang kamay, katawan at paa ko. Sumasakit pa din yung ulo ko. Nangangalay na talaga ako at gusto ko ng tumayo. Tumingin ako sa paligid ko. Nakita ko din sila Stella, Kio, Violet at Pres Theo na nakakadena din. Nakahilera kaming lima at may tig-iisang mga upuan kung saan doon kami nakakadena. Ako yung nasa gitna. Nasa kanan ko si Violet at sa kaliwa si Stella. Nasa magkabilang dulo naman sila Pres Theo at Kio. Maya-maya ay nagising na din sila. Nagulat din sila.

Nandito pa din kami sa lumang bodega ng lumang classroom na ito. Nakasarado yung pintuan.

“G-guys. Anong nagyari?” tanong ni Kio.

“Hindi ko din alam.” sagot ni Stella.

“Nasaan na yung lalaki kanina? Sino ba yun?” tanong naman ni Violet.

“Tsk. Ito na nga ba yung sinasabi ko.” reklamo ni Pres Theo.

“Humanap tayo ng paraan para makaalis tayo dito.” sabi ko kaya naman luminga linga na kami sa paligid para makahanap ng pwedeng gamit o kahit ano. Wala talagang kagamit- gamit dito. Masasabi kong matalino ang lalaking nagkulong sa amin dito. Hindi man lang talaga siya naglagay ng kahit ano. Kandila lang talaga. Hindi naman magagamit ang kandila dahil kadena ang nakatali sa amin.

“Wala tayong magagawa.” dismayadong sabi ni Kio.

“Meron pa yan. Tiwala lang.” sabi ni Violet na ikinatingin ko naman sa kanya.

“Kasalanan mo ito! Kung hindi ka sana nagpumilit na pumunta dito, hindi sana mauuwi sa ganito!” sigaw ni Pres Theo kaya naman nag-echo ang paligid.

“Anong ako? Kayo din naman ang may kasalanan. Sumama pa kayo dito. Edi sana pinabayaan niyo nalang akong mag-isang mamatay!” nag-echo din yung boses ni Violet. Habang ako naman ay nag-iisip ng paraan and....

Ting!

Nakaisip ako ng paraan. Kung hindi namin magawang makaalis dito at wala din namang kwenta ang kandila na nasa harap namin ngayon. Bakit hindi nalang namin gamitin yung mga boses namin? Nag-iingay naman sila eh. Edi subukan naming sumigaw. Malay mo may umiikot pala na guard ngayon sa likod ng school at marinig kami.

“Guys. What if sumigaw tayo? Baka may makarinig sa atin.” mungkahi ko na ikinangiti naman ni Stella.

“Tama guys.” pagsang-ayon ni Stella. Sinumulan na naming sumigaw kaya naman naging maingay na ang buong silid.

“Tulong! Tulungan niyo kami!” sigaw namin. Nilakasan namin yung pagsigaw pero ilang minuto na, wala pa din nakakarinig sa amin.

“Nakakainis!” napatingin kami kay Pres Theo na nagwawala na sa inis. Talaga naman kasing nakakainis. Pinagsisisihan ko na sumama ako kay Violet.

“Gumawa tayo ng paraan. Hindi pwedeng ganito lang tayo. Habang wala pa yung lalaki.” pagmamakaawa sa amin ni Stella. Nalulungkot ako dahil wala man lang akong nagawa para makaligtas kami. Wala talaga akong maisip.

“Sino may phone sa inyo?” napatingin kami kay Violet. Naalala ko yung phone ko. Hawak ko yun kanina dahil yun yung ginagawa naming flashlight kanina dito. Hindi ko alam kung nasaan.

“Ako meron.” sabi ni Stella.

“Ako din.” sagot dun ni Pres Theo. Tumingin si Violet sa akin at kay Stella.

“Stella. Kakayanin mo bang pumunta sa harapan ni Ehra?” tanong ni Violet na ipinagtaka namin.

“O-oo. Itry natin. Ano bang gagawin?” kinakabahang tanong ni Stella.

“Pumunta ka sa likod ni Ehra tapos ikaw Ehra, kunin mo sa likod na bulsa yung cellphone ni Stella. Magagawa mo yun dahil nagagalaw mo pa naman yung kamay mo.” paliwanag ni Violet. Nagets ko naman agad. Naigagalaw ko pa ang kamay ko.

Ngayon ko lang napagtanto na may kat*ngahan din pala yung lalaki. Yung apat ay nakatali yung kamay nila patalikod. Pero yung akin paharap. Big mistake.

Lumundag si Stella habang nakaupo kaya naman umurong unti-unti yung upuan. Nakikita ko na nahihirapan na din siya pero pinipilit niya pa din. Pinapanood lang namin siya hanggang sa makarating siya sa harapan ko. Pero nakatikod siya.

Agad ko namang iginalaw yung mga kamay ko para kunin sa lukuran ni Stella yung phone niya. Oo dress yung suot ni Stella, pero may bulsa sa likod ito. Matagumpay ko namang nakuha ang phone pero dahan-dahan ko lang itong hinahawakan kasi baka mahulog. Mas mahirap. Hirap na talaga ako sa ginagawa ko. Pero kakayanin.

“Sige lang Ehra. Kaya mo yan. Stella sabihin mo yung password.” utos ni Violet kaya naman sinabi na din ni Stella yung password ng phone niya.

“2,4,1,1,3.” sabi ni Stella kaya agad ko naman itong binuksan. Nanginginig ang kamay ko.

“A-ano ng gagawin?” kaba kong tanong sa kanila.

“T-tawagan mo si Emily.” utos ni Kio sa akin kaya naman hinanap ko yung number ni Emily dito. Buti nalang at may load itong phone ni Stella at nakakatawag pa.

Ring.... Ring....

“Ayaw niyang sumagot.” sabi ko.

“Itry mo ulit.” utos ni Violet. Kaya naman tinawagan ko ulit si Emily.

Ring.... Ring....

Ayaw niya talagang sumagot kaya nagsimula na akong magpanic.

“S-sino ng t-tatawagan! Bilis!” sigaw ko sa kanila. Nanginginig na ako at feeling ko baka hindi ko na kayanin dahil nakakangalay na yung ginagawa ko dito.

“Si Luke! Oo si Luke! Tawagan mo.” utos sa akin ni Pres Theo kaya naman agad kong hinanap yung number ni Luke. Pero wala akong mahanap. Muli kong chineck at nakita ko na din. Napindot ko yung call. Pero...

Bigla kong nabitawan yung phone. Kaya bumagsak ito sa sahig.

“Sh*t!” napamura na ako. Hindi ko alam ang gagawin. Sana sumagot si Luke.

Ring.... Ring....

Pero bigla kaming natahimik lahat ng may marinig kami mula sa labas. At.....
Oh my gosh! Footsteps!

“Sagutin mo Luke please.” pagmamakaawa ko. Nanlaki na din ang mga mata nila dahil papalapit na yung footstep.

“Hello? Stella?” natuon ang atensyon namin ng sumagot si Luke. Salamat!

“L-luke! Hindi ito s-si Stella. Si E-ehra ito.” utal kong sabi dahil sa kaba.

“Ikaw pala Ehra? Anong kailangan mo?” tanong nito.

“Luke makinig ka. N-nandito kami ngayon s-sa likod ng school. Nakakulong kami! T-tulungan mo kami. T-tumawag ka ng pulis o ng kahit ano! Luke, mahirap magpaliwang pero kailangan na namin ng tu-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pumasok ang isang lalaki. Yung lalaking namukpok sa amin kanina.

Hindi ko talaga alam ang gagawin. Nanginginig ako. Napatingin ako sa phone ni Stella na nasa sahig. Wala ding nagsalita isa man sa kanila dahil sa takot pero narinig ko na nagmura ng mahina si Violet.

“Sh*t!” mura ng lalaki.

“H-hello Ehra? What's going o-” naputol ang tawag ng biglang inapakan ng lalaki yung phone kaya nasira ito. Nakatayo siya sa harap ko. May hawak siyang kutsilyo kaya naman natulala ako. Hindi ko na kaya...

“P-please... Huwag m-mong sasaktan ang b-bestfriend ko..” pagmamakaawa ni Stella. Tumingin kay Stella yung lalaki ng saglit. Nagulat ako ng itinaas niya ang kutsilyo at isasaksak kay Stella.

“Stella! Huwag!” sigaw ko.

Umalingawngaw ang boses ko sa buong silid kasunod ng matinding pag-iyak.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon