CHAPTER 2

73 8 0
                                    

                         EHRA POV

Nandito kami sa hallway ngayon at naglalakad papuntang exit ng school. Medyo malayo din kasi yung exit kaya naman kailangan mo pa na makipagsiksikan sa mga tao para lang makalabas.

“Ang init naman!” reklamo ni Adalyn habang nagpapaypay.

“Wow lang ah! Pinapayungan ka na nga ng jowa mo dyan tapos nagrereklamo ka pa.” sabi ni Stella sa kanya. Si Dylan nga pala yung boyfriend ni Adalyn. Kaibigan din namin sya. Pero medyo nakakainis lang sila kasi maya't maya silang nag-aaway dahil lang sa mga simpleng bagay. Parehas kasi silang selosin. Wala naman talagang mangyayari sa isang relasyon kung puro selos at kawalan ng tiwala yung paiiralin eh.

Kasama din namin yung iba pa namin na kaibigan na sila Emily, Anthony at Camilla. Si Emily yung kaibigan namin na kung titingnan mo ay mukhang inosente pero kung makasigaw wagas. Mabigat din yung kamay nyan at biglang nanghahampas o nananampal.

Si Antnony naman yung may pagkaintrovert. Tahimik lang pero makulit, maingay at madaldal yan. Matalino din yan.

Si Camilla is maliit. Lagi syang inaasar ni Adalyn na grade 7 dahil sa height nga. Sobrang lakas ng boses nito kapag sumigaw, parang si mama kapag nagsesermon. Medyo kulot din. Makulit din ito pero sulit naman yung ingay nya kasi nagagamit din sa mga reportings at acting.

Nagulat ako nang may pumayong sa akin. Napatingin ako sa likod ko at tumambad sa akin si Luke na nakangiti.

“Ang init noh?” nakangiti nyang sabi.

Ngumiti nalang din ako sa kanya. Pero nahihiya ako dahil sa pagpayong nya sa akin. Para tuloy kaming magjowa dun kung titingnan. Pinipilit ko na medyo lumayo sa kanya kahit konti pero pinapayungan pa din nya ako.

Nakita kami ni Stella at ngumisi ito. “Uy! May taga-payong na din pala kay Ehra.!” sigaw nito kaya naman napatingin na din lahat ng mga kaibigan namin. Nagtawanan sila. Ngumisi nalang din ako kahit nahihiya.

“Oo nga pala. Si Eunice hindi pa din nakikita. Nakita yung mga gamit nya sa rooftop pero wala sya.” sabi ni Emily.

“Oo nga. Atsaka balita ngayon na may isang student pa na galing section C na namatay. Grabe naman. May serial killer na ata dito sa school.” sabi naman ni Stella.

“Jasmine ata yung pangalan ng babae eh. Pero nakakaawa talaga yun kasi balita ko chopchop daw yung katawan. Ewwww!” dagdag naman ni Adalyn.

Hindi ko din maunawaan itong school na ito. Kasi bukod kina Eunice at yung Jasmine na sinasabi nila eh may mas nauna pa na biktima ng panggagahasa dito. Pinatay din yung babae at inilagay sa likod ng school. Naalala ko tuloy yung bf ng babaeng yun na grabe yung pag-iyak. Dahil nga sa mga pagkakasunod na pagkawala ng mga babae ay inagahan na ng school yung uwian ng mga panghapon. Pang-umaga kasi kami.

“Guys punta ba tayong mall?” tanong ni Adalyn.

“Sige, arat na.” yaya din ni Emily. Pero umiling si Anthony at tumawid na ng kalsada para umuwi.

“Hindi din ako sasasama. Uuwi pa na agad ako.” sabi ni Stella.

“Sabay na tayo Stella. Uwi na din ako.” sabi ko. “Ikaw Luke sama ka?” tanong ni Dylan. Natingin naman kami kay Luke na nakangiting umiling. Hindi naman talaga sasama yan kasi ako yung gusto nyang kasama. Hindi pa kasi sya umamin sa akin eh halata naman sya. Hindi ko naman sya ifefriend zone.

Yun nga. Umalis na sila Dylan, Emily, Adalyn at Camilla. Nakauwi na din siguro si Anthony. Kami naman tatlo nila Stella at Luke ay sumakay na din ng jeep. Tumabi ako kay Stella para maiwasan si Luke. Bale pumapagitna saamin si Stella.

Hindi naman sa ayaw ko kay Luke pero gusto ko lang kasi makaiwas sa mga issue dahil marami din ang nagkakagusto kay Luke. Katulad nalang ng mga grupo ng mga babae sa dulo ng jeep na kilig na kilig habang tumitingin kay Luke.

“Bayad po tatlo.” sabi ni Luke kay mamang driver. Nagulat kami kasi msgbabayad palang kami. Nakakahiya din kasi madalas na kaming ilibre ni Luke ng pamasahe. Si Stella naman ay nakangiting nagpasalamat kay Luke. Walanghiya din talaga itong babaeng ito.

Nagpasalamat nalang din ako.

Tahimik lang kami doon habang bumibiyahe. May mga bumababa na din. Bumaba na din yung grupo na nga babae na hanggang sa baba eh kinikilig pa din. Parang mga t*nga lang.

Pero bakit parang lumalayo yung bahay ko? Or mabagal lang talaga yung jeep?

“Para po.” sabi ni Stella. Huminto yung jeep.

“Bye, Ehra. Kitakits bukas ah. Agahan mo pumasok. Bye din Luke.” paalam nito sabay bumaba na ng jeep. Kumaway ako sa bintana ng jeep at ngumiti sa kanya.

Nagulat naman ako ng umusog si Luke patabi sa akin. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Apat nalang kami sa jeep. Alam ko na ako yung huling bababa kasi dulo pa yung bahay namin. Hindi naman nagsasalita si Luke. Maging ako man. Kunwari nalang ako na tumitingin sa bintana ng jeep.

Maya-maya ay pumara na siya. Nagulat ako ng bigla niya akong tapikin sa balikat na dahilan ng pagtingin ko sa kanya.

“Bye Ehra.” nakangiti nitong paalam saakin. “B-bye din.” hiya kong sagot.

Bumaba na siya at tuluyan nang umandar yung jeep palayo sa kanya. Nakahinga naman ako ng malalim.

Hindi ko maipaliwanag. Hindi naman sa ayaw ko kay Luke. Pero iba kasi sya sa lahat ng mga kaibigan kong lalaki. Hindi naman ganyan sila Anthony at Dylan sa akin. I mean mabait din sila pero si Luke kasi eh masyadong halata. Kaibigan lang talaga yung tingin ko kay Luke.

Gusto ko lang umiwas sa issue. Pero yung mga kaibigan ko pa naman eh masyadong issue at baka maship nanaman ako nyan. Lalo na si Adalyn. 

Gusto ko munang mag-aral at magtagumpay sa buhay bago makipagrelasyon.

Tumunog yung cellphone ko. Nakita ko yung chat sa messager ni Sir Gomez. Yung adviser namin.

Sir Gomez: “Attention. Mula ngayon ay wala na din papasok ng sobrang aga para maiwasan ang kapahamakan. Wala na din magpapraktis at wala ng gagala dahil tatlong estudyante na ang nabibiktima ng di pa nakikilalang tao. Sana ay maintindihan nyo”.

Pagkatapos kong basahin nun ay nag-react lang ako ng heart para alam ni sir na nabasa ko.

Naiintindihan ko naman yung paghihigpit ng school sa amin dahil para din naman iyon sa kaligtasan namin. Naalala ko si Eunice na nawawala pa din. Sobrang nag-aalala na ang mga magulang at mga kaibigan nya. Pati na din kaming mga kaklase nya.

Naalala ko din si Violet. Absent sya kanina eh. Kaibigan din namin sya at isa sya sa mgs best friend ni Eunice. Hindi nya matanggap yung nangyari sa best friend nya. Aaminin ko na mataray, walang galang at misteryoso si Violet pero may mabuting puso sya pagdating sa kaibigan nya.

Huminga ako ng malalim at tumigil sa pagiisip ng matanaw ko ang bahay namin.

“Para po.” sabi ko na dahilan para huminto na yung jeep. Agad naman akong bumaba.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon