CHAPTER 12

27 7 0
                                    

                          EHRA POV

Nakarating na ako ng bahay. Naiinis ako ngayon. Sobrang naiinis ako. Nawawala kasi si Camilla tapos tiwala? Alam ko naman na kailangan ng tiwala pero ano naman magagawa namin kung sakaling patay na si Camilla?

Hindi ko maintindihan ang mga police kung bakit kailangan pa ng 24 hours na yan para lang mareport na nawawala. Hindi pa ba sapat na nawawala si Camilla simula kanina pang umaga hanggang ngayon? Masyado lang talaga silang maarte!

Pumasok na ako sa gate namin. Dumiretso ako sa pintuan at ibinagsak ko ito para isara. Napatingin ako kay mama na nakangiti sa akin.

“Anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Kumain ka na ba?” tanong nito sa akin. Pero nginitian ko lang siya at umakyat na sa kwarto ko. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Gusto ko muna magpahinga.

Alam ko na kanina pa ako sinusundan ni Luke. Sumunod siya sa akin nung lumabas ako ng faculty kanina. Hanggang sa daan sinundan nya ako. Hindi ko na din siya pinansin kanina dahil gusto ko mapag-isa. Siguro, umuwi na din iyon.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama ko. Pumikit ako ng saglit sabay dumilat ulit. Pagod na pagod na ako ngayon. Ipapahinga ko nalang ang araw na ito. Tapos maaga akong gigising bukas para naman mahanap agad si Camilla.

Pipikit na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko. Napadilat nanaman ako at nainis ulit. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa phone ko. Si Stella lang naman yun kaya hindi ko sinagot at pumikit nalang ulit. Pero ilang saglit pa ay tumunog ulit ang phone ko. Napaupo ako sa aking kama at sinagot na ang phone.

“Hello! Bakit ka ba tawag ng tawag Stella? Hindi ka muna magpahinga? Pagod ako ngayon at ayokong makipag-usap!” sagot ko kay Stella.

“Hello? This is not Stella. Si Kio ito.” nanalaki ang mata ko nang ibang boses ang narinig ko sa phone ni Stella.

“Hoy! Nasaan si Stella? Anong ginawa mo sa bestfriend ko?! Nasaan siya? Bakit na sayo yung phone nya?” sigaw ko sa nasa kabilang linya.

Hindi ako makapaniwala. Bakit na kay Kio yung cellphone ni Stella? Hindi nga nagpapahiram ng cellphone yun eh. Anong nangyari sa bestfriend ko?

“Calm down. Wala akong ginawa kay Stella. Nasa hospital siya ngayon. Nahimatay siya kanina kaya dinala ko siya dito.” sagot niya.

“Wait lang. Pupuntahan ko kayo! Antayin mo ako!” sagot ko habang tumatakbo pababa ng bahay. Tinanong ko kung saang hospital yun. Malapit lang naman yung ospital kaya tatakbuhin ko nalang.

“Saan ka pupunta nak?” narinig ko ang tanong ni mama sa akin pero hindi ko siya nilingon. Tuloy lang ako sa paglabas ng bahay. Tinakbo ko nalang yung ospital na sinasabi nya dahil malapit lang din naman yun sa amin. Pero parang ang layo ng tinatakbo ko. Napagtanto ko na ibang ospital pala ang nasa isip ko. Ibang ospital pala yung sinasabi ni Kio.

Napahinto ako sa pagtakbo. Hingal na hingal na agad ako. Medyo malayo pala yung ospital na sinasabi ko ni Kio. Kailangan ko pang sumakay. Kaya naman naghanap ako ng jeep. Kaso wala masyadong nadaan na jeep kaya naman humingi na ako ng tulong.

Nakita ko ang isang motor na paparating kaya humarang ako sa dadaanan. Akala ko nga masasagasaan na ako pero huminto na agad ito.

“Hep! Kuya tulong! Pasakay!” sigaw ko habang lumalapit sa nagmamaneho ng motor.

Tumingin sa akin ang lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakahelmet ito.

“Kuya. Pahatid naman ako. Need ko na talaga makasakay! Naospital ang bestfriend ko. Kuya sige na. Babayaran nalang kita or ililibre. Kahit ano! Pahatid lang kuya please! Nagmamadali na ako.” pagmamakaawa ko sa lalaki.

“Walang bayad ang pagtulong. Sakay na.” pamilyar yung boses nya pero hindi ko na inintindi iyon. Sumakay na ako at sinabi ko na ang ospital na pupuntahan. Agad naman niyang binilisan ang pagmamaneho ng motor para makarating na agad.




NASA ospital na kami. Inihinto na ni kuya yung motor kaya naman agad na akong bumaba. Sumunod din si kuya sa akin. Hinanap ko yung kwarto na sinasabi ni Kio. Nakarating ako sa kwarto na iyon.

Nadatnanan ko si Kio na nakaupo sa gilid. Napatayo ito nang makita ako. Nakita ko din si Stella na walang malay kaya nilapitan ko agad siya.

“Anong nangyari sa kanya?” tanong ko.

“Nawalan siya ng malay kanina. Aalis na sana siya sa lugawan pero bigla siyang bumagsak. Buti nalang at nasalo ko siya kaya hindi tuluyang bumagsak.” paliwanag ni Kio.

Naantala kami ng pumasok ang doktor. Nakangiti ito sa amin.

“Kayo ba ang mga kaibigan niya?” tanong nito. Tumango naman ako.

“Actually, wala naman masamang nangyari sa kaibigan nyo. Nahimatay lang siya dahil sa sobrang init at pagod. Need lang ng pahinga.” paliwanag ni doc.

“Salamat po.” sagot ko. Lumabas na yung doktor. Muli kong tiningnan si Stella na wala pa din malay. Naawa ako sa kanya. Siguradong pagod lang talaga siya. Bakit kasi iniwan ko siya kanina? Hay..

Tumigil ako sa paghimahas sa buhok ni Stella nang maalala ko si kuya. Yung naghatid sa akin papunta dito sa ospital na nakatayo din sa harap namin ngayon. Tumingin ako sa kanya sabay ngiti.

“Salamat kuya ah. Salamat sa paghatid mo akin. Bayaran nalang kita.” sabi ko sa kanya.

“Sabing wala ngang bayad ang pagtulong.” sagot niya habang tinnatanggal ang kanyang helmet. At...

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang lalaking naghatid sa akin. Siya si Nathan! Hindi ako makapaniwala. Nagkataon lang ba? Si Nathan pala ang naghatid sa akin. Ang lalaking nakilala ko sa canteen.

“T-totoo ba? Ikaw yung naghatid sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“Yeah?” sagot nya naman. Ang swerte nya naman. Sa dami ko na pwedeng paghingian ng tulong eh siya pa yung maswerte kong napili.

“Uhmm.. Siguro naman pwede ka ng umuwi? Wala naman kapalit diba? Diba walang bayad ang pagtulong?” sabi ko sa kanya. Naalala ko kasi na wala pala akong nadalang pera dahil sa pagmamadali ko kanina. Ngumiti naman siya sa akin.

“Oo pero sa iba yun. Sa akin meron.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Hoy! Akala ko walang kapalit? Anong sinasabi mo dyan?” sigaw ko sa kanya na ikinangiti nya ulit.

“Chat nalang kita mamaya.” sabi niya sabay umalis na. Nakanganga lang ako. Akala ko walang bayad? Aba! Kailangan niya ata ng pera kaya nagpapabayad siya? Wala akong malaking pera. Maya-maya ay napatingin ako kay Kio na nakatingin sa akin ng seryoso.

“Close mo pala siya?” malamig na tanong nito.

“Oo nakilala ko siya s-” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla ulit siyang nagsalita.

“Ehra mag-iingat ka. Hindi mo pa masyadong kilala si Nathaniel. Sinasabihan lang kita habang maaga pa.” kinabahan ako sa sinabi niya. Para akong bata na naghahanap ng kasagutan sa sinabi niya. Umalis na siya. Hindi man lang nagpaalam si Kio. Walang modo nga naman.

Ano ba kasing sinasabi nila? Mabait naman si Nathan ah. Bakit parang galit sila sa kanya. Si Luke din last time, nagalit din siya kasi kausap ko si Nathan. Kilala na nila si Nathan sure ako pero bakit ganun sila? Anong problema nila kay Nathan? Inggit ba or else?

Hindi ko pa din naman kilala ng masyado si Nathan pero kailangan ko pa din mag-ingat gaya ng sabi ni Kio.

What if, may mga bagay pa pala akong hindi nalalaman tungkol kay Nathan?

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon