CHAPTER 21

22 7 0
                                    

                          EHRA POV

Sir Gomez: “Attention. May gaganapin na camping sa June 29. Lahat ng gustong sumama, magbayad lang sa akin ng 700 pesos. Para sa bus na sasakyan ito. Tapos sariling pagkain niyo nalang. Magbaon din kayo ng mga tent para may matulugan kayo. Have a blessed day.”

Iyon agad ang bumungad sa akin pagbukas ko ng messanger. 4:00 pm na. Nakatulog pala ako kanina pagtapos kong kumain ng tanghalian. Tadtad na din ako ng chats ngayon sa aking messanger. May messages galing kay Luke, Stella, Violet at Nathan. Inuna ko muna magreply kay Stella.

Stella: “Sasama ka sa camping?”

Nagtype ako pero nag-isip muna saglit. Hindi ko din alam kung makakapunta ako sa camping pero susubukan ko. June 29 pa naman yun eh. April 30 palang ngayon kaya may time pa ako para makaipon.

Me: “Hindi ko sure.”

Sinend ko na yun sa kanya at nagback na sa message niya. Sumunod ko naman tingnan yung chat ni Luke.

Luke: “Ayos na ako. Salamat sa pagtulong sa akin kanina ah.”

Ngumiti ako dahil ayos na si Luke. Atsaka hindi lang naman ako yung tumulong sa kanya kanina. Sila Stella at Emily din. Ang bigat niya kasi kaya hindi ko siya kaya.

Me: “Okay lang yun. Walang bayad ang pagtulong. Sila Stella at Emily din naman yung isa sa mga tumulong sayo kaya magpasalamat ka din sa kanila. Pagaling ka.”

Sinend ko na din yun sa kanya. Sana ay maging maayos na din siya. Sumunod kong tingnan yung chat ni Violet.

Violet: “Bukas na yung plano.”

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko next week pa? May napagkasunduan na kami plano ni Violet para mag-imbestiga na sa pagkawala ni Camilla at Eunice. Pati na din sa iba pang victim. Kinakabahan nga ako sa plano ni Violet tapos sasabihin niyang bukas na agad.

Me: “Anong bukas? Akala ko ba sa next week pa? Hindi pa ako ready.”

Sinend ko na yun sa kanya ng may kaba sa dibdib. Nagback na ako sa conversation namin ni Violet at huli kong tiningnan yung chat sa akin ni Nathan.

Nathan: “Hi Ehra! Sure ka ba sa friday? If ayaw mo, pwede naman sa weekend. I miss you na agad!”

Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinabi sa chat. Hindi ko mapigilan makaramdam ng kung ano. Hindi ko alam kung namumula ba ako o kinikilig na kinakabahan? I miss you ba naman! Diba mga magjowa or magkakaibigan lang nagsasabihan ng ganun? Atsaka sinasabi lang yun kapag matagal kayong hindi nagkita? B-bakit?

Oh my gulay lulay!

Agad akong tumayo mula sa kama ko papunta sa salamin para icheck kung anong nangyayari sa akin. Last time ko na narinig yung salitang iyon kay Stella nung nagbakasyon ng dalawang linggo dati. Pero hindi ako nakaramdam ng ganito. Ano toh ngayon?

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. At...

Oh my gulay lulay! I'm blushing!

Muli akong tumakbo papunta sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

“Ehra ano ba! Tumigil ka nga! Hindi ka kinikilig okay? Tumigil ka! Ugh!” sabi ko sa sarili ko habang nakataklob ng kumot. First time kong kiligin.

Pero hindi naman masyadong nakakilig yung sinabi niya ah? Bakit parang anlakas naman ng tama nun sa akin? Hala! What if....

Nafall agad ako dahil lang sa I miss you niya?

Umalis ako sa pagkataklob at umupo sa kama. Pinukpok ko ang ulo ko.

“Hindi! Hindi ako kinikilig. Wala akong nararamdaman. Tumigil ka Ehra please.” para akong t*nga na pinupokpok yung ulo dun habang kinakausap yung sarili. Ayoko nga kasi kiligin!

***

7:00 pm na. Nandito ako ngayon sa dining table namin. Kumakain na kami ng hapunan. Kaming tatlo nila mama at Kuya Ehlo ang nagsasalo -salo sa hapag-kainan. 5 years na yung nakakaraan nung namatay si papa. Kaya simula noon, tahimik nalang kaming kumakain. Unlike nung nandito pa si papa na panay tawa kami.

Actually kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay mama na pinapapunta siya sa guidance office bukas. Tumingin ako kay mama at kay kuya na tahimik lang din na kumakain. Nilakasan ko na yung loob ko kasi malapit na sila matapos at baka hindi ko pa masabi.

“M-ma? M-ay sasabihin po ako s-sainyo.” kaba kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa akin ng may malaking pagtataka. Napatingin din si Kuya Ehlo.

“Ano yun nak?” tanong niya sa akin. Huminga muna ako ng maluwag pagkatapos ay nagsalita..

“Ma.. Pinapatawag ka sa guidance..” pagkasabi ko nun ay pumikit ako. Alam ko na magugulat at magagalit sila sa akin kaya tatanggapin ko. Kasalanan ko din naman.

“Ano? Bakit?” taka niyang tanong sa akin. Dumilat ulit ako para sumagot.

“Nakipagsabunutan po ako..” sagot ko sabay yuko.

“Ha? Anak bakit naman? Bakit ka nakipagsabunutan? Alam mo naman na masama yun ah? Atsaka ngayon ka lang magaguidance. Baka hindi ka makakuha ng good moral kapag nagkarecord ka?” sabi ni mama. Dinig ko sa tono niya ang pagkadismaya.

“Bakit ba kasi bunso? Dahil saan? Bakit ka nakipagsabunutan?” tanong pa ni Kuya Ehlo sa akin. Dahan- dahan ko namang iniangat ang ulo ko para sumagot ulit.

“Mama, kuya. Hindi naman talaga ako yung nanguna. Sila Ashley at Zoey po talaga. Nananahimik lang kami nila Stella at Emily tapos bigla silang nagsimula ng gulo. Tinapunan po nila ako ng iced coffee kaya hindi ko na po napigilan yung sarili ko kaya gumanti po ako...” paliwanag ko. Napabuntong-hininga si mama habang si Kuya Ehlo naman ay tumuloy sa pagkain.

“Oh. Sila naman pala nanguna eh. Edi sila may kasalanan dun. Bunso, ipaliwanag mo yan sa guidance bukas. Alam kong mabait ka pero maldita sa mga nagmamaldita sayo.” sabi ni kuya na ikinangiti ko naman.

“Salamat kuya..” sagot ko sa kanya.

“Sige anak. Harapin natin yan bukas. Pero mangako ka na hindi ka na ulit makikipag-away. Magtimpi ka na kahit anong mangyari. Bahala na ang Diyos sa kanila.” sabi naman ni mama. Tatalon na sana ako sa saya kaso hindi pwede. Hindi man lang sila nagalit.

“Opo mama! Pangako po na hindi na ako gaganti! Salamat ma.” pagkasabi ko nun ay hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

Natapos kami sa pagkain. Ako na din pala yung naghugas ng mga pinggan. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko para matulog na. 9:30 pm na. Bago ako matulog ay tiningnan ko ulit yung messanger ko. Wala pang sumasagot sa mga nireplayan ko kanina.

Nakita ko ulit yung chat sa akin ni Nathan. Sh*t! I don't want to see this!
Binura ko yung message ni Nathan kasi kapag nakikita ko lang ay nagbablush lang ulit ako.

Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko. Kilig ba o love?

Or trip ko lang talaga?

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon