CHAPTER 32

20 6 0
                                    

                        STELLA POV

“Huhulihin na ng mga pulis si Nathan.” paliwanag ko kay Ehra. Nandito kami sa ospital ngayon at gingamot yung mga sugat ni Ehra. Katatapos niya lang magbigay ng statement sa mga pulis. Nag-aalala ako ng sobra kasi muntik ng mamatay yung kaibigan ko.

“Eh si Violet? P-paano siya?” alala niyang tanong.

“Hinahanap na din siya ng mga police. Soon as possible mahahanap na nila si Violet.” paliwanag ko. Ngumiti siya ng mapait. Bigla siyang umiyak. Kaya naman niyakap ko agad siya.

“Kasalanan ko toh. Hindi ko na dapat iniwan si Violet. Baka kung ano ng nangyari sa kanya.” sabi niya habang umiiyak.

“Shhh... Ano ka ba Ehra. Walang may kasalanan. Si Nathan yung may kasalanan nito.” paliwanag ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin.

“Natatakot ako. Nakita namin yung isang killer kanina. Kilala ko yun sa mukha. President din siya.” pagkasabi niya nun ay nanlaki ang mga mata ko.

“Totoo ba? Sino?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ko alam. Pero sure ako na President din siya.” sagot niya. Binanggit ko naman agad sa kanya yung mga pangalan ng presidents ng G9. Umiiling siya hanggang sa...

“Si Emmerson ba?” pagkatanong ko nun sa kanya ay biglang nanlaki ang mga mata niya.

“Si Emmerson nga! Naalala ko na! Siya nga yung si Mr. Poging Kidnapper!” nagulat naman ako sa sagot niya. Mr. Poging Kidnapper? Bakit may nickname?

“Kailangan din natin siyang ireport sa mga pulis!” sabi ni Ehra.

“Oo. Kapag balik natin sa mga pulis mamaya.” sagot ko sa kanya sabay ngiti.

Medyo gumaganda na yung kaso ngayon. Kasi nalalaman na yung mga may sala. Malay mo sila din pala yung dahilan ng pagkawala ni Camilla at Eunice. Pati na din yung pagkamatay ng ibang mga students at isang teacher. Naawa nalang talaga ako. Sana maayos din si Violet. Kung nasaan man siya ngayon. Sana maligtas siya ng mga pulis.

                         VIOLET POV

“Ibaba mo iyang baril mo!” sigaw ng isang pulis habang nakatutok ang nga baril sa amin. Hawak ako sa leeg nitong h*nayupak na lalaking ito. Nakayakap din siya sa buong katawan ko kaya hirap akong makatakas. Masakit din kasi ang paa ko dahil sa pagkakapana kanina. May baril na nakatutok sa ulo ko ngayon. Hindi ko alam kung katapusan ko na ba. Pero kung oo. Edi go! Mahuli lang sila.

May mga pulis sa dadaanan sana namin. Nahuli kasi siyang itatakas niya ako pero naabutan siya kaya hinarang siya sa daan. Ngayon ay umaatras kami pero may nakatutok nga lang na baril sa akin. Malaki yung tiwala ko kay Ehra kaya naman pinatakas ko siya. Buti at natawagan niya pa yung mga pulis. Kung hindi ko siya pinatakas ay baka dalawa nanaman kaming humahagulgol sa iyak.

“Huwag kayong magpapaputok kundi sasabog talaga yung ulo nitong babaeng toh!” sigaw ng lalaking may hawak sa akin sa mga pulis. Medyo malayo pa sa amin yung mga pulis pero marami silang nakatutok yung baril sa amin. Wag lang ako matamaan niyan.

“Tumigil ka na kasi. Wala kang mapapala sa akin.” sabi ko sa lalaki. Pero bigla niya pang hinigpitan yung pagkakahawak sa akin.

“Akin ka lang Violet. Hindi ka pwedeng mapunta sa iba.” nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. B*liw na ata ito. Don't tell me na may gusto siya sa akin?

“B*liw ka ba? Anong sinasabi mo diyan?” tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina.

“Violet i like you. Kilala na kita dati pa. Baliw na baliw ako sayo pero hindi ko masabi. Pero eto ngayon. Masosolo na sana kita. Kaso dumating yung mga epal na pulis. Hindi kita gustong saktan pero isa yun sa paraan para mapasaakin ka.” nang sabihin niya yun ay halos mabaliw ako sa tawa. Ako? Nababaliw siya sa akin? May nababaliw pala sa akin? Ngayon ko lang nalaman.

“Hindi mo ko makukuha boy. Kahit sino ka man. Never.” sagot ko sa kanya. Nabawasan na din yung takot ko kahit papaano.

“Well. Kilala na nila ako ngayon. Masyado naman akong mahina kung magpapahuli ako.” sabi niya na ikinataas ko naman ng kilay..

“So?” tanong ko.

“Babalikan kita Violet. Magiging akin ka din. I love you love. Remember my name. I am Emmerson Valdez.” pagkasabi nya nun ay nagulat ako ng bigla niya akong pakawalan. Tumakbo siya palayo sa akin. Agad namang lumapit sa akin yung mga pulis. Hinabol din ng ibang pulis si.... Emmerson

Natatawa ako. Hindi ko alam. Imbis na matakot ay para pa akong mababaliw sa tawa. Paano ba naman. Nababaliw si Emmerson ng dahil sa akin? Napakahina niya naman! Kinailangan niya pa akong ikidnapped para lang makapagsabi siya ng feelings? Hindi ako makapaniwala.

Ako? May nagkakagusto pala sa akin? May nababaliw pala sa akin? Unbealivable!

Nagtataka din yung ibang mga pulis kung bakit ako tumatawa kaya itinigil ko ang pagtawa ko. Baka ako pa ang mapagkamalang baliw.

Hindi talaga ako makapaniwala na may nababaliw pala talaga sa kagandahan ko.

                        EHRA POV

“Wala na talaga akong pakialam. Baka masaktan ko talaga ng malala si Nathan.” sabi ko. Nandito pa din ako sa ospital. Dumalaw na kanina sila mama at Kuya Ehlo. Kausap ko ngayon sila Stella at Luke. Galit na galit talaga ako kay Nathan ngayon. Grabe yung ginawa niya sa amin. Hindi ko inakalang yung lalaking muntik ko ng pagkatiwalaan at kaibiganin eh isa palang d*monyo.

“Pumunta tayo mamaya sa Police Station. Mananagot talaga sa akin yung h*yop na yun.” sabi ni Luke na kitang-kita sa mukha ang galit. Nahuli na kanina si Nathan. Dapat lang talaga yun sa kanya. Pupunta na kami dun maya-maya dahil marami pang mga tanong yung kailangan niyang sagutin.

“Ano kayang problema nun? Bakit siya nananakit ng mga kapwa estudyante niya?” tanong ni Stella.

“Baka kasi may sakit siya sa utak. Like nababaliw na siya.” komento ko naman. Pero wala akong pakialam kung ano mang sakit niya. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.

“Guys! Nahanap na daw si Violet!” nagulat kami nang sumigaw si Stella. Nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba?

“Weh? Legit ba? Totoo? Ligtas ba siya? Anong nangyari?” hindi makapaniwala kong mga tanong.

“Oo. Ligtas daw si Violet. Puntahan na nati siya!” anyaya ni Stella. Kaagad din naman akong tumayo kahit medyo nanghihina pa. Gusto kong makita si Violet.

“Oh, Ehra. Kaya mo ba?” alalang tanong sa akin ni Luke. Tumango naman agad ako. Okay lang talaga ako. Naging mas okay pa ako nung malaman na ligtas si Violet.

Naiiyak nanaman ako. Akala ko kung ano ng nangyari kay Violet. Nakakainis kasi siya eh! Akala ko mawawala na siya. Kaylangan kong magsorry sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya. Pero nagtry siyang magsakripisyo para sa akin.

Thank you Violet, because I was lucky that there was a friend like you.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon