CHAPTER 40

18 5 0
                                    

                         VIOLET POV

Lumayo ako mga sa plastik. Ayokong makita yung mga plastik! Nakakainis. Wala akong pakialam sa kanila. Akala ko pa naman kaibigan ko si Adalyn yun pala plinaplastik niya lang din ako katulad ni Emily. Nakakainis. Ang sarap nilang tirisin.

“Ganyanan pala ah.” nasabi ko sa sarili ko habang naglalakad. Ang sama ng loob ko. Bakit niya ako pinapaalis sa tropa? Eh kahit pasaway akong tao, hindi ko naman sila tinatalikuran at tinuturing ko naman silang parang kapatid na din. Mga walang utang na loob. Pero bakit? Bakit naging ganun si Adalyn? Bakit niya yun nasabi? Trip nya lang ba o totoo talaga? Totoo talaga yung mukha niya kanina at parang hindi siya nagbibiro kaya naman tinanggap ko nalang.

Hindi ko naman alam na marami na pala akong nasasaktan. Hindi ko alam na marami na palang nadadamay dahil sa akin. Edi sorry! Sorry sa kanila! Wala akong kwenta! Masama akong kaibigan kaya ipinagtatabuyan nila ako!

Hindi ako galit kay Stella at kay Ehra dahil wala naman silang kinalaman dun. Hindi ko lang talaga maintindihan. Hindi naman talaga ganun si Adalyn. Pero bakit?

Hindi ko alam kung nasaan na ako. Medyo malayo na din ata yung narating ko. Umupo muna ako sa isang buhay na bato. Pinigilan kong umiyak. Nagmumuni muna ako. Madilim sobra pero nakakakita pa naman ako dahil may buwan pa naman. Naririnig ko yung mga kuliglig at mga hayop na gumagala sa paligid. Ang saya palang maging mag-isa. Masarap pala sa pakiramdam mag-isa.

“Violet. Ayos ka lang?” nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Nakita ko si Pres Theo na papalapit sa akin.

“B-bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.

“Sinundan kita. Ayos ka lang ba?” sabi niya. Nakakainis tong lalaking toh. Mukha ba akong ayos?

“Ay opo! Ayos lang ako. Umiiyak ako kasi ayos lang ako! Kapag umiiyak ako ibig sabihin nun ayos ako! Nakakainis, nagtatanong pa.” sigaw ko sa kanya.

“S-sorry naman.” sagot niya sabay kamot ng ulo. Bakit ba kasi siya nandito?

“Umalis ka na nga! Gusto kong mapag-isa!” sigaw ko ulit sa kanya. Tumingin siya sa akin tapos ngumiti. Nakakainis! Bakit nangiti pa siya diyan? Suntukin ko siya e!

“Okay. Pero kung kailangan mo ng magcocomfort sayo. Nandito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo.” sabi niya sa akin. Tumingin lang ako ng masama sa kanya. Ang dami niyang dada.

Umalis na din siya pagkatapos. Ngayon mag-isa nanaman ako. Tumingin ako sa langit. Ang ganda ng mga bituin at buwan. Naalala ko tuloy yung sabi ni Theo na kasing ganda ko sila. Pero nawawala yung gandang iyon sa tuwing makulimlim at umuulan. Ang ibig sabihin nun. Kasing ganda ko yung mga bituin pero nawawala ito kapag umuulan. Kapag nalulungkot ako.

Kasing ganda ko din yung buwan. Siguro nga yung buwan yung puso ko. Kasi kahit maging malungot ako. Hindi nawawala yung kabutihan sa puso ko. Natawa ako saglit. May kagandahan ba yung puso ko?

Aalis na sana ako ng biglang may humampas sa ulo ko.

“Ah!” napasigaw ako sa gulat at sakit. Napahiga ako at nandilim yung paningin. Hindi ko na makita masyado yung paligid. Hindi ko alam kung sinong pumokpok sa ulo ko pero ramdam ko yung sobrang sakit.

Nandilim na ng tuluyan yung paningin ko. Hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari.



                           KIO POV

“Nasaan si Violet?” seryoso kong tanong kay Theo. Nakasalubong ko siya. Susundan ko sana si Violet pero hindi ko nakita kung saan siya pumunta. Nakasalubong ko si Theo at alam ko na galing siya kay Violet.

“Bakit? Anong gagawin mo? Magpapasikat ka?” sagot ni Theo. Natawa naman ako. Anong akala niya sa akin pabida? Hindi ako katulad niya.

Ganito kasi yung nangyari kanina sa tent. Nagkwentuhan kami nila Pres, Luke, Jhairone at Dylan. Napag-usapan namin yung tungkol sa mga crush namin. Kung sino yung nagugustuhan namin. Nasabi nga ni Luke na matagal na siyang may gusto kay Ehra. Tapos si Pres na may gusto kay Violet. Nasabi ko na din yun kanina kaya nagkainitan na kami. Nakipagtawanan lang ako sa kanila kanina sa laro dahil nga inaasar si Pres. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na ako nakikipagkumpitensya kay Violet.

Atsaka mula ngayon wala na din akong galang sa kanya. Theo nalang ang itatawag ko. Sino ba siya para igalang pa?

“Hindi ako katulad mo bro. Lumalaban ako ng patas.” sagot ko sa kanya.

“Oh! Kailan ka pa lumaban ng patas? Hindi ko matandaan kung kailan nga ba?” tanong niya sa akin ng may pang-aasar.

“Hindi mo na ba matandaan? Gusto mong ipaalala ko sayo?” sagot ko sa kanya.

“Kio. Ayokong masira yung pagkakaibigan natin ng dahil lang kay Violet. Pero kung ikaw mismo yung sisira. Hindi ako magdadalawang isip na sirain ka din.” pagkasabi nun ni Theo ay umalis na siya. Binunggo pa ako ni g*go.

Tinuloy ko na yung paghahanap kay Violet. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Hindi naman sa akin sinabi ni Theo.

Wala akong pakialam kung masira ko yung pagkakaibigan namin. Atsaka natagal ng selfish yan si Theo. Hindi ko lang pinapansin dahil nga kaibigan ko siya. Pero kung kailangan ng maging selfish eh gagawin ko. Minsan lang ako magkagusto ng ganito. Unlike kay Shontelle na ex ko. Iba si Violet sa mga nagustuhan kong mga babae.



                        STELLA POV

Ang sarap ng hangin. Sobrang sarap magpahangin. Kung hindi lang ako nasasaktan ngayon eh baka kanina pa ako nagsisigaw dito dahil sa sarap sa pakiramdam ng hangin.

Nandito ako sa labas ng tent namin ngayon. Nakaupo at umiiyak. Nakatulog na si Ehra kanina. Cinomfort niya ako pero nakatulog agad siya. Masyadong antukin iyong babaeng yun.

Nakatingin ako sa kawalan. Iniisip yung nangyari kanina. Ang sakit sobra. Hindi ako nagseselos at nasasaktan sa ginawa kanina ni Ehra kay Kio kasi alam ko naman na part lang yun ng laro. Pero... Sobrang nasasaktan ako na malaman na yung taong gustong-gusto ko ay kaibigan ko pala ang gusto.

Hindi ako galit kay Violet. Wala naman siyang kasalanan na gusto siya ni Kio. Pero..

Bakit hindi ako?

Ginawa ko naman ang lahat para mapalapit at mapansin niya pero bakit hindi ako? Hindi ba ako kapili-pili? Last choice ba ako?

Naiiyak ako ng sobra. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko ngayong gabi. Gustong kong iparamdam sa buong gubat na ito kung gaano ako nasasaktan. Kung gaano ako nahihirapan.

Ang swerte ni Violet. Kahit ganun siya eh marami pa ding nagmamahal sa kanya. Hindi ko naman kasalanan na hindi ako kapili- pili. Dapat pala hindi ko na hinangaan si Kio. Sana hindi ko nalang siya nagustuhan. Sana hindi ko nalang siya pinatawad sa ginawa sa akin dati. At sana hindi ko nalang siya minahal...

Kung alam ko lang na ganito lang kasakit yung mangyayari sa akin. Sana pinigilan ko nalang yung sarili ko na mahulog sa isang katulad ni Kio Gujelda.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon