CHAPTER 52

17 5 0
                                    

                         EHRA POV

Isang kalunos-lunos ang pangyayari ang naganap sa isang gubat sa Zambales na kung saan pinatay ang mga estudyante mula sa paaralan ng San Lazaro National High School. Ayon sa pagsusuri ay 35 na estudyante ang patay at isang guro. Natagpuan ang mga bangkay nila sa ibat' ibang bahagi ng gubat.

Ayon sa pag-iimbestiga ay pitong estudyante ang nakaligtas at isa na dito ang driver ng bus na sinakyan ng mga biktima. Iniimbestigahan pa ang buong pangyayari sa naturang patayan.

Ito ang inyong lingkod. Nagbabalita.

Pagkatapos ng balita ay pinatay ko na agad yung t.v. Dalawang araw na ang nakakaraan nung nangyari iyon. Nandito na ako sa bahay ngayon. Laman na kami ng mga balita at viral na yung nangyari sa amin sa buong Pilipinas. Ayoko ng marinig yan. Lalo lang ulit bumabalik yung sakit.

Umakyat ako ng kwarto. Sinarado ko ang pintuan. Binuksan ko yung cellphone ko para magfb. Kahit sa facebook eh napakarami ding nagpopost. Napuno din ng messages yung account ko dahil sa mga chismosong tao. Pati si Anthony ay nag-alala sa amin. Sa aming magkakaibigan. Si Anthony lang yung naligtas dahil hindi siya sumama sa camping. Siyam yung mga kaklase naming hindi sumama and the rest ay patay na. Maliban sa aming pitong nakaligtas.

Pinatay ko ang phone ko. Sumilip ako sa bintana. Ang ganda ng araw. Pero sana lang ay masaya ang lahat ngayon. Nagbihis na ako dahil pupuntahan ko pa yung burol ng mga kaklase at kaibigan ko.

Namatay din pala si Ashley. Hindi namin alam kung sino ang pumatay sa kanya pero baka sila Emmerson lang din. Kanina lang natagpuan yung katawan ni Ashley sa gubat. Kaaway ko man sila pero naaawa at naiiyak pa din ako. Hindi nila deserve iyon.

Bakit pa kasi nangyari ito?




                       VIOLET POV

Tinitigan ko yung litrato ni Kuya Vince na nakalagay sa ibabaw ng kabaong niya. Sinilip ko yung katawan niya. Hindi ko lubos maisip na yung taong prumoprotekta, nagmamahal, at nakakaunawa sa akin ay mamamaalam lang ng hindi ko man lang din nasuklian lahat ng ginawa niyang kabutihan sa kanya. Kung alam ko lang na may sakit na siya sa pag-iisip, dapat matagal ko na siyang natulungan.

Ang sabi ng mga tumingin sa kanila. Sila Nathan, Emmerson, at Kuya Vince ay may sakit sa pag-iisip. Hindi naman masyadong malala yung sa kanila pero may mga bad effects yun. Naoobsessed sila sa isang bagay at tao. Kapag alam nilang malabo nilang makuha iyon ay gagawin na nila ang lahat para lang mapasakanila yun. Umaabot na sa pagpatay yung ginagawa nila.

Sa kaso nila Emmerson. Tao yung gusto nilang makuha. Wala silang lakas ng loob masabi na may gusto sila sa isang tao kaya umabot nalang sa kinikidnapped nila ito. Kapag tapos nilang makuha ay kung ano-ano ng gagawin nila. May times na pagsasamantalahan nila iyon or sasaktan nila. Magsasawa din sila sa taong iyon at sa huli ay papatayin din nila yun.

May samahan pala sila sa school at si Nathan yung pinakapangulo nila. Ang target pala ni Nathan ay si Ehra, tapos ako naman ang target ni Emmerson. At si Kuya Vince. Si Emily ang gusto niya.

Hindi ako makapaniwala na mangyayari yun kay Kuya. Naipaliwanag sa akin yun nung pag-uwi namin galing Zambales.

“Bunso may naghahanap sayo.” nagulat ako ng magsalita sa likuran ko si Kuya Venedict. Napangiti ako. May isa pa akong kuya na magmamahal at poprotekta sa akin. Sana hindi mangyari sa kanya yung nangyari kay Kuya Vince. Si Kuya Venedict yung pinakamatanda sa amin. Tapos sumunod si Kuya Vince na mas matanda lang sa akin ng isang taon pero same grade level lang kami.

“Sino yun kuya?” tanong ko.

“Yung manliligaw mo bunso.” sagot niya. Ngumiti ako atsaka lumabas para puntahan si Theo. Paglabas ko ng bahay ay bumungad sa akin si Theo. Maayos yung bihis niya. Ano kayang ginagawa niya dito?

“Anong ginagawa mo dito? Makikiramay o manliligaw?” tanong ko sa kanya na ikinangiti niya.

“Pareho po.” sagot niya. Napangiti ako. Inilabas ko yung isang papel na nakuha ko sa bag ni Kio nung nakaraan.

“Ano yan?” tanong ni Theo sa akin.

“Kay Kio ito. Para sa akin. Hindi niya na naibigay sa akin. Nakita ko sa bag niya.” sagot ko.

“Love letter?” kunot noong tanong ni Theo. Napangiti ako.

“Short love letter.” sagot ko. Nakalagay sa papel na yun yung pagcoconfess niya sa akin. Alam ko na ibibigay niya din sana sa akin yun pero hindi niya na naibigay. Binuksan ko yung papel at muling binasa yung nakasulat.

To Violet,

Hindi ko alam kung anong meron ka? Ano nga ba? Gusto na kita dati pa pero ayoko lang umamin. Lumapit ako kay Stella at nakipagkaibigan dahil alam kong malapit siya sayo at medyo marupok din siya kaya madali ko siyang mapapaniwala.

Napatawa ako. Grabe naman siya kay Stella. Marupok si Stella pero parang gusto niya atang gamitin yung kahinaan ni Stella. Itinuloy ko ang pagbabasa.

Alam mo Violet, napakasungit mo. Hindi ko alam kung bakit ka ganyan. Pero nung time na nalaman ko na may gusto sayo si Pres Theo at nililigawan ka niya ay nagselos ako ng sobra kaya naman ginawa ko itong letter na ito. Aamin na ako sayo Violet. Gusto kita.

Naluluha ako habang binabasa ko iyon. Parang iiyak nanaman ako nito. Itinuloy ko nalang ulit yung pagbasa.

Violet. Sana maging masaya ka sa pipiliin mo. Sana maging masaya ka kay Pres. Alam mo Violet...

I like you. I really like you. But you have someone else...

                                         Your Kio...

Tuluyang bumagsak yung mga luha sa aking mga mata. Gusto ko sanang makita sa personal si Kio at gusto ko siyang makausap. Pero wala na akong magagawa. Nakaburol na siya at nakasuot ng barong.

“Are you okay?” tanong sa akin ni Theo. Tumango ako habang naiyak. Niyakap ako ni Theo.

“Sabi mo maikli lang.” sabi niya sa akin na ikinatawa ko naman.

“Alam ko na mas gusto mo si Kio kaysa sa akin. Alam kong kung papapiliin ka sa aming dalawa. Siya ang pipiliin mo.” sabi ni Theo habang yakap ako.

“Buti alam mo. Pero wala na siya. At alam mong malaki na yung chance mo.” sagot ko sa kanya.

“Kaylan mo kaya ako sasagutin?” pabiro niyang tanong.

“Siguro kapag handa na ako..” sagot ko.

“Mahal mo ba ako Violet?” tanong sa akin ni Theo. Kumalas ako sa pagkakayakap at tinitigan siya sa mata atsaka ako sumagot.

“Oo Theo.” sagot ko na ikinangiti niya.

“I love you Violet..” sabi niya.

I love you too. But not this time.” pagkasabi ko nun ay ngumiti siya ng mapait.

“Sinasabi ko naman Violet sayo na kung ayaw mo sa akin, hindi kita pipilitin. Kung saan ka sasaya, doon ako. Tandaan mo. If you be happy with others. Please don't find me anymore.” saad niya.

Tinitigan ko lang siya sa mata atsaka ngumiti.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon