CHAPTER 3

51 9 0
                                    

                            EHRA POV

KINABUKASAN:

Naglalakad ako patungong school. Tumingin ako sa aking relo para tingan yung oras. Mahirap malate sa first subject namin ngayon dahil Filipino iyon at masungit ang teacher namin dun na si Maam Soriano.

5:45am na pala. Binilisan ko na sa paglalakad dahil maaga dumating minsan si maam. Nakakahiya naman kung malate ako. Baka magsabi pa ako sa harap ng klase ng “pasensya na at nahuli po ako sa klase.”

Natigilan ako sa paglalakad nang madaanan ko ang isang tumpok at nagkakagulong mga estudyante at mga teachers. Gusto ko sanang makitsismis pero baka malate ako kaya dumiretso na ako sa room.

Pagpasok ko sa room ay nadatnan ko yung mga kaklase ko na medyo nagkakagulo at maingay. Nagiging palengke nanaman. Dumiretso ako sa upuan ko then binababa ko yung bag ko. Nadatnan ko si Stella na nagsecellphone. Agad naman akong umupo. Wala pa sila Luke, Adalyn, Emily, Dylan at Camilla. Si Anthony naman na nasa harap ni Stella ay nagbabasa ng isang libro habang naka ear phone. Nagbabasa habang nakikinig ng music? Kaya nya yun?

Tumingin naman ako ulit kay Stella. Nakita ko yung assignment sa Filipino na ginagawa nya.

“Hindi ka pa pala tapos dyan?” tanong ko kay Stella. “Oo. Hindi ko nagawa kasi may assignment pa pala sa Math kaya yun muna inuna ko.” sagot nya.

“Eh bakit ba kasi inuna mo yung Math? Third subject pa naman yun ah. Dapat yan muna ginawa mo kasi first subject yan.” sabi ko pa sa kanya.

“Eh bakit hindi ka kasi nagsend ng sagot sa akin kagabi?” inis nyang sabi sa akin.

“Aba! Wala ka namang sinabi ah. Tsaka maaga din akong nakatulog kagabi.” katwiran ko sa kanya. Sumimangot lang sya at tinuloy yung ginagawa nya.

Maya-maya ay natigilan kami ng makita namin yung padating. Si Violet. Ang estetik ng suot nya at nakablack lipstick pa. Nakacrop top sya then nakajacket. Buti pinapasok sya ng guard kahit ganyan yung suot nya. Nakablond pa yung buhok nya ah. Pero ang ganda nya, at bagay sa kanya lahat ng yun.

“Uy bagong kulay buhok ni Violet!” sabi ng mga kaklase kong lalaki na panay hawak sa buhok ni Violet. Hinawakan naman ni Violet yung kamay ng isang lalaki sabay pinalipot ito na tila ba gustong baliin.

“How dare you to touch my hair! Kita mong kakakulay lang nyan tapos hahawakan mo gamit yang napakadumi mong kamay!” sigaw ni Violet habang binabali yung kamay ng lalaki kong kaklase. Si Jhairone pala yung binabalian nya. Tropa sya nila Pres Theo at Luke. Palibhasa pandak din si Jhairone kaya hirap makalaban.

“A-aray ko Violet! Ang sakit!” sigaw ni Jhairone.

“Does it really hurt? I'm sorry. That's not the worst I can do to you. You want more?” pang-aasar ni Violet kay Jhairone.

“Huy Violet, itigil mo nga yan! Nagawa ka nanaman ng gulo dito ah!” saway sa kanya ni Pres Theo.

Tumingin naman ng masama si Violet kay Pres Theo. Masamang tingin pero may kasamang pang-aasar.

Keep shut up b*tch! It's none of your business.” sabi ni Violet sabay binitawan yung braso ni Jhairone. Halos maiyak naman si Jhairone habang hawak yung braso nya. Mukhang masakit talaga. Pumunta na sa upuan nya si Violet na katabi lang si Anthony at nasa harap ko mismo. Umupo sya then itinaas yung dalawang paa nya sa may upuan na nasa harap nya.

It's so very hard to be beautiful.” sabi ni Violet.

Nagkatinginan naman kami ni Stella na nagtataka sa sinabi ni Violet. Oo maganda sya pero masyado ata syang mayabang. Nagulat pa kami ng humarap sa amin si Violet at tinitigan kaming dalawa ni Stella. Tinitigan din namin sya.

“Is there a problem with what I said?” tanong saamin ni Violet.

“W-wala naman.” sagot ni Stella sa kanya. Ngumisi sya saamin then tumalikod na ulit sya.

Medyo may pagka badgirl din itong si Violet eh. Actually badgirl talaga yung magiging tingin namin sa kanya kung hindi lang namin sya kaibigan. Hayss.

Maya-maya pa ay dumating na din yung iba pa naming mga kaklase. Dumating na din sila Emily at Camilla. Hindi ata papasok yung magjowa. Nagtataka din ako dahil wala pa din si Luke or absent din sya. Ay! Bakit sya nga ba yung iniisip ko. Dumating na din si Maam Soriano na tila ba may kalungkutan sa mukha.

“Magandang umaga Ginang Soriano!” bati namin kay maam. Agad naman kaming pinaupo ni maam at halatang may sasabihin.

“Magandang umaga. President Theo. Ikaw na muna ang mangolekta ng mga takdang aralin dahil ako ay may pupuntahan. Walang mag-iingay. Nakakalungkot lang dahil isa nanaman ang pinatay. Nakita ang katawan kanina sa may likod ng school.” malungkot na pahayag ni maam.

Nagulat naman kaming lahat kaya medyo umingay at nagbulungan ang lahat. Nagkatinginan naman kami ni Stella. Bakas sa mukha ng bawat isa ang takot at kalungkutan.

“At ang malungkot pa.. Ang head teacher ng Filipino ang biktima..” dagdag pa ni maam na mas lalong ikinagulat naming lahat.

Yung head teached mismo ng Filipino yung biktima? Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaakala na pati teacher ay kaya nilang patayin.

Hindi na siguro tama ito. Mukhang serial killer na talaga ang may kagagawan nito. Kaya din pala andaming tao kanina dun sa nadaanan ko kasi may patay nanaman. Grabe.

“Aalis muna ako. Pres Theo pakibantayan ang mga kaklase mo.” pakiusap ni maam kay Pres Theo.

Sige po maam. Condolence po.” sagot ni Pres Theo.

Umalis na si maam. Kaya naman umingay nanaman yung room na parang palengke. Nagcircle kami ng upuan nila Stella, Anthony, Emily, Camilla at Violet sabay nagkwentuhan.

“Nakakatakot naman. Pati teacher pinatay.” sabi ni Emily.

“Sino kayang gumagawa nun? Pang-apat na yun ah. Nakakatakot na.” sabi naman ni Stella.

“Do not be afraid. It's just easy to fight that.” pagmamayabang ni Violet.

“Ang yabang mo naman. Hindi mo sure yung kayang gawin nun.” sabi ko sakanya.

“Atleast i can fight. Masyado kasi kayong mahihina kaya mga takot kayo.”dagdag pa niya. Natutuwa din ako sa katapangan ni Violet kasi kahit babae siya eh kaya nyang lumaban at hindi sya takot kaninuman. Trouble maker kaya yan sa section namin. Pero kailangan nya din ilugar yung mga katapangan nya kasi baka ikapahamak nya din yan.

“Pero what if patay na din pala si Eunice?” sabat ni Camilla.

Nagulat kami nang biglang sampalin ni Violet si Camilla. Masasabi kong malakas yun kasi namula yung mukha nya.

“Do not speak like that! Hindi pa patay ang best friend ko pero pinapatay nyo agad sya!” sigaw ni Violet kay Camilla kaya medyo nagtinginan yung mga kaklase namin.

“Eh bakit ka nananampal? Ang sakit ah!” inis na sabi ni Camilla.

Tumayo lang si Violet at inayos sa dati ang upuan nya. Ganun din si Camilla na inayos na din yung upuan kaya naman nagsi-ayos na din kami.

Nagulat ako ng biglang pumasok si Luke ng room. Mukhang nagmadali. Pawisan sya at hinihingal pa. Pasalamat na lamang sya at wala si maam. Umupo na sya. Tinanong nya din kung bakit wala si maam. Si Stella na yung sumagot.

Tumingin ako kina Camilla at Violet na nagkainisan. Nagtatarayan pa sila. Well, di ko din naman sila masisisi kasi masyado din naman silang mga sensitive.

Pero mali naman si Camilla. Hindi makoconsider na patay si Eunice kung wala pang katawan na nakikita. Pinagtanggol lang ni Violet si Eunice dahil nga ayaw nya din maniwala na patay na si Eunice. MASAKIT MAWALAN NG KAIBIGAN DAHIL BUKOD SA PAMILYA AY SILA DIN ANG NAGBIBIGAY NG KASIYAHAN SA ATIN.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon