CHAPTER 27

21 6 0
                                    

                          EHRA POV

“Stella! Huwag!” sigaw ko. Napapikit ako habang umiiyak.

“F*ck you! B*tch! Pangit!” nagulat ako ng sumigaw si Violet. Dumilat ako ng dahan-dahan. Napatingin ako sa lalaki na nakaamba ng saksak kay Stella. Malapit na yung kutsilyo. Nakayuko si Stella, nakapikit at umiiyak. Huminto ang lalaki dahil sa pagsigaw ni Violet. Tumingin yung lalaki kay Violet. Nilapitan siya nito.

“Nangingialam ka?” nagulat ako. Pamilyar yung boses ng lalaki pero sure ako na nakausap or narinig ko na yung boses na yun. Bigla niyang sinampal si Violet. Napayuko si Violet dahil mukhang masakit yung pagkakasampal.

“Hey! You are stupid!” sigaw ni Pres Theo sa lalaki habang nagpupumiglas na makaalis sa upuan. “Gusto mo din makatikim?” bantang tanong ng lalaki kay Pres Theo. “No! Huwag mong sasaktan ang mga kasama ko! Nakikilala kita! Kilala ko ang boses mo!” sigaw ko sa lalaki na ikanatingin niya. Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan. Kinakabahan ako. Pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko yun dahil totoo naman.

Mukhang aambahan niya ako ng saksak.

Dadating na ba sila Luke? Please lang pakibilisan niya.

                         LUKE POV

Nakabihis ako ngayon at papunta sa police station kasama si Dad. Gamit namin ang kotse niya. Tumawag sa akin si Ehra kanina at humihingi ng tulong. Hindi prank yun dahil rinig ko sa boses ni Ehra yung takot. Pinabilis ko na kay Dad yung pagdrive kasi baka may nangyari ng masama sa kanila. Kinakabahan at nanginginig na ako.

“Anak calm down. Malapit na tayo.” sabi sa akin ni Dad.

“Dad. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanila. Hindi niya din nasabi kung sinong mga kasama niya. Basta sure ako na nasa panganib sila.” paliwanag ko kay Dad.

Nakarating na kami sa Police Station at dumiretso agad ako sa isang police.

“Kailangan ko ng tulong niyo. Right now.” pagmamakaawa ko.

“Kalma boy. Gagawan namin ng paraan yan. Huminahon ka muna.” sagot nito sa akin.

“What? Nasa panganib ang kaibigan ko! Kailangan na nila ng tulong. Baka kung ano ng nangyari sa kanila.!” hindi ko namalayan na nasigawan ko na ang pulis.

“Anak. Huminahon ka.” sabi sa akin ni Dad.

“Pakibigay muna ang mga detalye bago kami umaksyon.” sabi ng pulis kaya naman binigay ko na agad lahat ng detalye pati yung mga sinabi sa akin ni Ehra kanina. Pagkatapos ay kaagad nang nagpadala ng mga kapulisan sa school dahil iyon yung sinabi sa akin ni Ehra kung nasaan sila. Hindi kami kaagad kami nakapasok sa school dahil kung ano-ano pang tinanong ng mga guard.

Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ng nangyari kina Ehra. Kaya naman nakaisip ako ng paraan para makapasok na. Nakita ko yung isang daan papasok ng school kaya naman sinamantala ko yung pag-uusap ng mga pulis at ng mga guwardiya para pumasok. Nakatalikod din si Dad.

Pinasok ko na yung school at agad tumakbo para hindi mahuli. Wala akong pakialam. Basta ay mailigtas ko lang sila Ehra. Ililigtas ko sila.

I will save my beloved woman.

                         EMILY POV

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko. Nanonood ako ngayon ng t.v nang biglang magchat sa gc namin si Luke.

Nawawala daw sila Ehra?

Hindi ako makapaniwala. Nawawala ang mga plastik? Si Ehra at Stella? Naseen na nila Dylan, Adalyn at Anthony. Nagtataka ako kasi ang tagal magseen ng iba. Bakit kaya?

Well wala akong pake.

Deserve lang nila na makidnapped o kung ano man ang nangyari sa kanila. Karma na nila sa pagiging plastik nila. Hindi sila pumunta sa party ko. Atsaka siguro naggala sila sa school kaya nawala sila. Or baka naman nagbibiro lang sila?

Ay! Wala talaga akong pakialam. Magkamatayan na sila kung magkamatayan. Umupo ulit ako para manood ng t.v pero habang nanonood ako ay kung ano-anong naiisip ko. Kaya hindi ko din maintindihan yung pinapanood ko.

Si Ehra. Mabait sana siya. Kaso uto-uto kaya madaling mahawaan ng kaplastikan. Si Stella, kapit lang sa mga kaibigan. Marupok pa na akala mo naman ikinaganda niya. Si Violet feeling maganda. B*bo naman. Puro paganda eh lagi naman nasa guidance. Si Luke masyadong protective. Ayan tuloy naging plastik din. Plastik naman talaga silang lahat. Pati si Camilla. Kaya wala akong pakialam sa pagkawala niya. Deserve nila yun. Mga b*tch!

Pinatay ko nalang yung t.v dahil hindi naman ako makafocus sa panonood. Tumaas nalang ako sa kwarto ko para matulog. Masaya ako ngayon. Atleast nabawi na din yung hindi nila pagpunta sa birthday ko.

Karma nila yan kasi masyado silang mga selfish.

                      ADALYN POV

“Totoo ba love? Nawala sila Ehra at Stella?” kaba kong tanong kay love.

“Sabi ni Luke eh.” sagot niya.

Nandito kami sa coffee shop ngayon. Ang paboritong tambayan naming magtotropa. Kanina pa kami nandito simula pa nung matapos yung party ni Emily kanina ay dumiretso kami dito ni love. Masyadong nagmamadali si Anthony kaya umuwi na mag-isa. Nagbabasa ako ng messager. Kanina pa ako nagchat kung anong nangyari pero ni isa walang nagsiseen. Maski si Luke, Emily, Violet or Kio.

“Nakakaloka love walang nagsi-” napahinto ako sa pagsasalita ng makita kong may hawak na lipstick si Dylan. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin siya sa akin at itinago niya yung lipstick sa bulsa niya.

“Kanino yan? Bakit ka may lipstick!” sigaw ko sa kanya. Umalingawngaw yung boses ko sa buong coffee shop na ikinatingin naman ng mga tao sa amin.

“W-wala toh love. Napulot ko l-lang toh.” palusot niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Dylan wag kang magsinungaling! Kanino iyang lipstick na yan? Bakit meron ka niyan?” inis kong tanong ko sa kanya.

“A-no kasi l-love. N-napulot ko lang ito.” sabi niya at halatang kinakabahan siya. Kabahan talaga siya! Siguro sa babae niya yung lipstick na yun!

“Ilabas mo yan. Akin na yung lipstick! Patingin!” inis kong utos sa kanya. Tumingin muna siya sa akin ng kabado at nanginginig na inilabas yung lipstick. Agad ko namang hinablot sa kanya yung lipstick at tiningnan kong mabuti. Nanlaki yung mga mata ko.

Teka? Pamilyar sa akin itong lipstick.

Tiningnan kong mabuti at...

Teka lang! Kay Camilla itong lipstick!

Nanginig ang mga kamay ko at parang hindi ako makagalaw. Bakit na kay Dylan ito? Hindi sa nagseselos ako kasi imposible na mapunta ito kay Dylan. Yung lipstick na ito ay nawala nung nawala din si Camilla. Kinikilabutan ako.

“B-bakit na sayo toh?” maluhang tanong ko sa kanya.

Hindi ako makapaniwalang nasa sa kanya ito. Hindi ito pwedeng mapunta sa kanya dahil na kay Camilla talaga ito. Sure din ako na kay Camilla ito kasi madalas akong humiram nito.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Wala akong masabi. Hindi ko talaga alam.

Bakit na kay Dylan ito? May kinalaman ba siya sa pagkawala ni Camilla?

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon