EHRA POV
“Dahan-dahan lang.” utos sa amin ni Violet. Nakayuko kaming lima dito para makapagtago sa dalawang guard na nakabantay sa daan papunta sa likod ng school. Nag-iingat kami ngayon at tahimik na nagtatago sa matataas na damo para makapunta sa likod ng school.
“Violet. Ang hirap naman ng plano mo. Nangangalay na ako.” reklamo ni Pres Theo.
“Tumahimik ka diyan Monkey Theo! Pare-pareho tayong mahuhuli kapag nag-ingay ka diyan.” mahinang saway sa kanya ni Violet. Muling inoangat ni Violet ang kanyang ulo para tingnan ulit ang mga guard.
“Kapag sinabi kong takbo. Tumakbo na kayo ah.” utos sa amin ni Violet kaya naman iinihanda ko na ang paa ko. Medyo mahirap kasing tumakbo dahil nakadress ako ngayon.
“Takbo na!” mahinang sigaw ni Violet kaya naman kumaripas na kami ng takbo papunta sa likod ng school. Tumakbo na din si Violet. Hindi ko alam pero bakit parang ambilis kong mapagod? Malayo na kami sa mga guard kaya naman huminto na kami sa pagtakbo. Grabe naman. Napagod agad kami doon.
“Violet! Ano nanaman ba itong gulong pinasok mo!” reklamo nanaman ni Pres Theo sa kanya. Kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Violet.
“Hello? Choice mo din kayang pumasok sa gulo! Kung hindi ka nakinig sa usapan namin ni Ehra. Edi sana nasa party ka ngayon nila Emily at kumakain na! Masyado ka kasing chismoso!” sermon sa kanya ni Violet.
“T-teka lang? Paano yung party ni Emily? Hindi ba tayo pupunta?” tanong ni Kio. Naalala ko din naman agad yung party. Baka nag-aantay na ngayon si Emily.
“Pwede pa naman mamaya. Atsaka nandito na din naman tayo. Babalik pa ba? Huwag na huy! Nakakapagod lang tumakas ulit sa mga guard.
“Okay, sabi mo.” sagot ko sa kanya. Tinuloy na namin ang paglalakad. Sinusundan namin si Violet kung saan siya pupunta. Parang kabisado niya na din ata itong lugar na ito. Si Pres Theo naman ay kanina pa naiinip at gusto ng bumalik.
Maya-maya ay nagulat kami ng pumasok sa isang damuhan si Violet kaya sinundan namin siya. At laking gulat namin nang makita ang isang pababang hagdan.
“Ayan guys.” nakangiting sabi sa amin ni Violet.
“Meron palang ganyan dito?” takang tanong ni Kio.
“Yes. At yan yung pinapaliwanag ko sa inyo na hindi ko na mabuksan. Nakapasok ako diyan pero nahuli ako. Baka nandito na yung kasagutan na hinahanap natin.” paliwanag sa amin ni Violet.
“W-wait lang! Private property na yan eh!” napatingin kami kay Pres Theo na sumigaw.
“P-paano mo nalaman? Nakapunta ka ba dito?” takang tanong ni Violet sa kanya.
“N-no. S-inabi lang sa aming mga president na bawal pumunta diyan. T-tara na! Umalis na tayo.” utal na sabi ni Pres Theo. Akmang aalis na sana si Pres ng bigla siyang hilain ni Violet.
“Walang aalis. Atsaka paano mo nalaman na private property ito? Nakakapunta ka na ba dito? Sumagot ka!” pasigaw na tanong sa kanya ni Violet. Medyo mahigpit na din yung hawak ni Violet kay Theo kaya naman inalis ko na yung kamay ni Violet. Makakasakit nanaman siya.
“N-no! Sinabi lang talaga sa amin yan.” sagot ni Pres. Pero nakikita ko sa mga mata niya ang takot.
“Siguraduhin mo lang.” matigas na sabi ni Violet. Pagkatapos ay bumaba na siya kaya sinundan na din namin siya. Medyo madilim sa baba kaya naman need namin ng flashlight. Binuksan ko yung flashlight sa cellphone ko. Binuksan ni Violet yung pintuan ng isang parang lumang classroom. Parang natuwa pa si Violet nung nabuksan niya ito.
“Finally.” ecxited na sabi ni Violet. Nauna siyang pumasok. Pagkatapos ay sumunod si Kio at Pres Theo. Huli kaming pumasok ni Stella. Ang creepy ng lumang classroom na ito. Nakakapit na din si Stella sa braso ko na halatang natatakot na din. Tumingin ako sa paligid at..
Ngek! Bakit may kulungan?
Nagtaka ako dahil dalawang kulungan na tumambad sa amin. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. Lumang classroom ba ito or lumang kulungan. May nakita din akong pintuan sa dulo. Mukha na din itong luma at nakasarado.
Nag-umpisa na akong kabahan. Dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa pintuan sa dulo. Nakakaba na talaga. Nakakapangilabot ang paligid. Nanginginig na din ako. Si Stella ay kumapit sa braso ko ng mahigpit.
Bugsh!
“Ah!” napasigaw si Stella ng may bumagsak na kahoy sa gilid. Maging kami din ay nagulat. Dumikit ng todo sa akin si Stella.
“Ayos ka lang?” tanong ni Kio kay Stella na ikinataas ko naman ng kilay. Bait-baitan ang plastik!
“O-oo.” kabang sagot ni Stella.
“Easy lang guys. Wala pa tayo sa ecxiting part.” sabi na Violet na medyo natawa.
“Violet!” nagulat kami ng sumigaw si Pres Theo pero hindi naman masyadong malakas.
“Nababaliw ka na ba? Ipapahamak mo ba kaming lahat sa kagagawan mo? Sabing private property ito at bawal pasukin! Hindi natin alam kung anong nasa loob niyang pintuan na yan.” dagdag pa ni Pres Theo. Actually, tama naman talaga si Pres Theo. Hindi naman namin alam kung ano ang nasa loob ng pintuan na yan at baka lalo kaming mapahamak. Ayoko na din sa plano na ito. Masyado ng malala itong ginagawa namin.
“Violet please. Gusto ko na din tumigil. Sabihin nalang natin sa pulis ito at bahala na silang mag-imbestiga dito.” pagmamakaawa ko kay Violet. Pero tiningnan niya lang ako ng masama.
“Ehra? Pati ikaw? Akala ko ba itutuloy natin toh? Ikaw lang yung pinagkakatiwalaan kong tutulong sa akin tapos gusto mo na din umalis!” sigaw sa akin ni Violet.
“Oo Violet! Gusto kong tumulong sayo! Gustong-gusto kong mahanap na din sila Camilla at Eunice. Pero hindi sa ganitong paraan!” sinigawan ko na din si Violet dahil naiinis na ako sa kanya.
“No! Tutuloy ako! Itutuloy ko toh!” pagpupumilit niya. Akma na sana siyang pupunta sa pintuan pero pinigilan siya ni Pres Theo.
“Violet, lets go! Mapapahamak ka lang!” pilit sa kanya ni Pres Theo. Takot na din ang mukha niya.
“Theo ano ba? Ano bang tinatago ng pintuan na yan? Bakit ayaw mong magpapapasok? May alam ka ba? Pwes! Ako na yung magbubukas niyan para matapos na itong kag*guhan natin!” pagkasabi nun ni Violet ay inalis niya ang kamay ni Pres Theo sa braso niya.
Natungo siya sa pintuan at akma na itong bubuksan. Napapikit kami ni Stella sa takot na baka kung anong nandoon. Pumikit kami ng ilang segundo ng biglang...
May narinig kaming ingay mula sa taas.
Teka ano yun?
Bakit parang may pababa?
Footsteps yun ah?
May pababa dito!
Napadilat ako. Natulala kaming lahat. Maging si Violet ay natulala din habang hawak niya ang door knob ng pintuan.
Hindi ko alam ang gagawin. Nanginginig ang mga tuhod ko. Ganun din si Stella.
Mahuhuli na ba kami?
At sino yung pababa?
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...