CHAPTER 30

21 5 0
                                    

                           EHRA POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Mabaho at mukhang luma na. Nahihirapan akong tumayo dahil nanghihina pa din. Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Violet na nasa tabi ko. Nakahiga din ito at wala pa ding malay.

Nakakaramdam pa din ako ng takot. Nasaan kaya kami? Pinilit kong tumayo para makita kung nasaan ba talaga kami. Pumunta ako sa pintuan pero nakalock ito. Yung pintuan ay parang pinto ng kulungan. Napaupo ako. Ayoko na talaga.

Natatakot na ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin dito. Nagsisisi na ako sa pagsama ko kay Violet. Bakit ba kasi ang dali kong mauto? Yan tuloy, baka mamatay pa ako ng maaga. Sana lang talaga gumawa ng himala ang Diyos. Nanalangin ako sa isang sulok. Umiiyak. Ano ba itong pinasok kong kapahamakan. Nagsisisi talaga ako.

Inangat ko yung ulo ko nang makitang nagigising na si Violet. Agad ko siyang nilapitan. Inalalayan ko siya sa pagtayo.

“V-violet, ayos ka lang?” tanong ko sa kanya.

“O-oo. Ayos lang ako. Nasaan nanaman tayo?” pagkatanong niya nun ay napatingin siya sa paligid.

“Hindi ko din alam.” sagot ko sa kanya. Makikita din sa mukha niya ang pagkadismaya at takot. Matapang naman talaga si Violet pero kapag ganito na wala na talaga siyang tapang na nailalabas.

“Hindi tayo makakalabas basta dito. Nakalock yung pintuan. Atsaka bakal din kaya hindi natin basta masisira.” paliwanag ko pa sa kanya. Tumayo siya. Tiningnan niya yung paligid namin sabay nagdabog.

“Nakakainis! Hindi dapat nangyari toh! Ako ang may kasalanan nito!” pagkasabi niya nun ay umupo ulit siya at umiyak. Nilapitan ko naman agad siya.

“Violet hindi ikaw ang may kasalanan nito. Atsaka hindi naman natin akalain na mangyayari ito eh. Huwag mong sisihin yung sarili mo.” paliwanag ko sa kanya habang niyayakap siya.

“Eh kung hindi na kita sinama, baka ligtas ka pa ngayon. Pati tuloy yung iba nating mga kaibigan nadamay.” sagot niya habang umiiyak.

“Violet. Gagawa tayo ng paraan para makatakas dito. Walang maiiwan at masasaktan.” sabi ko. Patuloy pa din siyang umiiyak. Hindi ako galit kay Violet at hindi ko din siya sinisisi. Ang sinisisi ko ay yung sarili ko. Dapat pinigilan ko talaga si Violet bago kami pumunta dun sa lumang silid na yun. Hindi sana talaga mangyayari ito. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Violet. Tumigil na din naman siya sa pag-iyak. Pinunasan niya ang mukha niya atsaka tumayo.

“Kailangan may gawin tayo. Hindi pwedeng nandito lang tayo.” sabi niya.

“Anong gagawin natin ngayon?” tanong ko. Ngumisi siya.

“Magtiwala ka lang Ehra. I can handle this.” pagmamayabang niya pero nagtitiwala naman ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung anong gagawin niya pero kahit manakit pa siya ngayon ay ayos lang sa akin. Tutulungan ko pa siya kasi gusto na naming makawala dito. Sumilip sa pintuan si Violet.

“Hoy! Mga h*nayupak kayo! Pakawalan niyo kami dito!” sigaw niya. Inulit ulit niya lang sumigaw hanggang sa may dumating na lalaki. Siya yung namukpok samin. Nakamask na itim, sumbrero at jacket. Nakaitim lahat. Siya din ba yung humabol sa akin dati? Nakapagtataka. Pamilyar din yung boses niya.

“Ano ba? Bakit ang ingay mo? Susuntukin kita diyan!” saway ng lalaki kay Violet na may kasamang pang-aamba.

“Pakawalan mo kami dito!” sigaw ulit sa kanya ni Violet. Biglang binuksan ng lalaki yung pintuan. Akala ko pakakawalan na kami pero pagkabukas niya ay bigla niya agad tinadyakan sa tiyan si Violet kaya napahiga ito. Tutulungan ko sana si Violet pero bigla din akong tinulak ng ng lalaki.

“Ang tapang mong babae ka! Gusto mo maturuan ng leksyon?” pagbabanta nito kay Violet. Pero biglang tumayo si Violet at tinadyakan din yung lalaki. Natanggal yung sumbrero ng lalaki. Sinakal siya ni Violet.

“Ano! Sige ngayon ka magtapang! Anong gagawin mo sa amin? Sino ka?” sigaw ni Violet sa lalaki. Tumawa ng malakas yung lalaki at biglang itinulak palayo si Violet. Napakalakas naman nitong lalaking toh.

“T*nga ka ba? Bakit ko sasabihin kung sino ako. Manahimik ka nalang diyan kung ayaw mong mamatay.” pagkasabi nun ng lalaki ay lumabas na siya at inilock ulit yung pinto. Tumatawa pa ito habang naglalakad sa amin palayo.

“Violet ayos ka lang?” agad kong nilapitan si Violet.

“ Oo naman.” nagulat ako kasi parang ang saya niya pang sumagot. Mas lalo pa akong nagulat nang bigla siyang maglabas ng isang susi. Teka.. Susi ng ano yun?

“Susi ng ano yan?” taka kong tanong sa kanya. Muli siyang ngumiti.

“Hulaan mo.” pagkasabi niya nun ay tumingin siya sa pintuan. Nanlaki ang mga mata ko. Susi ba yun ng pinto? Hala! Paano?

“Paano m-mo nakuha yan?” taka kong tanong kasi hindi ako makapaniwala.

“Syempre. Fast hand ata itong kamay ko.” nakangiti niyang sagot habang tumatayo. Halos mapatalon ako sa saya. Nakuha niya talaga yung susi? Ang bilis ng kamay niya.

“So? Ano ng plano?” ecxited kong tanong sa kanya.

“Maya-maya na tayo tumakas. Baka mahuli pa tayo.” sagot niya. Tumango lang ako dahil tiwala ako kay Violet. Umupo ulit kami. Napatingin ako sa relo ko. 8:30 pm na. Nag-aalala ako na baka nag-aalala na din sila mama at Kuya Ehlo.

Pero yung boses kanina ng lalaki ay pamilyar talaga. Hindi ko matandandaan kung saan ko yun narinig pero feeling ko nakausap ko na yun. Hindi ko lang matandaan kung sino.

“Mag-aalala kaya sa akin sila mama?” napatingin ako kay Violet dahil sa tanong niya.

“Oo naman! Sino namang hindi mag-aalala sayo eh nawawala ka na nga.” sagot ko sa kanya.

“Feeling ko kasi hindi nila ako hahanapin. Wala silang pakialam. Sila Kuya Venedic at Kuya Vince lang naman may pake sa akin.” sabi niya sabay simangot ng mukha.

“Ano ka ba Violet. Mukha lang walang pakialam yung mga magulang mo pero nag-aalala din yan sayo.” sagot ko sa kanya.

“Thank you Ehra ah. Lumakas yung loob ko kahit papaano.” sabi niya sa akin sabay ngiti at niyakap ako. Niyakap ko din siya.

“Of course you are my friend.” sabi ko sa kanya. Masaya ako na magkaroon ng kaibigan na katulad ni Violet. Mahina akong tao at alam ko na hirap akong ipagtanggol ang sarili ko gaya ng sitwasyon namin ngayon. Pero buti nandito si Violet at may magtatanggol pa din sa akin.

Bukod kay Stella. Si Violet din yung isa sa mga pinakagusto kong kaibigan kasi kahit maldita sya, nagagawa niya pa din na maging mabuting kaibigan sa amin.

Maya- maya ay tumayo na kami at naghanda na para sa pagtakas. Medyo kinakabahan na ako.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon