CHAPTER 48

14 5 0
                                    

                         EHRA POV

“Wala tayong mapapala kung hindi tayo kumilos.” sabi ni Pres Theo habang inaayos yung mga gamit niya. Lumabas kami ng tent at kinuha namin yung mga gamit namin. Kumuha na din kami ng mga importanteng gamit na pwede naming magamit gaya ng flashlight, pagkain at kung ano-ano pa. Naiiyak lang ulit ako kapag nakikita ko yung mga kaklase kong nakabulagta at duguan.

“Okay na siguro ito.” sabi ko. Itinali ko yung sapatos ko dahil tanggal yung sintas nito.

“Tara na guys.” yaya ni Pres Theo. Sinimulan na naming maglakad. Bawat isa sa amin ay may mga dalang flashlight at mga bag. Kinakabahan nanaman ako habang naglalakad. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Luke yung kamay ko. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Napatingin din siya sa akin.

“Pampakalma.” sabi niya. Ngumiti naman ako at itinuloy na yung paglalakad. Mabagal lang kaming lumakad at iniilawan yung bawat nadadaanan namin.

“Saan natin mahahanap si Mang Lorenzo?” tanong ni Stella.

“Hindi ko alam.” sagot ni Pres. Nagtataka lang ako. Saan naman kaya pumunta si Mang Lorenzo?

“Saan ba pumunta si Mang Lorenzo? Bakit hindi siya bumalik?” taka kong tanong.

“Ang sabi niya mag-iikot lang siya saglit. Sinabihan naman namin siya ni Sir Gomez na baka maligaw siya pero ang sabi niya sa malapit lang daw siya.” paliwanag ni Pres. Kaya pala hindi na siya nakabalik. Baka tuluyan na siyang naligaw? Nasaan naman kaya siya ngayon? Nag-iikot pa din ba siya? Yan kasi, sinabihan na pala siya eh hindi pa din siya nakinig. Matanda na kasi si Mang Lorenzo kaya naman medyo mahina na ang memorya niya.

“Oh my gosh. Tingnan niyo guys.” sabi ni Stella na may itinuro. Napatingin naman agad kami. Isang bahay. Lumang bahay. Tinitigan ko ng mabuti yung bahay. Parang haunted. Kinabahan nanaman ako.

“What the? Meron palang ganyan dito sa gubat?” sabi ni Kio.

“Tara guys, silipin natin.” anyaya sa amin ni Pres. Naglakad ulit kami papunta sa may lumang bahay.

“Ah!” napasigaw ako ng bigla akong matapilok kaya naman napaupo ako sa lupa.

“Ehra ayos ka lang?” alalang tanong ni Luke na umupo sa tabi ko.

“Anong nangyari?” tanong naman ni Stella.

“Hindi, ayos lang ako.” sagot habang minamasahe yung paa ko na natapilok. Ang sakit. Parang hindi ata ako makatayo.

“Makakatayo ka ba?” tanong ni Luke.

“Oo. Kakayanin ko pa naman.” pagkasabi ko nun ay pinilit kong tumayo pero sobrang sakit talaga at hindi ako makatayo.

“Ehra. Tulungan ka na namin?” sabi Pres pero umiling ako.

“Huwag na Pres. Siguro ipapahinga ko lang saglit ito. Mauna nalang kayong pumasok sa lumang bahay. Susunod na ako.” sabi ko habang hinahawakan ko yung paa ko. Kaliwang paa ko yung natapilok.

“Sure ka?” tanong ulit ni Pres. Tumango naman ako.

“Sasamahan muna kita.” sabi naman ni Luke. Tumingin ako sa kanya.

“Ano ka ba Luke. Kaya ko na. Sumama ka na. Susunod agad ako.” sabi ko sa kanya.

“No. Sasamahan kita.” pagpupumilit niya. Wala naman akong nagawa.

“Ehra mauna na kami ah. Sumunod ka.” sabi sa akin ni Stella. Ngumiti naman ako sa kanya.

“Oo naman. Sige na.” paalam ko sa kanya.

“Luke bantayan mo si Stella ah. Kapag may nangyaring masama sa kanya. Bubugbugin kita.” pananakot ni Stella kay Luke. Ngumiti si Luke.

“Oo naman.” sagot ni Luke.

“Tara na guys.” anyaya sa kanila ni Pres. Unti-unti silang naglakad papalayo sa amin. Hindi ko alam pero parang masama ang kutob ko. Minasahe ko ulit yung paa ko.

“Ayos ka lang ba talaga?” tanong ni Luke.

“Oo nga. Kaya toh. Ako pa.” sagot ko. Minasahe niya din yung paa ko pero tinanggal ko yung kamay niya kasi masakit.

“A-aray Luke!” sabi ko sa kanya habang namimilipit sa sakit.

“S-sorry..” sabi ni Luke sabay kamot ng ulo.

“O-okay lang.” sagot ko sa kanya. Tumahimik ng ilang segundo. Minamasahe ko pa din yung paa ko para medyo mawala yung sakit.

“E-ehra..” napatingin ako kay Luke ng bigla niyang tawagin yung pangalan ko.

“Bakit?” tanong ko.

“A-alam mo ba?” tanong niya pa. Napakunot naman ako ng noo.

“Anong alam?” taka kong tanong.

“Alam mo ba na gusto kita?” tanong niya at halatang kabado siya. Napangiti ako. Buti naman at umamin na siya.

“Matagal na Luke. Matagal ko ng alam.” sagot ko sa kanya. Siguro nahahalata niya na din ako na alam ko na yung nararamdaman niya para sa akin.

“M-matagal na talaga?” tanong niya pa.

“Matagal na. Inaantay lang kitang umamim Luke dahil alam kong hindi ka pa ready para umamin.” sagot ko ulit sa kanya. Napangiti siya.

“G-galit ka ba?” nagulat ako sa tanong niya. Ako galit? Bakit naman ako magagalit?

“A-ako? Magagalit? Bakit naman? Eh hindi mo naman kasa-” hindi ko naituloy yung sasabihin ko nang may marinig kaming may paparating. Nanlaki ang mga mata ko.

“Ehra, magtago tayo!” tarantang sabi ni Luke. Inalalayan niya ako sa patayo at pumunta kami sa likod ng isang puno. Sino kaya yung paparating? Sinilip ni Luke yung padating. Nanlaki yung mga mata niya. Sino kaya yun?

“Sino yan Luke?” mahina kong tanong sa kanya.

“Sh*t.” mahinang mura ni Luke. Sino kaya yung padating?

“Sila Emmerson.” nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Sila Emmerson?

“Patay. Mukhang papunta sila sa lumang bahay.” nanlaki pa yung mga mata ko sa sinabi niya. Sinilip ko na din sina Emmerson. At tama nga! Papunta sila sa lumang bahay. Kaya pala masama yung kutob ko kanina kasi diyan pala nagtatago sila Emmerson. Bakit ba paborito nila yung mga lumang imprastaktura.

Kinakabahan ako ng sobra. Pumasok sila Stella dun. Baka may mangyaring masama sa kanila. Palayo na sila Emmerson sa amin. Muli akong tumingin kay Luke.

“Luke anong gagawin natin? Nandoon sila Stella. Baka may mangyaring masama sa kanila?” alala kong tanong kay Luke.

“H-hindi ko alam.” tarantang sagot ni Luke. Hindi ko din alam yung gagawin. Hindi ko din sila basta mapupuntahan dahil masakit pa yung paa ko.

“Luke. Gumawa ka ng paraan. Puntahan mo sila. Tulungan mo sila.” utos ko kay Luke na ikinatingin niya.

“Ano? Paano ka? Hindi kita iiwan.” nainis ako sa sagot niya. Ako pa din yung iniisip niya kahit nasa panganib na yung iba naming mga kaibigan. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Luke bilis na! Mapapahamak sila! Ayos lang ako. Kaya ko mag-isa. Bilisan mo na!” utos ko sa kanya. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko.

“E-ehra..” sabi pa niya. Naiinis ako. Ang dami niya pang sinasabi. Bilisan niya na!

“Luke ano ba? Bilisan mo na!” sigaw ko sa kanya.

“E-ehra. Dito ka lang. Huwag kang aalis diyan. Mag-iingat ka.” pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos ay kumaripas na siya ng takbo.

“Mag-iingat ka Luke!” sigaw ko sa kanya pero hindi niya na ata narinig at tuloy lang siya sa pagtakbo.

“Mamahalin pa kita....” mahina kong sabi.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon