CHAPTER 17

22 7 0
                                    

                          LUKE POV

“What happened to you?” tanong ni Kio kay Jhairone. Lunes na lunes, may black eye agad itong si Jhairone. “Napagtripan sa kabilang section. Ayan nabugbog.” sagot ni Pres Theo. Tiningnan ko naman yung mata ni Jhairone na talagang namamaga na.

“Sinong gumawa niyan?” inis kong tanong sa kanya. “Yung mga bakulaw sa kabilang section.” mangiyak na sagot niya. “Can you stop crying there. You're not a child anymore.” inis na sabi ni Kio.

Umiinit nanaman ang dugo ko ngayon. Ang yayabang talaga niyang kabilang section. Akala mo kung sinong matatapang eh mga bagsak naman. Bakit nila pinagtitripan yung tropa ko? Porket maliit si Jhairone at hindi makalaban.  I will give them a real fight.

Lumabas ako ng room. Masama ang timpla ko ngayon ah. Ang lakas ng loob nilang pagtripan yung tropa ko at para ko na din kapatid.

“Hoy Luke! Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Jhairone. Nagsunudan din sila Pres Theo At Kio.

“Tuturuan ng leksiyon!” sigaw ko sa kanya.

“Uy Luke! Gulo toh. Huwag ka nang sumugod.” pigil sa akin ni Jhairone. Hinawakan ako sa braso ni Pres Theo para pigilan pero inalis ko agad ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad. I dont care about what i do. “Luke itigil mo yan!” saway sa akin ni Pres Theo pero wala siyang magagawa.

Pumasok ako sa room ng kabilang section. Nagtaka ang lahat maging yung mga bakulaw na nanakit kay Jhairone. Tiningnan ko silang lahat ng masama. “Ikaw ba yung nanakit sa kaibigan ko?” seryoso kong tanong sabay dinuro yung bakulaw na lalaking iyon. Siya ata yung leader ng grupo nila. “Luke lets go. Magkakagulo lang.” bulong sa akin ni Pres Theo pero huli na siya para magpaalala dahil nilapitan na kami ng bakulaw kasunod yung mga alalay niya.

“Oo kami nga. Eh ano naman ngayon? Gusto mong sumunod gaya ng lampa mong kaibigan?” pagkasabi niya nun ay nagtawanan silang magtotropang bakulaw. Ngumisi lang ako sa katarant*rantaduhan nitong isang ito.

“Oo. Bakit may problema ka?” seryoso kong sagot sa kanya. “Haha, bata. Umalis ka nalang. Isang tadyak ko lang sayo baka mangisay ka na agad sa sakit diyan!” nagtawanan ulit sila pagkasabi nun. Itinulak ko yung leader nila kaya napaatras siya. “Wala kang magawa? Kaibigan ko pa talaga pagtitripan mo?” tanong ko sa kanya. Piniligilan ko muna yung sarili kong manakit.

“Eh ang tapang naman pala ng isang toh eh!” pagkasabi niya nun ay isang malakas na suntok ang ibinigay niya sa akin. Napaupo ako sa sahig ng saglit atsaka tumayo. Dumugo na ata ang labi ko pero wala akong pakialam. Ginantihan ko siya ng isang suntok kaya rumesbak na yung mga kasama niya. Hindi naman tumayo lang sila Kio at Pres Theo at nakipagsuntukan na din. Nakita ko pa si Jhairone na lumabas ng room.

Isang malakas na suntok ang tumama pa sa mukha ko kaya bumagsak ako. Itinayo ako ng kasuntukan ko na leader nila at kinwelyuhan. “Ang tapang mo noh. Akala mo kung sino kang gwapo ka. Naiinggit ka ata sa black eye ng kaibigan mo eh.” pagkasabi niya nun ay isang malakas na suntok ulit ang ibinigay niya. Tuluyang akong bumagsak sa sahig dahil sa sakit. Naramdaman kong may tumutulo na ding dugo sa ulo ko kaya naman pinahid ko ito gamit ang kamay ko.

Hindi ko alam kung pero nahihilo ako sa pagkasuntok niya. Nanghihina na din agad ako. Naririnig ko pa sila Kio at Pres Theo na nakikipagsuntukan din. Inihiga ko sa sahig ang ulo ko dahil sa sobrang pagkahilo.

                         EHRA POV

Ayoko nga Dylan! Ano ba!” sigaw ni Adalyn na ikinatingin naman namin sa kanila. Nag-aaway nanaman itong magjowa na ito. Nandito na kami sa room. Kadadating lang namin nila Stella, Violet at Emily. Sabay-sabay din kasi kaming pumasok sa gate. Pagkakataon nga naman.

“Ang ingay naman. May nagbabasa eh.” reklamo ni Anthony na ikinagulat namin. Minsan lang kasi magalit yan kaya naman nakakaproud talaga. Masyado kasing tahimik.

“Real talk from Anthony.” sabi ni Stella. Nagtawanan kami. Si Dylan at Adalyn ay tumahimik naman. Nagpatuloy sa pagbabasa si Anthony. Maya-maya pa ay nagulat kami nang nagmamadaling pumasok si Jhairone sa room. May black eye siya. Ano kayang nangyari sa lalaking ito?

“G-guys! Pakitulungan sila Luke doon!” hingal na sabi ni Jhairone. Napatayo naman ako sa pagtataka. “Bakit? Anong nangyari?” tanong ko sa kanya.

“Nakikipagbugbugan sila Luke sa kabilang section!” pagkasabi ni Jhairone nun ay nanlaki ang nga mata ko at agad na pinuntahan sa kabilang room sila Luke. Sumunod din yung mga kaklase ko kasama na sila Stella. Nakarating agad kami sa kabilang section at nagulat kami ng makita namin na pinagtutulungan nila sila Pres Theo at Kio. Kaya naman nagsugudan din yung mga kaklase naming lalaki para tulungan sila Pres. Nagkakaroon na ng matinding riot sa pagitan ng section namin at kabilang section. Nagulat kami ng pumasok din si Violet sa loob ng room at mukhang makikipagbugbugan din.

“Violet wag ka na makisali!” sigaw ni Stella sa kanya pero parang wala siyang narinig. Tuloy lang siya sa pagpasok sa room at sinimulan niya na din mambugbog ng mga lalaki. Ako naman ay hinanap ko si Luke. Ilang saglit pa ay nakita ko si Luke sa isang sulok na nakahiga sa sahig. Duguan ang ulo at wala ng malay. Agad kong pinuntahan siya.

“Luke! Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya pero wala siyang malay kaya naman sinubukan ko siyang itayo. Hindi ko siya kaya. Kaya naman nagpatulong ako kina Stella at Emily. Itinayo namin siya.

“Dalhin natin siya guys sa clinic.” utos ko sa kanila kaya ibinababa na namin ng building si Luke. Nag-aalala ako sa kalagayan niya ngayon dahil duguan na talaga siya. Baka may mangyari pang masama sa kanya. Napahinto kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Sir Gomez.

“Anong nangyari kay Luke? Bakit duguan yan?” nag-aalalang tanong ni sir sa amin.

“Sir. Nagkakagulo po sa taas. Nakikipagbugbugan po yung section natin sa kabilang section! Puntahan niyo na po bago pa mas maraming masaktan.” sagot ko kay sir.

“Talaga nga namang sakit kayo sa ulo! Humayo na kayo at baka maubusan pa ng dugo iyang si Luke. Ako ng bahala sa kanila.” utos sa amin ni sir kaya naman pumunta na kami sa clinic habang si Sir Gomez ay umakyat na sa taas para pigilan ang kaguluhan.

Binilisan na namin sa paglalakad dahil baka maubusan na talaga ng dugo si Luke. Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nakakasalubong namin at gusto pa atang makichismis. Hindi ko nalang sila pinansin at dinala nalang namin si Luke sa clinic.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon