CHAPTER 13

25 7 0
                                    

                        VIOLET POV

Naglalakad ako ngayon dito sa harap ng building ng Grade 10. Oo nasa school pa din ako. Madilim na at sure ako na nakauwi na ang lahat. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 7:15 pm na. Marahil ay sarado na ang entrance at exit ng school. Nakauwi na din siguro yung mga kaklase ko kanina pa.

Kaya ako nagsadya na magpaiwan sa school na ito dahil kanina ay nakita ko yung isang pares ng sapatos ni Camilla malapit sa likod ng school. Oo yung sapatos ni Camilla. Kay Camilla talaga yung sapatos, sure ako. Mula ulo hanggang paa ay kabisado ko pa ang mga suot ni Camilla kaya hindi ako nagkakamali.

Kung nandito sa school ang sapatos ni Camilla? Sigurado akong nandito pa siya. Kaya inikot ko ang buong school makita lang siya.

Naglalakad ako nang maalala ko ang nangyari sa akin kanina sa lugar na napuntahan ko na parang haunted house. Nung nagtago ako sa lumang aparador ay nahuli ako ng guard. Guard yung lalaking humila sa akin kanina papalabas ng aparador. Hindi ko naman alam na private area pala yun at bawal pumasok. Wala naman kasing nakalagay na sign.

Pero hindi pa din ako mapakali. Baka may itinatago pa sa loob ng lumang silid na iyon kaya bawal talaga. Hindi ko pa naman napasok ng maiigi yung lugar na iyon kaya baka..

Agad akong tumakbo para bumalik sa likod ng school dahil baka nandun sa lugar na iyon ang kasagutan sa lahat. Baka nandun yung kasagutan kung nasaan si Camilla at Eunice. Tumatakbo ako habang hawak ang cellphone ko na may flashlight. Napatigil ako ng may marinig akong boses.

Huminto ako at pinakinggan ang boses na narinig ko. Ilang saglit pa ay may ilaw na tumama sa aking mukha.  Nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ako kung saan nanggaling ang ilaw. Nakita ko ang isang guard na nakatingin sa akin. Agad akong kumaripas ng takbo.

“Hoy! Sino yan?!” sigaw nito. Tumakbo lang ako papunta sa likod ng school. Hinahabol ako ng guwardiya. Hindi ko alam kung siya din yung nakahuli sa akin kanina sa lumang silid. Basta tumatakbo nalang ako ngayon papunta sa likod ng school.

Wala akong pakielam kung ano itong gulong pinasok ko. Basta malaman ko lahat ng kasagutan na dapat kong malaman. Tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating na ako sa likod ng school. Lumingon ako sa aking likuran pero tuloy pa din ang guwardiya sa paghabol sa akin. Kaya naman mas binilisan ko yung takbo ko hanggang sa mahanap ulit yung daanan papunta sa may lumang silid na nakita ko kanina. Pumasok ako sa damuhan at bumaba sa hagdan. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero..

Bakit nakasara ito?

Nagsimula na akong magpanic dahil naririnig ko ang guwardiya na malapit na sa akin. Muli kong sinubukang buksan ang pintuan pero nakalock talaga. Baka nilock na ito kanina ng guwardiya.

“B*ysit!” mahina kong sabi. Huminto ako sa ginagawa ko at pinakinggan ang mga footsteps mula sa taas. Malapit ito sa akin kaya naman tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng anumang ingay.

Maya-maya ay wala na akong narining. Kaya naman dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Binuksan ko ang mga damuhan at liningon ang paligid. Wala ng tao. Muli akong bumalik sa baba at sinubukang buksan ulit ang pintuan ng lumang silid na iyon. Kaso ayaw talaga. Napaupo ako sa pagod. Umiiyak ako ngayon dahil wala akong magawang tama. Hindi ko man lang magawang mahanap yung nga kaibigan ko. Napakawalang kwenta kong kaibigan!

Pinunasan ko ang mga luha ko na kanina pa tumutulo. Biglang pumatay ang cellphone ko. Agad ko itong inopen pero lowbat na pala.

“Sh*t! Ngayon ka pa talaga nalowbat!” inis kong sabi habang pinopokpok ang cellphone sa aking tuhod. Nalowbat na din ang cellphone ni Camilla na kanina ko pa din dala. Malamig na ang gabi. Hindi ko na malaman ang oras. Tanging mga kuliglig at huni ng mga butiki nalang ang naririnig ko.

Humiga ako sa sahig. Nakakaramdam na ako ng antok. Safe naman ata kung matutulog ako dito. Dito muna ako hanggang sa mag-umaga.

Ipinikit ko ang mata ko at onti-onti nang nawalan ng malay.

                         THEO POV

Sabado na. Umpisa nanaman ng kasiyahan. Wala kaming assignment ngayon at free kaming lumabas magtotropa kaya ieenjoy na namin ito.

“So? May feelings ka pa din ba kay Shontelle?” pang-aasar kong tanong kay Kio habang umiinom ng kape. Halatang nainis siya sa tanong ko.

Nandito kami ngayon isang coffee shop. Nagrerelax kami at nagkukwentuhan nang mabawasan naman ang stress. Wala si Luke. Ayaw sumama so, kami lang tatlo dito nila Kio at Jhairone. Pupunta din kami sa bar mamaya para mas masaya ang weekend.

“Stupid question. Nang-aasar ka nanaman Pres. Alam mo na may bago na akong nagugustuhan.” sagot nito habang nakatingin sa akin ng masama.

“Haha! Si Stella ba yan? Nabalitaan ko kahapon na magkasama kayo and... Hinatid mo daw siya sa hospital.” nakangiting sabi naman ni Jhairone.

“No. Sabihin nalang natin na isang malaking sikreto ang nagugustuhan ko ngayon.” sagot ni Kio pero nakangiti na siya sa pagkakataong ito.

“Whoa boy. I guest si Zoey yan or Ashley? Sh*t sobrang gaganda nila.” panunukso ko kay Kio.

“Oh? Magaganda? Eh yung ugali? Ayokong magkaroon ng karelasyong maldita.” sagot nya. Nagkatinginan kami ni Jhairone at nagkangitian. Hindi ko alam na tumitingin din pala si Kio sa may mabubuting puso.

Naantala kami nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang message ang natanggap ko sa messanger.

Sir Gomez: Pumunta ka ngayon dito. Tutulungan natin silang hanapin si Camilla. Ngayon na.

“Damn.” hindi ko mapigilang mapamura sa nangyayari. Hindi pa din pala natatagpuan si Camilla? Tumayo ako at akmang aalis na.

“Where are you going?” tanong ni Jhairone sa akin.

“Sa school. Tutulong sa paghahanap kay Camilla.” sagot ko.

“Whoa. Akala ko ba magrerelax tayo this weekend? Bakit may ganyan?” dagdag pa ni Jhairone.

I rolled my eyes. “Ewan ko. Sumunod lang naman ako kay sir.” sagot ko sa kanya.

“Sasama ako.” nagulat ako nang tumayo si Kio. Agad naman akong tumango at lumabas na ng coffee shop. Bale si Jhairone nalang ang naiwan ngayon.

Nasira na ang araw ko. Gusto kong magrelax ngayon pero meron pa palang problema na kailangan solusyunan. Camilla is still missing and like Eunice, malabo na makita namin siya.

Hindi ko alam kung bakit nasasama ako sa paghahanap. Yeah, i am president but...

Hayssst.... Naguguluhan talaga ako. Dapat pala nakipagpalit nalang talaga ako kay Kio ng pwesto.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon