VIOLET POV
Nandito ako ngayon sa may parang garden ata. Basta maraming halaman at may mga bulaklak. Umupo ako sa isang upuan na gawa sa semento. Ang sarap ng hangin dito. Nakakarelax at nakakagaan ng loob. Nakakawala din ng takot at stress.
Natapos na ba? Kahit nahuli na si Nathan pero feeling ko hindi pa tapos. Paano si Emmerson at yung isa pang lalaking kasama nila na hanggang ngayon ay hindi ko pa din kilala. What if bumalik sila? Hindi ako kinakabahan pero baka saktan nanaman nila yung mga kaibigan ko.
Hindi ko talaga inaakalang may nababaliw sa akin. Akala ko nagagandahan lang sila. Syempre maganda nga ako diba kaya posible na may mabaliw sa akin. Pero grabe naman kung ganun yung gagawin niya. B*aliw na talaga siya.
“Ehem.” nagulat ako ng may boses na narinig sa likuran. Tumingin ako at nakita ko si Theo. Nakangiti sa akin at tinabihan ako sa pagkakaupo. Umurong naman ako konti dahil ayaw ko siyang dikitan. Bakit nandito nanaman siya? Baliw din talaga toh. Mang-aasar nanaman.
“Ang ganda ng mga bituin noh?” tanong niya.
“Alangan bituin nga diba? Maganda talaga yan.” sagot ko sa kanya pero hindi ko siya tinitigan. Nakatingin lang ako sa langit. Medyo malalim na yung gabi kaya naman ang ganda na ng mga stars at ng full moon.
“Ang ganda din ng full moon.” sabi niya pa. Nakakairita na itong lalaking toh.
“Maganda naman talaga yan dati pa.” sabi ko naman sa kanya.
“Kasing ganda mo.” nagulat ako nang sinabi niya yun. Ano ba kasing pinagsasabi niya. Kinakabahan ako na ewan. Bakit parang nakakaramdam ako ng kakaiba? Ano toh?
“Y-yes. A-alam ko naman na maganda ako since birth. H-hindi na kailangang ulit-ulitin pa.” hindi ko alam pero habang sinasabi ako ay kinakabahan ako.
“Kasing ganda mo talaga.” nagulat ako ng sabihin niya ulit yun. Naiirita na ako kaya naman tinitigan ko siya at sinamaan ng tingin.
“Nang-aasar ka nanaman ba?” inis kong tanong sa kanya.
“Of course not.” nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Kaba ba o kung ano. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
“Tumigil ka! Masasabunutan lang ulit kita!” pagbabanta ko sa kanya. Narinig kong tumawa siya ng mahina pero hindi ko pa din siya tinitigan.
“Alam mo Violet. Mas nakakaattract ka, kapag nanakit. Cute.” mas lalo akong kinabahan. Ano ba tong lalaking ito. Hindi ko magawang makagalaw. Ano ba kasing sinasabi niya?
“W-hat? A-no b-ang sinasabi m-mo diyan!” nauutal kong tanong sa kanya. Pero hindi pa din ako lumilingon. Bakit parang hindi ako talagang makagalaw? Nararamdaman kong ininilalapit niya yung katawan niya sa akin. Magkatabing-magkatabi na kami ngayon. Gusto ko pa sanang umurong pero mahuhulog na ako. Ang liit naman kasi ng upuan na toh!
“Violet..” nagulat nanaman ako ng tawagin naman niya ang pangalan ko.
“A-ano ba y-yon?” kaba kong tanong sa kanya pero may kasamang inis.
“Gusto kita.” pagkasabi niya nun ay halos mahulog na ako sa kinauupuan ko. Hala! Bakit ganito? Ano ba? Kabadong-kabado ako.
“H-ha? A-no bang s-sinasabi mo dyan? T-tigilan mo na yang pang-aasar m-mo.” saway ko sa kanya pero bakit nauutal ako? Hindi ko maintindihan.
“No. Seryoso ako Violet. I like you.” pagkasabi niya nun ay para na akong mamamatay. Bakit ba kasi ako kinakabahan? Ang lapit niya din kasi sa akin sobra. Please lang.
“Hindi ko alam kung bakit nagustuhan kita. Naiinis naman talaga ako dati sayo. Pero nung tumagal parang hinahanap -hanap ka na ng utak ko. Hindi kumpleto yung araw ko kapag wala ka. Kapag hindi mo ko inaaway.” dagdag niya pa.
Wait?
Namumula ba ako?
Hindi ko din alam. Pero feeling ko talaga namumula ako. Alam kong nakatingin siya sa akin. Hindi ako makatingin. P*ta! Ano ba toh?
“Gusto kita Violet. Sobra.” sabi niya ulit. P*tang Monkey Theo na toh! Bakit ba kasi paulit-ulit? Nilakasan ko na yung loob ko. Tumayo ako at humarap sa kanya.
“Oo na! Paulit-ulit? Hindi ako ulyanin okay? Alam ko na! Narinig ko!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko pinahalata na sobrang kabado ako. Nagulat ako ng tumayo din siya. Inilapit niya ang katawan niya sa akin kaya naman lumayo ako ng konti.
“Pwede ba akong manligaw?” nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Ano ba talaga toh? Nakatingin siya sa akin at ganun din ako. Feeling ko matutumba na ako.
“H-hindi k-ko alam!” sagot ko sa kanya sabay tumakbo palayo. Susmariyosep! Nakakahiya! Bakit yun yung sinagot ko? Nakakahiya talaga pero bakit?
Bakit ganito yung nararamdaman ko?
Nagconfess din sa akin si Emmerson pero never akong nakaramdam ng ganito. Bakit kay Theo lang? Bakit?
Huminto ako sa pagtakbo. Ano ba toh? Hinawakan ko yung dibdib ko sa sobrang kaba. Ang lakas ng tibok. Sasabog na ata. Ngayon lang ako nakaramdam nito.
Ano ba ito? Kaba ba talaga ito? Kaba o kilig? Kilig ba toh o kaba? Hindi ko alam!
Tinuloy ko yung pagtakbo ko. Bakit siya nagtatanong ng mga ganung mga bagay? Kaaway ko siya. Imagine na yung lalaking kabardagulan, kaaway at kabugbugan mo sa room eh magtatanong sayo kung pwedeng manligaw? Ano toh? K-drama?
Hindi naman ako prinsesa. Dahil reyna ako. Chariz. Pero sa buong buhay ko ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito. Anong ibig sabihin nito?
Nakarating na ulit ako sa Police Station. Bumungad sa akin sila Ehra, Stella at Luke. Tumayo si Ehra at parang nag-aalala.
“Violet anong nagyayari sayo? May masakit ba?” tanong niya.
“W-wala.” sagot ko.
“Tsaka bakit namumula ka?” tanong naman ni Luke. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Huwag na kayong magtanong! Gusto ko ng umuwi!” pagkasabi ko nun ay hinila ko na sila Ehra at Stella para makauwi na.
“Ihahatid ka na namin.” sabi ni Ehra.
“Kaya nga. Ano ba kasing nangyari?” tanong nanaman ni Stella. Pero ayoko nang sagutin yun.
Gusto ko nang magpahinga dahil sobrang daming nangyari sa araw na ito. Hindi ko alam pero parang ayoko na lumapit kay Theo.
Maybe, dahil sa huli niyang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
DON'T
Misteri / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...