EHRA POV
So? Kanino nga yan?” tanong pa ni Pres Theo sa amin. Biglang tumayo si Violet. Lumapit siya kay Pres Theo at sinamaan ito ng tingin.
“It's none of your bussiness. Chismoso ka talagang h*nayupak ka!” inis na sabi ni Violet.
“Whoa, calm down. Nagtatanong lang yung tao eh.” sabi ni Pres Theo pero parang mapang-asar pa yung tono ng boses niya.
“Umalis ka nga! Bakit ka nandito? Magpasikat ka kay Sir Gomez, tutal yun lang naman yung kaya mong gawin para magkahonor ka! B*tch!” pagkasabi nun ni Violet ay nagulat ako ng itapat nya sa mukha ni Pres Theo ang middle finger niya.
“Whoa! Your so...” nakangiti pa itong si Pres eh naiinis na nga sa kanya si Violet. Ayaw niya pang umalis. Tumayo ako at inawat ko na si Violet. Inalis na ni Violet ang daliri niya sa mukha pero tinarayan niya pa si Pres. Aba! Ngumiti pa ulit si Pres.
Hindi ko alam kung kakayanin kong makasama itong dalawang baliw na ito.
Lagi nalang silang nag-aaway na parang mga aso at pusa.
“Okay fine. Aalis na ako at baka kung ano pa ang magawa mo sa akin. Atleast nakakuha ako ng ebidensya.” ngumisi si Pres Theo pagkasabi niya nun. Nagtaka naman kami ni Violet.
“H-ha?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay kay Violet naman.
“Kay Camilla pala iyang sapatos na iyan? Hindi nyo man lang sinabi sa pinakapogi ninyong president?” pagkasabi niya nun ay nag-acting siya niya inaayos niya yung buhok niya. Susuntukin na sana siya ni Violet pero inawat ko siya. Hindi ako makapaniwala na alam niya pala yun? Pero paano?
“B*tch! Paano mo nalaman yun? Walang hiya ka talagang lalaki ka! Napakachismoso mo!” sigaw ni Violet sa kanya. Pinakalma ko siya dahil baka may makarinig pa sa aming ibang tao.
“Syempre matalino ako eh. Lagi akong updated sa mga nangyayari. Ako kaya ang pinakapoging president!” sabi ni Pres Theo habang humahalakhak na sa tawa. At pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya sa amin para umalis.
“Bye girls!” paalam niya sa amin habang kinakaway pa ang isa niyang kamay. Nagulat ako ng biglang tumakbo si Violet kay Pres Theo at..
Sinabunutan niya ito!
“Ouch! Ouch! Aray! Stop it!” pagpupumiglas ni Pres pero patuloy pa din siyang sinasabunutan ni Violet. Tumakbo ako papunta kay Violet para awatin pero nung aawatin ko na siya ay bigla niya akong sinamaan ng tingin. Napahinto din ako.
Iniharap niya sa kanya si Pres Theo at kinuwelyuhan niya ito. Inilapit niya ang kanyang mukha at talagang galit na galit si Violet.
“Tandaan mo Theo. Sa oras na may makaalam nito. Sisiguraduhin kong ikakalat ko lahat ng mga kag*guhan mo!” seryosong sabi ni Violet sa kanya. Pero imbis na matakot eh tumawa lang si Pres Theo.
“Theo! Kinakausap kita ng maayos! Huwag mo akong pagtatawanan!” mas humigpit pa ang pagkakakwelyo ni Violet kay Pres. Namumula na si Pres ngayon. Sigurado akong nang dahil sa pagkakasabunot sa kanya yun. Natatakot na din ako sa ginagawa ni Violet.
“Violet please tumigil ka na. Baka may makakita pa sa atin dito. Please.” pagmamakaawa ko sa kanya. Pagtapos kong sabihin iyon ay binitawan niya na si Pres. Pumunta siya sa akin habang nagpapagpag ng kamay. Nakita ko si Pres Theo na nakaupo ngayon. Tiningnan ko yung mukha niya pero..
Ngek! Bakit siya tumatawa? Ang sakit ng ginawa sa kanya ni Violet ah? Bakit nakangiti pa din siya? Baliw ba ang president namin?
“Sinasabi ko sayo Theo. Umayos ka. Siguraduhin mong tayong tatlo lang ang makakaalam nito. Hindi mo naiintindihan itong ginagawa ko para sa mga kaibigan ko.” sabi ni Violet. Pagkasabi ni Violet nun ay umalis na siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero baka uuwi na. Hindi pa nga kasi siya nakauwi at madungis na din siyang tingnan. Tumingin ulit ako sa direksyon ni Pres Theo na dahan-dahang tumatayo. Nakangiti pa din talaga siya. Oh my gosh! Baka baliw talaga siya!
“O-okay ka l-lang pres?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at sumagot.
I'm okay. Don't worry sa nalaman ko kanina. Sisiguraduhin kong hindi ko ipagkakalat iyon. Promise.” pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Nagtitiwala sa akin si Violet kaya naman hindi ko din sasayangin ang tiwala niya.
Pumunta na ulit ako sa faculty para makibalita na sa mga pulis. Nadatnan kong kinakausap ng mga pulis si Sir Gomez kaya naman umupo muna ako sa tabi ni Stella.
“Nasaan si Violet?” bulong sa akin ni Stella. “Umuwi na siya.” sagot ko naman. “Umuwi na agad siya pagtapos niya magdrama?” napatingin kami kay Emily na nakikinig pala sa amin.
“Shhh. Huwag ka ngang ganyan. Malungkot lang yung tao” sabi sa kanya ni Stella. Sumimangot lang si Emily at nagcellphone nalang.
Nakatingin ako kay Pres Theo ngayon na umaacting na parang walang nangyari. Nag-uusap usap sila nila Luke at Kio. May tiwala naman ako kay Pres pero bakit kinakabahan pa din ako? Hindi ko naman din kasi alan kung anong plano ni Violet. Hindi pa naman kasi kami tapos mag-usap kanina, dumating lang bigla si Pres na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin.
Atsaka tungkol sa sapatos na nakita ni Violet. Sure din talaga ako na kay Camilla yun. Iyon yung sapatos na suot lagi ni Camilla. Hindi ako makapaniwala na si Violet talaga yung nakakita nun. I mean, sa dami ng tao eh siya pa talaga yung nakakita nun. Kung ako sana yung nakakita nun, baka ibigay ko nalang yun sa mga pulis.
“Salamat din po.” natigilan ako sa pagmumuni ng narinig kong nagpasalamat na si Sir sa mga pulis. Umalis na din sila. Hinarap naman kami ni Sir.
“By the way guys. Iisang killer lang talaga ang may kagagawan ng mga pagkawala at pagkamatay dito. Yung last victim na si Olivia Samson na natagpuang patay sa C.R ay isa lang din daw ang mga kagagawan nun. Mag-iingat kayong lahat dahil hindi natin alam kung sino ang killer. Teacher ba? Student or staff ng school.” paliwanag ni Sir.
“And i forgot to mention na may babae daw na namataan sa school kagabi. Hinabol daw ng mga guard papuntang likod ng school. Tinitingnan pa nila kung may kinalaman yung babae sa mga pagkamatay at pagkawala ng mga tao dito.” pagkasabi nun ni Sir ay napaisip ako.
Diba naiwan si Violet sa school kagabi? What if siya yung nahuling tumatakbo kagabi? Baka mahuli siya at mapagbintangan.
Pinigilan ko ang bugso ng damdamin ko. Kinakabahan na talaga ako sa mga pinaggagawa ni Violet. Hindi ko alam kung pagtulong pa ba yung ginagawa niya o panggugulo na. Wala akong maintindihan.
Gusto ko lang naman tumulong pero bakit parang mas lalong gumugulo? Si Violet? Baka mapahamak siya? Hindi lang ako ang kinakabahan sa mga kagagawan niya.
Baka kasi sa halip na makatulong kami, baka kami pa ang maging dahilan ng mas pagkakagulo pa ng lahat.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...