CHAPTER 4

47 8 0
                                    

                           EHRA POV

Break time na. Mag-isa ako ngayon dito sa canteen at kumakain sa isang table. May pinuntahan si Stella eh. Kasama nya sila Emily at Camilla. Sinasama nila ako pero ayoko dahil pagod na ako at nagugutom na din. Sila Dylan at Adalyn naman ay dun sa kabilang canteen kumakain. Apat lahat ng canteen sa school namin. Isa para sa mga senior at tatlo para sa mga junior.

Hindi ko naman alam kung nasaan sila Luke, Violet at Adalyn. Kaya eto ako ngayon nag-iisa.

Nagulat ako nang may lalaking lumapit sa akin. Nakangiti ito.

“Pwede makiupo?” tanong nito. Ngumiti din naman ako at tumango.

Maputi ang lalaki at matangkad. Para syang artista o sumasali sa mga contest. Hindi ko siya nakikilala pero baka nakikita ko na din sya dati. Hindi ko lang matandaan. Dahil na din sa curious ako ay ako na ang nagtanong ng pangalan nya.

“Pwede ba malaman yung name mo?” tanong ko dito. Tumigil sya sa pagkain then ngumiti saakin bago sumagot.

“Nathaniel. Nathaniel Flores. Pero just call me Nathan para mas short. Galing akong section C.” pakilala nito sa akin.

“Ako naman si Ehra. Sa section A naman ako.” sagot ko sa kanya.

“Ohh.. So matalino ka pala?” tanong nito.

“Ah. Hindi naman gaano. Atsaka hindi naman porket section A eh matalino na lahat dun.” sagot ko. Hindi naman kasi porket nasa section A ko eh matalino na ako. Oo first section yung A pero hindi ibig sabihin nun ay puro with honors na kami. Maraming nangongopya dun katulad nalang nila Violet, Emily, Camilla at yung magjowa. Ako din naman minsan eh nangongopya.

“Ahhhh.. Gusto mo bang sumali sa club namin?” tanong nito.

“Club? Anong klaseng club?” kunot noo kong tanong.

“Math club. Hindi naman sa namimilit ako pero kulang kami sa members and.. Pleasee sumali ka na.” pagmamakaawa nito sa akin.

“Pag-iisipan ko.” sagot ko. Ngumiti lang  sya saakin then tinuloy na namin yung pagkain namin.

Maya-maya ay tumunog yung cp ni Nathan. Sinagot nya ito. Nag-usap sila ng mga ilang minuto at pagkatapos ay nagpaalam siya sa akin.

“Bye Ehra, may kailangan pa akong gawin. See you later.” nakangiti nitong paalam sa akin.

“Bye.” paalam ko din sa kanya. Umalis na siya pero dala nya pa yung pagkain na kanina nya pa kinakain. Ang cute nya kung titingnan. Matakaw na cute.

Kakain na ulit sana ako nang magulat ako ng may biglang may nagsalita sa aking likuran.

“Sino yun?” malamig yung boses na parang galit. Tumalikod ako para tingnan kung sino iyon. Nagulat ako nang makita ko si Luke.

“Ahh! Ikaw pala yan Luke. Si Nathan yun, taga-section C.” nakangiti kong sagot.

“Alam ko.” nakasimangot nyang sagot.

“Sira ka ba? Magtatanong ka tapos alam mo naman pala. Edi da-” hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang ihagis nya saakin yung isang supot.

“Binilihan kita. Eat well.” nakasimangot nya pa ding sabi sa akin. Pagkatapos nun ay umalis na sya.

Kinuha ko yung supot then tiningnan ko yung laman. Tatlong junk food at isang coke. Akala ko burger.

Selos pa sya tapos di naman sya naamin. Di sya pwede magselos ng ganyan kung wala pa syang karapatan. Atsaka kakikilala ko lang kay Nathan at makipagkaibigan lang talaga yung intensyon ko.

Tinago ko nalang muna yung bigay sa sakin ni Luke then inubos ko na yung kanina ko pa kinakain.

Natapos ako at dumiretso na ako sa room kasi may kukunin pa pala ako kay Adalyn. Di nya pa sinauli yung notebook ko sa Math kasi nangopya sya kanina.

***
                        STELLA POV

4:30pm na. Ang dami namin ginawa kanina sa school. Assignments, activities and quizes. Halos mamatay na nga ako kanina.

Naglalakad ako ngayon galing seven eleven. Naggala kami nila Ehra, Camilla at Emily nung after class. Ngayon pa lang ako uuwi sa bahay. Bumili na din ako ng mga snacks sa seven eleven kasi gutumin akong tao at maya't maya akong nakain.

Medyo onti yung tao sa kalsada. Medyo makulimlim din at parang babagsak yung malakas na ulan anumang oras. Dala ko yung mga pinamili ko. Naalala ko na nakalimutan palang isauli sa akin ni Emily yung libro ko sa Filipino. Kaya naman pinaharap ko muna yung bag ko then kinalkal ko yun para kunin yung cellphone ko.

“Nasaan ka na bang cellphone ka.” inis kong sabi habang kinakalkal yung bag ko.

Maya-maya ay nagulat ako may bumunggo sa akin na bike. Napaupo ako at nabitawan ko din yung mga pinamili ko pati yung bag ko. Sumemplang din yung bike at yung nagmamaneho nito.

“Aray ko naman! Hindi kasi mag-ingat eh!” sigaw ko habang pinipilit tumayo dahil sa natamo kong sugat.

“Hay*p ka! Kita mo nang may tao tapos bubungguin mo pa!” sigaw ko pa habang pinupulot yung mga pinamili ko. Nagulat naman ako nang makita kung sino yung nagmamaneho ng bike.

Si Kio. Kaklase namin sya at sya yung escort namin. Tumayo sya ng mabilis at mukang nag-aalala. Akala ko ay lalapit sya sa akin pero....

Siraulo itong lalaki na to! Pinuntahan ba naman agad yung bike nya at parang maiiyak pa.

“Oh sh*t. Ang mahal pa naman nito. Baka nagasgasan.” sabi nito.

Sa matinding pagkainis ko ay lumapit ako sa kanya at sinigawan ng pinakamalakas kong sigaw.

“Hoy lalaking espasol na nginudngod sa harina! Ang kapal ng pagmumuka mong mamangga! Aba! Mas inuna mo pang icheck yang walang kwenta mong bag kaysa sa nasagasaan mo? Nag-grade 2 ka ba!?” sigaw ko dito.

Tumingin sya sa akin ng masama at para bang ako pa yung may kasalanan.

“Edi sorry. Mas mahal pa kasi sa buhay mo itong bike kaya mas importante sya. Atsaka nasa kalsada ka habang nagkakalkal ng bag! Di ko naman kasalanan kung magpapakamatay ka.” sabi nito.

Napanganga at nanlaki ang mata ko sa kawalan ng modo ng lalaki na ito. Ako pa talaga yung sinisi.

“Hoy! Anong nasa gitna ng kalsada? Edi dapat nasagasaan na ako kanina pa kung nasa gitna ako ng kalsada! Kita mong nasa gilid ako at nagkakalkal eh hindi ka pa din umiwas! Atsaka wala naman bike lane dito para magbike ka! Wala kang galang.” sigaw ko dito. Halos mabaliw ako sa kawalang modo ng lalaking ito.

Tumayo sya tapos inayos nya sa tayo yung bike nya. Tumingin sya sa tuhod ko na nasugatan dahil sa pagbangga nya. May kinuha sya sa wallet nya at inilabas ang isang band aid. And.....

Aba! Napakawalang hiya talaga! Hinagis ba naman sa akin yung band aid. Hindi man lang binigay ng maayos.

“Itakip mo sa sugat mo.” sabi nito. Pagtapos nun ay sumakay ulit sya sa bike nya at lumayo na sa akin.

Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking ito. Napakawalang modo. Hindi porket gwapo, matalino at famous sya sa school eh pwede nya na akong ganyanin.

Tinuloy ko na ang paglalakad ko. Hindi ko kinuha yung band aid at inapakan ko lang. Aba! Bakit ko kukunin yan? Hindi ba naman iniabot sa akin ng maayos. Atsaka hinawakan nya yan. Baka mahawa pa ako sa kawalan nya ng modo.

Akala ko pa naman ay masaya na talaga itong araw na ito. Sinira lang ng isang hay*p.

For sure pati si Ehra ay magagalit din kapag kinuwento ko sa kanya ito bukas. Humanda ka. Gagantihan kitang walang hiya ka.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon