EHRA POV
Nakaupo na kami ngayon sa upuan. Nasa isang silid kami ngayon ng guidance office. Nasa harap namin ngayon ay G9 Councilor na babae. Tapos nakatayo sa tabi niya yung teacher na umawat sa amin kanina. Nakaupo kami sa harapan nila pero magkahiwalay yung grupo namin sa grupo nila Ashley. Nasa left side sila then kaming tatlo naman nila Stella at Emily ay nasa right side.
“Ano nanaman ba ito section A? Gumawa nanaman kayo ng gulo? Ilang beses na ba naming sasabihin na huwag na kayong gagawa ng gulo. Tapos ito nanaman? Hindi pa nga tapos dito sa guidance, dadagdag pa kayo?” sermon sa amin ng Councilor.
Nakayuko lang kaming tatlo nila Stella at Emily.“Sinong nag-umpisa?” tanong ng Councilor. “Sila po maam.” napataas kami ng mga ulo ng sumagot nanaman itong bruhang Ashley na ito.“Hoy! Anong kami? Wala nga kaming ginagawa sa inyo.” sagot ko sa kanila. Hindi naman talaga kami yung nauna. Sila naman talaga yung mananaray at makikipagsagutan sa amin. Ginantihan lang namin sila.
“Sino ba talaga?” tanong ulit ng Councilor. “Sila po maam.” sagot naman ni Stella. “Opo maam. Gumanti lang kami.” sagot naman ni Emily.
“No! Ginagawa niyo ba kaming sinungaling?” painosenteng tanong ni Ashley.
Painosente pa siya. Sinungaling naman talaga sila. Nagpapavictim pa sila eh mukha naman silang kriminal. Atsaka bakit ba pinipilit nilang kami yung nauna? Magpapabida nanaman sila?
“Kung walang aamin sa inyo. Ipapatawag ko ang mga magulang nyo bukas.” pagkasabi ng Councilor nun ay nakaramdam ako ng kaba. Ayokong mapatawag si mama. First time kong magkakarecord sa guidance. Ayaw pa kasi umamin ng mga impakta na ito!
“Umamin na kasi kayo! Kayo naman talaga yung nauna!” sigaw sa kanila ni Emily. “What? Kayo talaga yun! Isumpa man kami.” pavictim nanaman itong si Zoey. Talaga nga naman oh. Ayaw talaga nila umamin. May isumpa sumpa pa silang nalalaman. Ay! Sana nga talaga isumpa sila! Mga sinungaling.
“Okay. Kung hindi natin maaayos ito. Ipapatawag nalang ang mga magulang nyo. Kailangan dala niyo ang mga magulang niyo bukas.” utos ng Cuoncilor sa amin.
“What? Hindi naman kami yung nauna tapos ipapatawag yung mga parents namin? That's unfair!” sigaw ni Ashley na tumayo. Luh? Ang galing niya naman umacting? The best talaga! Talagang pinipilit niya na kami yung nagpasimuno kahit sila naman. Lumabas ng guidance si Ashley at nagdadabog pa. Sumunod sa kanya si Zoey. Bastos talaga yung mga babaeng iyon.
Tumayo na din kaming tatlo pero syempre nagpaalam muna. Hindi naman kami bastos, hindi gaya ng dalawang bruha na yun. Nung lumabas kami sa silid ay wala na kaming nadatnang mga tao. Wala na sila Violet. Maging si Sir Gomez. Tahimik lang kaming lumabas ng guidance. Hanggang sa makalabas na kami.
“Ano ba yan! Nakakainis talaga! Mapapatawag pa tuloy si mama sa mga kagagawan nila!” reklamo ni Stella habang kinakamot yung ulo niya. “Humanda lang sila kapag napatunayan talagang wala tayong kasalanan. Sila yung nambubuhos ng iced coffee diyan.” sabi naman ni Emily.
Hindi ako makapagsalita. Ano nalang ang sasabihin ni mama? Naawa ako kasi nagsisikap siyang pag-aralin kami ni kuya tapos mapapatawag pa siya. Ayokong isipin niya na ganito lang yung ginagawa niya sa school.
“Guys, puntahan ko muna si Luke sa clinic.” paalam ko sa kanila. “Puntahan? Huy, may klase tayo ngayon. Baka maabsent ka niyan.” sabi ni Stella. “Okay lang yan. Sisilipin ko lang naman si Luke. Babalik din agad ako.” nakangiti kong sabi.
“Sige, mag-iingat ka.” paalam nila sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila tsaka umalis na. Bumalik na din sila sa room kasi second subject na namin ngayon. Si Sir Gomez yung first subject pero dahil nga sa kaguluhan kanina eh hindi na nakapagturo si sir ng A.P.
Papunta ako ngayon sa clinic nang biglang may tumapik sa balikat yun. Medyo nagulat at kinabahan ako kaya agad akong tumingin sa likod para tingnan yung tumapik.
“Nathan? Ikaw pala yan? Akala ko naman kung sino.” sabi ko sa kanya habang humihinga ng maluwag. “Kamusta na?” nakangiti niyang tanong sa akin. “Okay lang naman. Ikaw?” nakangiti ko din na sagot sa kanya. “Eto. Busy dahil tatakbo ng SSG President.” nagulat ako ng sinabi niya iyon. Tatakbo din pala siya? So meaning to say, makakalaban niya si Pres Theo? Tatakbo din si Pres Theo ng SSG eh.
“Tatakbo ka din pala? Edi magkalaban kayo ni Pres Theo?” tanong ko sa kanya. “Ganun na nga. Iboboto mo ba ako?” tanong niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Aba! Bakit naman kita iboboto? Hindi pa nga kita masyadong kilala. Bigla ka na nga lang nasulpot. Hindi ko nga alam kung magkaibigan na ba tayo?” sermon ko sa kanya. “Hindi pa ba tayo friends?” tanong nito sa akin.
“Sira ka ba? Hindi pa kita kilala masyado tapos friends agad? Siyempre kilalanin muna ang isa't isa.” paliwanag ko sa kanya. Dapat naman talaga kilalanin muna yung mga ugali ng bawat isa. Hindi porket magkakilala na kami, magkaibigan na agad. Iba ang kakilala sa kaibigan.
“Anong gagawin natin ngayon?” tanong niya na ipinagtaka ko naman. “Anong gagawin? Pinagsasabi mo diyan? Edi bye na. May punpuntahan pa ako.” paalam ko sa kanya. Akma na sana akong aalis ng bigla niya akong hilain para pigilan. Tumatawa siya. Hindi ko naman kasi maintindihan.
“No, haha! I mean, anong gagawin natin para maging magkaibigan at magkakilala pa.” nakangiti niyang sabi. Nagets ko naman agad. May pagkalutang talaga ako paminsan-minsan.
“Ahh.. Edi mag-usap lagi. Sabi mo nung nakaraan magchachat ka sa akin kasi pababayaran mo yung paghatid mo sa akin sa ospital. Wala ka namang chat.” sumbat ko sa kanya.
“Ay! Oo nga pala. Sorry i forgot. May kabayaran pa pala yun. So....” nakangiti niyang sabi. Napakunot noo naman ako. Nakalimutan niya agad yun? Sana pala hindi ko na ipinaalala.
“How about Friday kaya? Pwede ka?” tanong niya sa akin. Nag-isip ako ng saglit. Wala naman akong gagawin this Friday kaya okay lang.
“Okay lang, g ako diyan.” sagot ko sa kanya na ikinangiti niya naman. “Sige alis na ako ah. May kailangan pa akong gawin. Sa Friday ah.” pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Nginitian ko naman siya at kumaway. Mukha siyang ecxited. Siguro maggagala or mag-uusap lang kami niyan. Para na din mas lalong magkakilala.
Umalis nanaman siya. Bakit ang ikli lang palagi ng pag-uusap namin? Ano bang ginagawa niya? Well, baka busy din siya dahil tatakbo siya ng SSG.
Hindi naman sa hinuhusgahan ko si Nathan. Bakit kasi parang ang wierd niya? Oo mukha naman siyang mabait si Nathan at mukha din namang mapagkakatiwalaan. Pero parang ang wierd kasi ng mga kilos niya. Tapos pasulpot-sulpot pa siya.
Ano ba ang meron sa lalaking ito para mag-overthink ng ganito? Meron ba talaga akong dapat iwasan kay Nathan?
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...