CHAPTER 45

17 5 0
                                    

                          EHRA POV

“Oh my gosh!” sigaw ni Stella. Nanlaki ang mga mata ko sa tumambad sa amin pagbalik namin sa mga tent. Napaupo ako at naluha. Anong nangyari?

“What the f*ck..” hindi makapaniwalang sabi ni Pres Theo. Pagdating namin dun ay hindi kami makapaniwala sa mga nakita namin.

Mga kaklase naming nakabulagta, duguan at wala ng buhay.

“Anong nangyari?” di makapaniwalang tanong din ni Stella habang umiiyak. Umiiyak kami ngayon sa harapan ng mga kaklase naming ngayon na mga bangkay na. Parang hindi ako makahinga sa nakikita ko ngayon. Pinipilit kong makahinga ng maayos.

“H*yop ka Emmerson! H*yop ka! Bakit dinamay mo sila!” sigaw ni Pres Theo na halos umalingawngaw na yung boses sa buong gubat. Hindi kami makaalis sa mga kitatayuan namin.

Inubos niya yung mga kaklase ko at.... Pinatay niya din yung teacher namin.

Nakita din namin si Sir Gomez na nakabulagta at wala ng buhay. Ayoko na. Hindi ko na kaya yung mga nangyayari..

                           KIO POV

Tumigil kami sa pagtakbo. Wala na yung lalaking humahabol sa amin kanina. Halos mamatay na ako dahil hindi ako makahinga ng maayos. Grabe namang habulan yun.

“Sino ba yun?” nanginginig na tanong ni Jhairone sa akin.

“Aba malay ko! Nakatakip yung buong mukha e.” sagot ko sa kanya.

“Hindi kaya, iyon yung sinasabi nilang Emmerson na hindi pa din nahuhuli?” tanong ni Jhairone.

“Baka nga. Ayun din yung suot ng lalaki nung sinubukan kaming patayin sa lumang silid sa likod ng classroom dati.” paliwanag ko.

“Edi kung nandito yun? Posible na baka hindi lang tayo yung target niya? Baka hinahanap niya din yung iba pa nating mga kasama?” sabi ni Jhairone. Napaisip ako. Tama nga. Baka hindi lang kami yung target niya.

“Tara. Bumalik tayo sa tent!” anyaya ko kay Jhairone sabay tumakbo ng mabilis. Sumunod naman agad siya.

Kailangan namin silang paalalahanan na bumalik sina Emmerson. Baka madamay pa sila.

                        EMILY POV

“Where are we going na?” tanong ni Ashley. Naiirita ako sa dalawang pokpok na toh. Naglalakad kami ngayon sa gitna pa din ng gubat. Pagkatapos ng mala impiyernong nangyari sa amin.

Dalawang armadong lalaki yung biglang pumunta sa mga tent namin. Pinagbabaril yung mga kaklase namin. Buti nalang at nakatakas kami. Kasama ko ngayon sila Adalyn, Dylan, Ashley, Zoey, Missy, at Shontelle.

“Hindi ko alam! Shut up nalang! Mas lalo lang akong naiistress sa dami niyong tanong!” inis kong sabi sa kanila.

“Hello? Hindi naman natin alam yung palabas ng forest na toh. Paano tayo makakaalis?” sabat naman ni Zoey. Tumigil ako sa paglalakad. Hinarap ko si Zoey at sinamaan ng tingin.

“Kaya nga hahanapin diba? Huwag ka ngang b*bo diyan.” sabi ko sa kanya. Tinarayan niya lang ako. Wala siyang magagawa dahil ako yung masusunod ngayon. Maarte kasi silang dalawa ng kaibigan niya kaya hindi nila kayang makasurvive sa gubat na ito. Kunwari mga richkid pa. Itinuloy ko na ang paglalakad.

Maya-maya ay napahinto kami ng isang lalaki ang humarang sa dadaanan namin. Napaatras ako bigla. Nakajacket na itim, sumbrero at mask.

“Oh. My. Gosh.” sabi ni Ashley.

“S-sino k-ka?” kaba kong tanong. Tumawa ng mahina yung lalaki.

“Andami na naming napatay, tapos hindi niyo pa din alam kung sino ako?” sagot niya sa amin. Mapaatras kaming lahat sa takot.

“Please.. H-huwag mo kaming s-sasaktan.” pagmamakaawa ni Adalyn. Nanginginig ang mga binti ko. Gusto ko ng tumakbo. Mas lalo pa kaming kinabahan ng maglabas ito ng isang baril.

“Bro. Maawa ka naman. Wala kaming ginagawang masama.” pagmamakaawa naman ni Dylan.

“Oh. Gusto mo ba mauna?” tanong ng lalaki kay Dylan sabay tinutok sa kanya yung baril. Napataas si Dylan ng dalawang kamay. Napataas na din kaming lahat ng dalawang kamay.

“Please lang. Kung may galit ka man, wag mo na kami idamay.” dagdag pa ni Dylan. Humalaklak ng tawa ang lalaki.

“Wala akong pakialam. May ginawa man kayo o wala, mamamatay kayong lahat dito.” sabi ng lalaki. Unti-unti akong umaatras dahil ako yung pinakamalapit sa lalaki. Ayoko pamg mamatay.

Nabigla kami ng biglang kumaripas ng takbo si Missy. Kasunod nun ay isang malakas na putok ng baril. Binaril ng lalaki si Missy at natamaan ito sa likod. Kaagad namang bumagsak si Missy. Biglang sinunggaban ni Dylan yung lalaki at inagaw yung baril.

“Ah! Oh my gosh!” sigaw ni Ashley.

“Sis, lets go na. Ayoko pang mamatay!” sabi naman ni Zoey. Kaagad tumakbo yung dalawang magkaibigan palayo. Natataranta kaming mga naiwan dun at hindi namin alam yung gagawin. Patuloy pa din sila Dylan at yung lalaki na nag-aagawan ng baril. Napatingin naman ako kay Shontelle na kumaripas na din ng takbo.

“Adalyn tara na!” yaya ko sa kanya.

“No! Hindi ko iiwan si Dylan!” sagot niya. P*ta naman talaga oh. Akala ko hiwalay na sila?

“Hoy! Break na kayo! Wag kang t*nga!” sigaw ko sa kanya.

“Basta! Ayoko!” pagkasabi niya nun ay kumuha siya ng isang bato at lumapit sa lalaki. Hinampas niya ito sa ulo. Bumagsak sa lupa yung lalaki. Naagaw na din ni Dylan yung baril.

“Walang hiya ka, akala mo kaya mo kami!” sigaw ni Adalyn sa lalaki. Wala ng malay yung lalaki. Nilapitan ko yun para tanggalin yung mask niya at para malaman kung sino itong h*yop na ito.

Dahan-dahan kong tinggal yung facemask na nakasuot sa mukha niya. Napanganga ako at napatayo ng makita ko kung sino siya.

“Hindi. Hindi totoo toh. Hindi siya yan.” sabi ko habang umaatras at napapailing. Hindi ako naniniwalang siya yan.

“P-paano?” hindi makapaniwalang sabi ni Adalyn.

Hindi ako makapaniwala. Parang ayokong maniwala. Hindi siya yan. Paano siya nakapunta dito? Kilala namin siya. Naging kaibigan din namin siya. Kilalang-kilala. Lalo na si Violet.

“V-vince?” hindi din makapaniwalang sabi ni Dylan. Si Vince iyon. Naging kaibigan at kaklase namin siya last year nung G8. Hindi lang basta kaibigan yung turing namin sa kanya. Para na ding kapatid. At ang mas malala pa...

Kapatid siya ni Violet. Kuya siya ni Violet.

Hindi ako makapaniwala na ang isang Vince Silvestre ay magagawang pumatay ng mga kaibigan niya. Alam kaya ito ni Violet?

Umupo si Dylan at tinitigan mabuti ang mukha ni Vince. Hindi talaga siya makapaniwala. Maski kami.

“Sabihin niyo sa akin na hindi totoo ito.” sabi ni Adalyn na nagsisimula ng umiyak.

Nagulat kami ng biglang dumilat si Vince.

“Kilala nyo na ako ngayon. Bestfriends.” pagkasabi nun ni Vince ay bigla siyang bumunot ng kutsilyo at isinaksak ito kay Dylan. Napasigaw si Dylan sa sakit. Kinuha ni Vince yung baril kay Dylan at biglang binaril si Dylan sa paa.

“Ughhh!” sigaw ni Dylan na namimilipit na sa sakit. Napaatras ako.

“Dylan!” sigaw ni Adalyn na tumakbo papunta kay Dylan. Pero bago pa man siya makalapit kay Dylan ay biglang itinutok sa kanya ni Vince yung baril at kasunod nun ay ang isang napakalakas na putok.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon