CHAPTER 35

20 5 0
                                    

                          EHRA POV

Isang buwan na yung nakakalipas nang mangyari sa amin yung bangungot na yun. Nakakulong pa din si Nathan. Hindi pa din nahahanap sila Emmerson at yung isa pang lalaki. Pero panatag naman na yung loob namin ngayon. Isang buwan na yung lumipas at wala nang nangyaring masama sa amin. Wala din nadagdag na kaso ng pagkawala at pagkamatay sa school pero patuloy pa din naming hinahanap sila Eunice at Camilla. Sobrang namimiss na namin sila.

Pero ititigil muna namin ang paghahanap ngayon. Magrerelax muna kami ngayon dahil andami ng nangyari sa buhay namin. June 29 na ngayon at Camping Day na. Sumali na pala ako sa Camping dahil magsisisama din sila. Sarili ko din namang pera ito. Nandito ako ngayon at nag-aayos ng mga gamit. Wala akong dalang tent pero si Stella na daw ang magdadala kaya naman hindi masyadong maraming bitbitin.

Bumababa na ako para umalis. Sinalubong ako ni mama at Kuya Ehlo. Nakaupo sila at nanonood ng tv.

“Oh, anak. Aalis ka na?” tanong sa akin ni mama.

“Opo ma. 8:00 am kasi yung alis namin. Kailangan maaga.” sagot ko.

“Bunso, ihahatid na kita.” yaya sa akin ni Kuya Ehlo pero umiling ako.

“Huwag na kuya. May kasabay naman ako.” sagot ko.

“Sure ka?” tanong ulit sa akin ni Kuya.

“Sure na sure. Bye, alis na ako.” pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at lumabas na ng pinto.

“Mag-iingat ka!” sigaw ni mama sa akin. Hindi ko na sinagot yun kasi nagmamadali na talaga ako. Wala na akong oras. 7:40 am na. Sumakay na ako ng jeep para pumunta sa school. Sa school kami magkikita-kita dahil nandun yung mga bus. Maraming sumama sa section namin kaya naman isang bus kami. Masaya na din yun.

Nakarating na agad ako sa school. Andaming tao na galing sa iba't ibang section. Hindi naman kami magkakaparehas ng pupuntahan. Sosyal noh? Hinanap ko na yung bus namin. Nakita ko din naman kaagad at sumakay na ako. Bumungad yung mga kaklase ko. Syempre bus nga namin diba? Alangan naman kabilang section. Kumaway si Stella sa akin na nakaupo na.

“Ehra tabi tayo!” sigaw ni Stella. Ngumiti naman ako at tumabi na kay Stella.

“Good morning Ehra.” bati sa akin ni Luke na nakaupo naman sa tapat namin. Katabi niya si Jhairone.

“Good morning din.” sagot ko. Inayos ko na yung mga gamit ko. Nakasuot din pala ako ng jacket kasi nilalamig ako.

Maya-maya ay pumasok si Violet. Nakaporma nanaman. Pero maganda naman siya. Always.

“Good morning guys.” bati niya sa amin.

“Good morning.” bati din namin sa kanya. Umupo siya sa likod namin ni Stella dahil bakante pa nga.

“Guys. Sinong katabi ko?” tanong ni Violet sa amin. Nagtaka naman ako. Sino nga ba? Tumingin ako sa paligid. Wala pa si Emily.

“Si Emily nalang. Antayin mo. Papunta na din yun.” sagot ko sa kanya.

“Okay.” sagot niya din sabay umupo na. Umupo na din ulit ako at nagready. Ecxited na ako. Si Stella eh may kachat sa cellphone. Sino naman kaya?

Dumating na din si Pres Theo kasabay si Kio. Ngumiti lang sila sa amin. Umupo si Kio sa likod nila Luke. At si Pres Theo ay tumabi kay... Violet?

Diba magkaaway sila? Friends na ba talaga sila? Actually hindi na nga sila nag-aaway eh. Baka friends na talaga sila.

“Good morning.” bati ni Pres kay Violet. Ngumiti lang si Violet sa kanya. Weird?

Dumating na din sila Emily, Adalyn at Dylan. Tumabi si Dylan kay Kio habang si Emily at Adalyn naman ang magkatabi. Makakapagtaka talaga. Hindi na masyadong nagpapansinan yung magjowa? Ano kayang nangyari? Break na ba sila?

Nagbabago na yung mga nangyayari pa paligid pati yung nga tao. Inantay namin yung iba. Actually nandito din yung sila Ashley at Zoey pero sa bandang harapan sila nakaupo. Nandito din si Shontelle yung muse namin at ex ni Kio, katabi niya si Missy yung secretary namin na boyish.

“Okay guys! Kumpleto na ang lahat. Aalis na tayo.” pagkasabi nun ni Sir Gomez ay nagsigawan ang lahat dahil sa ecxite. Umandar na yung bus. Ecxited na ako.

“Ansaya ko! Mababawasan na din kahit papaano yung stress.” sabi ko kay Stella.

“True ka diyan beh. Masaya talagang magcamping.” sagot ni Stella. Nagngitian kami sa isa't isa pagkatapos ay tumahimik na kami.

Medyo tahimik naman yung biyahe namin. Nakatulog na nga si Stella habang may earphone na nakalagay sa tainga niya. Tumingin ako sa tapat ng upuan namin which is sila Luke at Jhairone. Tulog silang dalawa. Gusto sanang umupo sa may bandang may bintana kaso nauna na sa akin si Stella. Huminga ako ng malalim. Binuksan ko ang cellphone ko at isinaksak ko dito ang earphone ko. Nakinig ako ng music ni “Taylor Swift.” ito talaga yung pampatulog ko madalas. Nakatingin lang ako sa may harap ko hanggang sa nilamon na ako ng antok. Nawalan na din ako ng malay at nakatulog na.



“Okay guys, gising na ang lahat. Magready na. Malapit na tayo!” naalimpungatan nang sumigaw si Sir. Gomez. Kaagad naman akong gumising at tinanggal na yung earphone sa tainga ko. Inayos ko na yung bag ko. Tumingin ako kay Stella pero tulog pa din ito.

“Huy! Gumising ka na diyan. Malapit na.” Gumising naman siya. Pero kinakamot pa yung leeg.

“Ano ba yan.. Ang sarap pa matulog eh.” reklamo niya sabay hikab.

“Aba beh. Malapit na tayo bumaba. Pwede ka namang magcamping dito sa bus kung gusto mo.” biro ko sa kanya na ikinangiti niya.

“Ehra gusto mo?” napatingin ako kay Luke. May binibigay siya sa akin. Chocolate.

“Sige. Thank you.” kinuha ko yung chocolate.

“Uy! May pachocolate si Mayor. Ayiee!” pabirong bulong sa akin ni Stella.

“Tumigil ka nga.” saway ko sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina at pagkatapos ay nag-ayos na ulit ng mga gamit niya. Tumingin ako sa bintana. Malalaking puno yung nadadaanan namin. Forest yung pagkacampingan namin alangan. Nandito na kami sa gubat pero baka dun pa kami sa medyo gitna. Ecxiting talaga toh.

Hindi na ako makapag-antay na gumala. Second time ko na itong camping kasi sumama na din ako last year pero parang boring naman yung nakaraan. Sa tingin ko, mas masaya toh kasi nandito yung mga kaibigan ko.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon