CHAPTER 7

33 8 0
                                    

                        VIOLET POV

“Ano nanaman bang ginawa mo Violet?! Gumagawa ka nanaman ng gulo dito. Hindi ka ba talaga titino? Nahihiya na ako sa magulang mo na ipatawag ulit sila dito kasi kapupunta lang nila last week. Buwan-buwan siguro kung pumunta yung mga magulang mo dito.” sermon sa akin ni Sir Gomez. Ang adviser namin.

“Excuse me? Yung lalaking iyan yung nauna. Tahimik akong gumagala sa pathway nang umepal sa akin yang bida-bidang Theo na yan!” sigaw ko kay sir.

“Violet, umayos ka nga ng pakikipag-usap mo! Si sir yang kausap natin oh!” sabi nitong pabidang Theo na toh.

Ano naman kung kausap ko si Sir Gomez? Sya naman talaga yung nauna ah. Kaya pwede kong sabihin lahat ng gusto ko!

“Sir, pinapabalik ko lang naman si Violet sa loob ng room pero bigla nya akong sinampal at sinabunutan.” painosenteng sabi ni Theo na ikinagulat ko naman.

“Hoy lalaking may sira sa utak! Anong sinampal? Hey! Never pa kitang sinampal kasi alam kong masisira yang mukha mo! Sinabunutan lang kita!” sigaw ko sa kanya.

Nasa faculty kami ng A.P ngayon. Pero since wala namang tao kaya pwede akong sumigaw dito.

“Sinampal mo ako. Halata namang mabigat yang kamay mo! Sinampal mo muna ako bago sabunutan.” sabi pa nya.

Napatayo ako sa inis.

“Sinungaling kang lalaki ka! Anong sinampal? Magdadagdag ka pa ng kwento! Napakasinungaling mo. President ka tapos ganyan ugali mo?!” sigaw ko pa sa kanya.

Nakakainis lang kasi nagdagdag pa talaga sya ng kwento. Syempre baka paniwalaan din sya ni Sir. Eh favorite kaya yan.

Imbis nang maliit lang yung parusa ko eh baka lakihan pa! Well alam ko naman na may punishment sa bawat gulo na ginagawa ko kaya handa akong tanggapin yun.

Ang hindi ko lang matanggap ay yung madadagdagan yung punishment ko dahil lang sa isang kasinungalingan.

“Shut up ka muna Violet. Iclose mo muna iyang mouth mo para hindi na umalingawngaw.”

Nagulat ako sa sinabi sa akin ni sir. Nang-aasar ba si sir? Yung tono ng boses nya, parang nang-aasar pa sya. Aba! Hindi porket teacher sya eh iinsultuhin nya na ako!

“Sir. Ano kayang parusa ang ibibigay natin sa kanya?” tanong ni Theo kay sir na may kasamang pang-aasar.

Pinigilan ko muna yung sarili ko na manakit kasi baka madagdagan nanaman yung parusa sa akin.

“Uhhhm.. Nanampal at nanabunot sya. Sa madaling salita ay nanakit sya ng kapwa nya estudyante. So.. Sa tingin ko, community service nalang muna yung parusa nya. 5 days community service dito sa school.” sagot ni sir.

Nanlaki ang mga mata ko sa inis. Hindi ko matanggap. H*yop na yan! Ayoko ng community service! Ayokong maglinis ng mababahong mga cr. Eeeewwww!

Tumingin ako kay Theo na nakangiti. Actually hindi sya nakangiti lang! Tumatawa ang hin*yupak!

Galit na galit na talaga ako sa lalaking ito kaya hindi ko na mapigilang saktan ulit siya.

Agad akong lumapit at hinila ko agad yung kanan nyang tainga. Dahil doon ay napatayo sya sa sakit at napasigaw. Hinawakan nya yung kamay ko para pigilan pero mas lalo ko pang nilakasan yung pagpingot ko sa kanya.

“H*yop ka! Ang sarap mong tirasin kang hin*yupak ka! Sinungaling!” sigaw ko.

“Aray! Ughh! Violet ang sakit! A- ahhhh!” sigaw nito.

Napatigil ako sa pagpingot nang alisin ni Sir Gomez yung kamay ko. Kaya naman napaatras ako ng konti kay Theo.

“Violet! Lumabas ka na nga! Kung ayaw mong madagdagan yang community service mo eh magtino ka naman! Wala ka nang nagawang tama. Wala ka na ngang kwenta sa klase ko ganyan ka pa!” sigaw sa akin ni sir.

Natulala ako ng konti. Hindi ko alam pero parang bumigat yung pakiramdam ko sa sinabi nya.

Sa madaling salita ay “Nasaktan ako sa sinabi nya.”

Agad akong tumalikod sa kanila at lumabas ng faculty. Tumakbo ako pabalik ng room.

Hindi ko alam pero habang tumatakbo ako ay umaagos na yung luha ko. Hindi ko na napigilan yung pagluha na iyon.

Huminto ako sa pagtakbo at napaupo sa sahig. Tinakpan ko yung mukha ko habang naiyak.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Naalala ko yung sabi sa akin ni Sir Gomez kanina lang.

Wala akong magawang tama. Na wala akong kwenta.

Oo napakatapang kong tao at wala akong kinatatakutan. Maliban sa mga magulang ko.

Nung sinabi sa akin ni Sir Gomez yung mga salitang iyon ay bigla ko uli naalala sila Mama at Papa.

Sinasabihan din nila akong walang alam at walang kwenta. Hindi ko alam kung bakit ganun sila sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para lang mahalin nila ako.

Hindi ko nararamdaman yung pagmamahal nila. May galit sila sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama.

Nagagalit ako sa kanila pero hindi ko magawang lumaban. Nagagalit ako. Kaya sa ibang tao ko nabubuntong lahat ng galit ko.

OO WALA AKONG KWENTANG TAO! PERO YUNG SABIHIN NILANG WALA NA AKONG NAGAWANG TAMA. DIBA PARANG MALI NAMAN YUN? DAHIL KAHIT GANITO YUNG UGALI KO AY MAY NAGAWA NA DIN AKONG TAMA SA BUHAY KO.

Mas lalo ko pang nilakasan yung iyak ko. Wala akong pake kung may makakita at makarinig sa akin. Basta gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko.

ANG SAKIT LANG KASI NA KAHIT YUNG PAMILYA MO EH HINDI NAKIKITA YUNG TUNAY MONG HALAGA.

Wala naman akong balak sirain yung buhay ko! Kasi masaya na ako sa lahat ng nakukuha ko eh. Sila Mama at Papa lang talaga yung dahilan ng pagkasira ng buhay ko na toh!

Hindi ako magiging ganitong tao kung minamahal lang nila ako.

KAHIT MAGSAWA NA LAHAT SA PAGMAMAHAL SA AKIN. BASTA WAG LANG MAGSASAWA YUNG PAMILYA KO NA MAHALIN AKO.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak nang biglang may nagsalita.

“Do you need tissue?” sabi ng isang pamilyar na boses.

Agad akong tumingala para makita yung lalaking kumakausap sa akin. Sumimangot ulit ako ng makita ko si Kio.

Pinunasan ko yung mga luha ko at tumayo.

“Ayoko. Wag kang makipag-plastikan sa akin. Dahil hindi mo ako mauuto.” seryoso kong sabi sa kanya.

Tumalikod ako sa kanya at tuluyan nang naglakad papalayo.

Pakielamero naman! Kita nyang moment ko dito eh tapos mangingialam sya. Tissue daw. G*go ba sya. Alam kong masama ang ugali nyan kahit gwapo at matalino.

Huwag syang magmabait dyan na parang sobrang concern sya sa akin. Kasi alam ko lahat ng kawalang hiyaang ginagawa nya.

Kung magkakaroon sya ng concern eh ayusin nya muna yang ugali nya. Mga kaibigan ko lang ang may karapatang maging concern sa akin dahil sila lang naman yung totoong nagmamahal sa akin.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon