EHRA POV
“Gawin mo na Ehra. Wala namang mawawala.” nagulat ako sa sinabi ni Stella. Napatingin ako sa kanya.
“Kaya nga wala namang mawawala.” sulsol nanaman ni Emily. Tumingin naman ako kay Kio. Nakatingin din siya sa akin. Ngumiti ito.
“Ayos lang Ehra. For fun lang naman ito. Sige na.” nakangiting sabi sa akin ni Kio. Dahil sa mga sinabi nila eh medyo nawala na yung kaba ko. Tumayo ako ng dahan-dahan. Inilapit ko ang mukha ko kay Kio at.. Kiniss ko na siya. Pero binilisan ko lang talaga yung pagkiss then bumalik na ulit sa pwesto ko. Nagsigawan naman sila Pres Theo. Pati si Violet tumatawa din. Well hindi naman din niya alam na crush ni Stella si Kio. Tumingin ulit ako kay Stella na nakangiti. Nasaktan ba siya? Sana hindi.
“Okay ka na?” inis kong tanong kay Emily na patawa-tawa pa. Naging matagumpay yung plano niya. Pero wait...
What if alam na din ni Emily na may crush si Stella kay Kio at may balak niyang sirain kami ni Stella?
“Okay guys. Lumipat naman tayo ng mga pwesto para maiba naman.” sabi ni Adalyn. Kaya naman tumayo kaming lahat at nagpalit-palit ng pwesto. Pero sila Violet at Stella pa din yung katabi ko. Kinabahan nga ako kasi si Luke yung katapat ko.
“Okay na yan. Let's go!” pagkasabi nun ni Adalyn ay muli niyang iniikot yung bote. Huminto ulit ito ng dahan-dahan. Kina Kio at Emily naman tumapat. Si Emily nanaman ang magtatanong. Ano ba yan!
“Truth or Dare?” tanong ni Emily kay Kio. Nakangisi nanaman. Ano nanaman kayang kah*yupan yung gagawin nito?
“Truth.” sagot ni Kio.
“Aminin mo ng totoo. Sino ba talaga yung nagugustuhan mo dito?” tanong ni Emily. Napataas nanaman ako ng kilay. Ano bang problema talaga ni Emily? Bakit puro tungkol sa love yung pinag-tatanong niya?
“Uhmm..” medyo nag-iisip pa si Kio. Alam kong kinakabahan din siya. Sino ba namang hindi kakabahan sa tanong ni Emily? Sa harap pa namin mismo. Nakatutok ang mga mata namin kay kay Kio at nag-aantay ng sagot niya. Maging si Stella din. The moment of the truth na talaga toh.
“Si....Violet...” halos mailuwa ko nanaman yung kinakain ko. Ano daw? Sino? Si Violet? Ha? Totoo ba? Weh?
Nagulat kaming lahat at napatingin kay Violet. Si Violet din ay nagulat. Hindi ako makapaniwala. Si Kio? May gusto kay Violet? This is so unbealivable!
“Talaga ba?” di makapaniwalang tanong ko. Tumango si Kio.
“Yes. Since nung first day. Nagustuhan ko na agad si Violet. Hindi ko din alam.” maiksing paliwanag ni Kio.
“This is so unbealivable pre. Hindi mo man lang sinabi sa amin.” sabat ni Jhairone na hindi din makapaniwala. Tumingin ako kay Emily. Akala ko ay nakangiti nanaman siya. Pero nakasimangot na. Oh my gulay lulay talaga!
Naalala ko agad si Stella. Tumingin naman ako sa kanya. Nakayuko siya at pinipigilang mapaiyak. Kaagad ko namang hinawakan ng mahigpit yung kamay niya.
“It's okay.” bulong ko sa kanya. Masakit talaga kasi nalaman niyang yung crush ng crush niya is kaibigan pala namin. Maski ako hindi makapaniwala. Wala din namang kasalanan si Violet kung nagustuhan siya ni Kio.
“Hep, hep guys! Tama na yan! Next na.” sigaw ni Adalyn.
Malalim na yung gabi. Binuksan ko yung cp ko para tingnan yung oras. 8:30 pm na pala? Ang bilis ng oras. Iniikot nanaman ni Adalyn yung malas na boteng iyan. Hindi ko na nagugustuhan ito kasi parang personalan na talaga at baka may masira pang friendship. Tumapat ito kay Violet at Adalyn. Si Adalyn yung magtatanong.
“Okay. Truth or dare?” tanong ni Adalyn.
“Dare.” sagot ni Violet.
“I dare na umalis ka na sa tropa na ito.” pagkasabi nun ni Adalyn ay natahimik ang lahat. Hindi ko alam yung nangyayari pero nagulat ako. Iniaangat ni Stella yung ulo niya sa gulat din niya. Napanganga si Violet sa tanong sa kanya ni Adalyn.
“Anong klaseng dare yan? Hindi yan nakakatuwa.” sabi ni Violet na halatang naiinis nanaman.
“Seryoso ako Violet. Masyado kang maraming masasaktan kapag nandito ka lang. So i dare to leave. Huwag ka ng bumalik.” sabi ni Adalyn na mukha talagang seryoso.
“What the?” naiinis na tumayo si Violet.
“Laro lang toh. Huwag mo namang seryosohin. Walang personalan Adalyn.” sabi ni Violet na nakatayo na ngayon.
“Yes. Laro ito pero hindi pangkaraniwang laro. Kailangan mong panindigan yang dare mo.” sabi ni Adalyn.
“Edi aalis ako! Kung yan yung gusto niyo. Napakaplastik nyo!” pagkasabi nun ni Violet ay umalis na siya. Agad naman siyang sinundan ni Pres Theo.
“Ano ka ba Adalyn! Hindi nakakatuwa yun!” sigaw sa kanya ni Kio sabay umalis na din. Mukhang susundan din si Violet.
“Well totoo naman. Bad influence siya sa ating lahat.” pagmamayabang na sagot pa ni Adalyn. Hindi ako makapaniwala. Akala ko kaibigan talaga ni Adalyn si Violet. Plastik din pala.
“Hoy! Wala kang karapatan na sabihin yan. Hindi pa kilala ng buong-buo si Violet!” sigaw ko sa kanya. Tumayo ako. Tumayo na din si Stella. Tumalikod kami sa kanila sabay umalis. Naiinis ako. Dapat pala hindi na kami sumali sa laro na yan. Bumalik na kami ni Stella sa tent.
“Ehra galit ba kayo sa akin” tanong ni Stella sa akin kaya naman napakunot ako ng noo.
“Bakit naman kami magagalit? Wala ka namang kasalanan?” taka kong tanong sa kanila.
“Dapat pala hindi na tayo sumali. Pinilit ko pa kasi kayo eh.” dismayang sabi ni Stella.
“Ano ka ba Stella. Wala ka namang kasalanan. Huwag mo ngang sisihin yung sarili mo.” sabi ko sa kanya.
“P-pero.. Masaya ako para kay Kio. Atleast kaibigan natin yung nagustuhan niya. Masaya ako sa kanila.” sabi ni Stella sabay ngumiti ng mapait.
“Ano ka ba. Huwag kang malungkot diyan. Meron pang darating na tamang tao para sayo.” sabi ko sa kanya ng nakangiti. Ayokong makitang nasasaktan si Stella. Sabi ko naman kasi sa kanya na umamin na siya. Yan tuloy.
“P-pero E-ehra... Ang sakit. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit. Dapat pala umamin na ako..” pagkasabi nun ni Stella ay umiyak na siya. Niyakap ko naman agad siya.
“Ano ka ba Stella. May darating pa na para sayo. Ang ganda mo kaya. Huwag kang malulungkot ha? Nalulungkot din ako.” pagkasabi ko nun ay hindi ko din mapigilang maiyak. Bakit ba kasi ang hina ni Stella. Hindi naman sa sinisisi ko siya pero lagi ko namang sinasabi na lakasan niya yung loob niya.
Nalulungkot ako para kay Stella. Syempre masakit naman talaga yun. Si Violet pa yung nagustuhan ni Kio. Masakit talaga yun dahil kaibigan namin si Violet at parang kapatid na din ang turing namin sa kanya.
Magiging maayos din ang lahat. Naniniwala akong hindi kayang sirain ng love yung friendship. At walang makakasira nito kahit sino at ano pa mang problema.
Maayos din ito.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...