CHAPTER 33

20 6 0
                                    

                          EHRA POV

“Oh my gosh! Violet!” sigaw ko sabay takbo ko kay Violet at niyakap siya. Naiiyak ako ngayon. Hindi ako makapaniwalang maliligtas pa siya. Akala ko talaga mamatay na siya. Ang saya ko!

Kumalas siya sa pagkakayakap. Si Stella naman ang yumakap sa kanya. Pagtapos nun ay si Luke naman. Tumingin siya sa amin ng nakangiti. Maging siya din ata mismo, hindi makapaniwala na maliligtas siya. Pero syempre hindi pwedeng mamatay si Violet kaya ginawa ko ang lahat para lang makatawag agad ng mga pulis.

“Violet ayos ka lang? May masakit pa ba sayo? Anong ginawa nila?” alala kong tanong sa kanya.

“Ayos na ayos ako Ehra. Masakit pa yung mga paa ko pero ayos lang. Ang mahalaga nakaligtas na tayo.” nakangiti niyang sagot.

“Sorry Violet. Hindi na dapat kita iniwan kanina. Kasalanan ko.” sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng tumawa siya ng mahina.

“Ehra ano ka ba? Kung hindi ka nakatakas kanina edi sana hindi tayo makakatakas. Lalo tayong mapapahamak. Salamat Ehra.” sagot niya. Ngumiti ako. Talagang matalino din talaga si Violet sa mga ganitong bagay.

“Guys, si Nathan. Puntahan natin siya. Mananagot sa akin yung h*yop na yun.” sabi naman ni Luke.

“Nahanap na pala siya. H**inayupak siya. Bubugbugin ko yung hayop na yun.” galit na sabi ni Violet.

“Halika na. Asikasuhin na natin yung h*yop na yun.” sabi ko. Kaya naman sabay -sabay kaming lumabas sa ospital.

Hindi ko palalampasin yung mga pinaggagawa sa amin ni Nathan.

Nakarating na kami sa Police Station. Sumalubong sa amin sila Pres Theo at Emily. Nandito na pala sila. Tumingin ako kay Emily na nakasimangot. Nag-aalala ba siya sa amin? Baka galit siya dahil hindi kami nakapunta sa party niya. Pero alam niya naman yung nangyari sa amin kaya maiintindihan niya din yun.

“Ayos lang kayo Ehra? Violet?” alalang tanong sa amin ni Pres. Tumango lang kami ni Violet.

“Nasaan na yung h*nayupak na yun?” tanong ni Violet na halatang gusto ng makita si Nathan.

“Nasa loob. Halika na.” sabi ni Pres Theo. Nagmamadaling pumasok si Violet. Sumunod naman kami sa kanya. Pagkapasok namin ay tumambad sa amin si Nathan. Nakaupo at nakayuko. Nakaposas ang dalawang kamay. Iniangat ni Nathan yung ulo niya ng makita kami. Lumapit si Violet sa kanya at nagulat kami ng bigla niyang sinuntok si Nathan kaya naman inawat siya ng mga pulis.

“F*ck you! Ang lakas ng loob mong gawin sa amin yun! Sino ka ba ha? Sino ka para gawin sa amin yun!” sigaw sa kanya ni Violet habang nagpupumiglas na makawala sa mga pulis. Hindi sumagot sa kanya si Nathan. Parang lutang.

Nagulat ulit kami nang biglang lumapit si Luke kay Nathan at sinuntok din ito. Pinigilan naman siya ni Pres Theo.

“H*yop ka! Bakit mo ginawa sa kanila yun? B*liw ka ba? Mabulok ka sa kulungan!” sigaw ni Luke sa kanya. Hindi pa din sumasagot si Nathan.

Biglang lumapit si Stella kay Nathan at sinampal niya ito.

“Walang hiya ka! Paano mong nagagawang manakit ng mga babae! Hindi mo ba alam na natrauma ako sa ginawa niyo sa amin!” sigaw ni Stella. Hindi ko na mapigilan ang damdamin ko at lumapit kay Nathan. Isang malakas na sampal ang binigay ko din sa kanya.

“D*monyo ka! Kakaibiganin na sana kita! Nagtitiwala ako sayo dahil mabait yung pakikitungo mo sa amin! Plastik ka pala! Hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa amin yun!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa galit. Iniangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Umiiyak din siya.

“E-ehra sorry. Hindi ko sinasadya yun. Gusto ko lang na maramdaman mo kung gaano kita kamahal. Gusto kong maging akin ka!” paliwanag niya. Napalayo ako sa baliw na lalaking ito. Si Luke ay susugudin pa sana siya pero pinigilan siya ni Pres.

“Oh! Magkatulad kayo ng kaibigan mong si Emmerson! Baliw din sa kagandahan ko kaya kinidnapped kami! Ganun ba kayo magkagusto? Mga baliw!” napatingin kami kay Violet dahil sa sinabi niya. Alam niya na din pala na si Emmerson yung si Mr. Poging Kidnapper.

“Emmerson Valdez?” napatingin naman kami kay Pres Theo dahil sa tanong nito. Kilala yun ni Pres dahil nga president din siya.

“Yes.” sagot sa kanya ni Violet. Ganun ba talaga sila. Gagawin ang lahat makuha lang yung gusto nila. Hindi masamang magconfess pero hindi na normal yung ginagawa nila. I think may sakit talaga sila sa utak.

“Tama na po. Mamaya na po ulit magbigay ng statement ang lahat.” awat ng isang pulis sa amin. Itinayo na nila si Nathan at pinasok sa kulungan. Nakatingin sa akin si Nathan. Kinilabutan ako dahil nakangiti siya sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Lumabas muna kami ng Police Station.

“Hindi ako makapaniwala.” sabi ni Pres Theo.

“Napatunayan lang nila na selfish at baliw ang mga class president.” sabi ni Violet na ikinataas ng kilay ni Pres.

“Ibahin mo ako Violet. Hindi ako kikidnapped para lang masolo yung gusto ko. Kaya kong magconfess.” pagmamalaki ni Pres. Ngumisi si Violet.

“Kwento mo yan.” pagkasabi nun ni Violet ay tumalikod siya sa amin at akmang aalis na.

“Violet saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Magpapahangin lang ako saglit.” sagot niya sa akin habang patuloy na naglalakad palayo sa amin.

“Mag-iingat ka!” sabi ko. Hindi siya sumagot at tumuloy lang sa paglalakad.

“Guys. Sundan ko lang siya.” nagulat kami ng magpaalam si Pres Theo para sundan si Violet. Bakit kaya? Dont tell me na mag-aaway nanaman sila? Pero hayaan mo na muna sila. Atsaka si Pres lang din naman yung kawawa kay Violet.

“So guys? Ano na?” tanong ni Stella sa amin.

“Uuwi na ako.” paalam ni Emily sa amin sabay tumalikod at umalis. Ano bang problema nun? Hindi niya ba kami naiintindihan na kaya hindi kami nakapunta sa birthday niya kasi nga may nangyaring masama. Marunong naman siguro siyang umintindi.

“Masama pa din ata yung loob niya.” sabi ni Luke.

“Naiintindahan niya ba talaga? Alam niya na muntik na kaming mapahamak at mamatay. Hindi man lang ata nag-alala sa amin eh. Tapos magtatanim pa siya ng sama ng loob? Kung kaibigan niya talaga tayo. Maiintindihan niya tayo.” inis na sabi ni Stella. Agree naman ako. Kung kaibigan talaga kami ni Emily eh maiintindihan niya kami. Hindi niya nga kami tinanong kung ayos lang kami.

Nagtataka na ako. Ano ba talagang dahilan? Yung hindi ba talaga namin pagpunta sa party? Kasi kung meron pang iba, pwede namang pag-usapan.

Kaibigan ka ba talaga namin Emily?

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon