CHAPTER 29

18 5 0
                                    

                        STELLA POV

“Adalyn!” sigaw ko habang tumatakbo kay Adalyn. Niyakap ko siya. Natatakot pa din ako sa nangyari sa amin. Hindi pa din ako makapaniwala na mangyayari sa buhay ko yun. Kumalas na ako sa pagkakayakap kay Adalyn. Nag-aalala din si Adalyn sa akin. Nasa likod si Dylan at nakayuko. Wala si Emily.

“Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong ginawa nila sayo?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Adalyn at halata sa mukha niya ang pag-aalala.

“Wala naman. Pero s-sila Ehra at Violet. Hindi ko alam kung saan sila dinala.” alala kong sagot kay Adalyn. Nanginginig din yung kamay ko.

“Mga h*yop talaga sila. Mahuhuli din sila ng mga pulis. Huwag kang mag-alala Stella.” sabi sa akin ni Adalyn.

Umupo kami sa isang gilid na may mga hilerang upuan. Nandito kami sa clinic ng school ngayon at ginagamot yung mga natamo namin na sugat sa pagkakapukpok kanina. Tapos na akong gamutin. Hindi naman masyadong napuruhan yung ulo ko. Sila Pres Theo at Kio ay nasa loob pa at ginagamot pa din sila. Nag-aalala ako kay Kio kasi siya yung pinaka napuruhan sa amin.

Lumabas na din si Pres Theo at may takip ang sugat nito sa likod ng makapal na gasa. Medyo nanghihina pa din siguro siya kasi parang matamlay pa siyang lumakad.

“Pres Theo ayos ka lang?” tanong ko.

“Ayos lang. Nakita na ba si Luke? Ano na kayang nangyari sa kanila?” tanong ni Pres Theo.

“Hindi ko din alam eh. Pero mamaya iinterviewhin tayo ng mga pulis.” sabi ko sa kanya. Tumango lang si Pres Theo.

“Lalabas muna ako ah. May tatawagan lang ako.” paalam ni Pres Theo.

“Sige lang Pres.” sagot ko. Lumabas na si Pres. Kami naman ni Adalyn at nagtuloy na sa pag-uusap.

“Ayos ka lang ba talaga? Kailangan natin malaman kung sino talaga ang gumawa sainyo niyan.” sabi sa akin ni Adalyn habang sinusuklayan ang buhok ko.

“Talaga. At sisiguraduhin kong mananagot sila. P-pero sila at Violet.. Natatakot ako na baka kung anong mangyari sa kanila.” alala kong sabi. Tumingin sa akin si Adalyn at ngumiti.

“Huwag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama sa kanila. Sigurado akong mahahanap agad sila ng mga pulis.” sabi niya na ikinangiti ko. Kahit papaano ay nakagaan ng loob yung sinabi niya.

“Salamat Adalyn.” sabi ko atsaka ngumiti ulit. Pero napansin ko si Dylan na kanina pa tahimik at nakayuko. Ano kayang nangyari sa kanya? Nagtataka lang ako kasi kanina pa siya walang imik. Hindi man lang din siya nag-alala sa akin? Hindi naman siya nagsecellphone? Ano kayang nangyari? Nag-away nanaman ba sila?

“A-anong nangyari kay Dylan? Bakit kanina pa tahimik yan?” tanong ko kay Adalyn. Nilingon niya si Dylan saglit at pagtapos ay muli akong nilingon.

“A-ahhh. Wala naman. Baka nalulutang lang. W-wait lang kausapin ko lang siya saglit sa labas.” sabi ni Adalyn. Nagtataka ako. Bakit parang kinakabahan si Adalyn? Ano ba talagang nagyayari? Away nanaman ba?

Hinila ni Adalyn si Dylan patayo at lumabas. Pero nakayuko pa din si Dylan. Ano ba talagang nangyari dun? May sayad ba yun?

Pakinggan ko kaya sila?

Tama!

Lumabas ako at sinundan ko sila kung saan pumunta. Pumunta sila sa isang sulok at doon nag-usap. Nasa isang damuhan naman ako at nakikinig ng usapan nila. May pagkatsismosa din talaga ako minsan.

“Dylan! Umayos ka nga! Napapansin na ni Stella yang kalutangan mo!” sigaw ni Adalyn kay Dylan. Umangat ng ulo si Dylan.

“S-sorry..” sagot ni Dylan. Kumamot ng ulo si Adalyn.

“Sorry! Sorry nanaman? Anong magagawa ng sorry mo! Nagawa mo na diba? Wala ng magagawa yang sorry mo!” sigaw ni Adalyn kaya umalingawngaw na yung boses niya sa buong paligid.

“Sorry na nga... Sayo na yan.” pagkasabi nun ni Dylan ay may ibinigay siya kay Adalyn na isang... Lipstick? Bakit may lipstick si Dylan? Bading ba siya? Mas lalo akong nagiging interesado sa pag-uusap nila. Kinakabahan din ako kasi baka mahuli nila ako baka madamay pa ako.

Pero wait... Bakit hindi nalaban si Dylan? Tuwing nag-aaway sila ni Adalyn ay sinisigawan din ni Dylan si Adalyn. Minsan nga sinasaktan pa eh. Aba himala. Anong nakain ni Dylan? Or baka nagbago na siya siya?

“Anong sa akin na? Ikaw ang kumuha nitong lipstick ni Camilla!” pagkasabi nun ni Adalyn ay sobra akong nagtaka.

A-anong sinasabi niya? Lipstick ni Camilla? Ha? Hindi ko maintindihan.

“Sayo na yan. Kay Camilla yan eh tapos kinuha mo pa! Nawala yan nung nawala si Camilla tapos kukunin mo? Sira ka ba? Masyado kang pahalata!” nanlaki ang mga mata ko. Tinitigan ko ng mabuti ang lipstick na hawak ni Adalyn. Nanlaki pa ang mata ko ng mapagtanto na kay Camilla talaga yung lipstick. Napatakip ako ng bunganga ko para maiwasan na mapasigaw. Bumalik ako sa loob ng clinic.

Hindi ako makapaniwala. Bakit nasa kanila yun? Ayun yung lipstick na lagi naming hinihiram kay Camilla dahil siya lang naman ang may mga make ups, lipstick etc. Sa room kaya marami na din yung gumamit nun. Pero...

Hindi ako makapaniwala. Bakit na kay Dylan yun?

Napaupo ako ulit sa kinauupuan ko kanina at hindi ko pa din maintindihan ang nangyayari. Atsaka anong sinasabi ni Adalyn na masyado daw pahalata si Dylan? Bakit ano bang ginawa niya? Tsaka wala na daw magagawa yung sorry niya? Malala ata yung ginawa ni Dylan. At..

Yung lipstick na yun is nawala din nung nawala si Camilla, kaya imposibleng nasa kanila iyon.

Napapikit ako. Ano ba talagang nangyayari? What if...

May kinalaman si Dylan sa pagkawala ni Camilla? Kaya ba siya nakayuko at parang wala sa sarili kanina? Baka talaga may alam siya? Pero hindi ako dapat mag-isip ng ganito kasi imposible. Kaibigan namin si Dylan at buo yung tiwala namin sa kanya kaya imposible talaga.

Hindi ko alam ang gagawin ko? Atsaka sila Ehra? Nasaan na kaya sila? Bakit sila lang yung dinala ng mga kidnapper kanina? Pwede namang kasama ako kung target talaga nila kung mga babae talaga yung gusto nilang ikidnapped pero..

Bakit kaya hindi ako kasama?

Baka sila Ehra at Violet naman talaga ang pakay nila? Pero bakit? Pinukpok ko ang ulo ko gamit ang dalawang kamay ko. Andami kong tanong na gusto ko na din malaman yung kasagutan.
Hindi ko talaga alam.

Hindi ako makapaniwala na ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may itinatago pala sayo.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon