VIOLET POV
“Bilisan mo.” inis kong sabi.
Pinuputol ko yung tali gamit yung isang kutsilyo. May nakita akong kutsilyo dito sa may gilid kaya naman inurong ko ng inurong yung upuan ko. Tapos pinilit kong kunin yung kutsilyo. Nakuha ko din naman kaya ngayon, pinuputol ko na yung tali. Naiinis ako. Ang purol pala ng kutsilyong ito. Ang hirap tuloy putulin ng tali. Maya-maya ay naputol ko na din yung tali ko sa kamay kaya naman sinunod ko ng putulin yung tali sa paa.
“Bilisan mo naman! Baka dumating nanaman yung baliw.” inis kong sabi.
Natanggal ko din naman agad yung tali ko sa paa. Tumayo ako at sinipa yung upuan.
“Whoa! Nakaalis din!” sigaw ko. Agad na din akong lumabas ng bahay na iyon dahil baka maabutan ako ni Emmerson. Pero bago ako tuluyang lumayo sa bahay ay nilingon ko ulit yun para tingnan. Luma na yung bahay na yun at kung titingnan ay para talagang haunted house. Hindi ako makapaniwala na may ganito pala sa gubat na ito. Kanino kayang bahay yan?
Tuluyan na din akong umalis sa bahay na yun. Medyo nag-iingat ako dahil gabi na. Madilim na at wala akong anumang ilaw or flashlight. Pero salamat ulit sa buwan. May onti pa din na liwanag. Tumingin ako sa langit. Ang ganda pa din ng buwan. Pero kalahati nalang. Walang mga bituin. Makulimlim ata ngayong gabi kaya walang mga bituin.
Tinuloy ko na yung paglalakad ko. Nagugulat nalang ako bigla dahil kung ano-anong tunog yung naririnig ko. Kailangan kong makabalik sa tent. Ano na kayang nangyayari? Hinahanap na kaya nila ako? Baka hinahanap na din ni Emmerson sila Ehra. Baka saktan niya sila gaya ng sinabi niya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad.
Parang may naririnig akong mga yapak. Tumingin ako sa paligid ko. Sino yun?
“Hija?”
“Ah!” napatili ako ng magulat ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Lumingon ako sa likuran ko. Napaatras ako. Nakita ko ang isang matandang lalaki.
“Hija, huwag kang matakot. Magtatanong lang ako sayo.” sabi ng matanda. May flashlight siya at nakatutok iyon sa akin.
“ S-sino po ba kayo?” tanong ko.
“Itatanong ko lang kung nasaan na yung campingan? Naliligaw ako at hindi ko na mahanap yung daan pabalik sa pinagcacampingan. Wala namang signal dito. Alam mo ba hija?”
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Lumapit ako ng onti para makita ng maayos yung mukha niya. Nanlaki pa yung mga mata ko ng makilala ko siya.
Yung driver ng bus namin! Hindi ko alam yung pangalan niya pero siya nga yun.
“Ikaw nga yan!” sigaw ko.
“A-anong ako hija? Nakikilala mo ba ako?” taka niyang tanong.
“Opo naman! Kayo yung driver ng bus namin! Isa po ako sa mga nagcamping.” sagot ko.
“Ay, salamat sa Diyos. Hija alam mo ba ang pabalik?” tanong niya.
“Hindi ko po alam. Naliligaw din po ako.“ sagot ko.
“Paano tayo makakabalik niyan?” tanong pa ng matanda.
“Hanapin po natin yung daan pabalik. Pero mag-ingat po tayo dahil may gumagala po dito at gusto tayong patayin.” paliwanag ko na ipinagtaka niya.
“Ha? Anong mag-ingat? Sino ang papatayin hija?” tanong niya pa. Naiinis na akong sumagot.
”Ah, basta po. Mahabang kwento po. Mamaya ko nalang po ikukwento kapag nakabalik na tayo. Basta kailangan lang po muna nating mag-ingat.” sabi ko. Tuluyan ko siyang nilapitan at hiningi ko ang flashlight sa kanya.
“Akin na po yung flashlight. Ako na pong bahala.” sabi ko. Ibinigay niya naman na yung flashlight. Hinawakan ko yung kamay niya para alalayan siya. Naglakad ulit kami.
Nakaramdam ako ng konting kaginhawaan. Atleast may kasama ako ngayon. Hindi niya lang alam yung daan pabalik sa campingan pero alam niya yung daan palabas ng gubat.
Malaking tulong siya para makaalis na kami sa gubat na ito.
EMILY POV
“Ano ba Vince! Ano bang ginagawa mo?” inis kong tanong. Napatingin siya sa akin ng masama.
“Gusto mo tuluyan na kita dyan? Tumahimik ka!” pagbabanta niya sa akin sabay hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko. Nakatago kami ngayon sa likod ng isang malaking puno. Nakita namin sila Ashley at Zoey na naglalakad. Hindi ko alam kung anong balak niya at nagtago siya dito. Natatakot ba siya na baka mahuli siya ng dalawa? Eh kaartehan lang naman yung ilalaban ng dalawang iyan. Medyo malayo yung dalawa sa amin kaya kahit nagkakainisan kami dito eh hindi nila naririnig.
Nanlaki yung mga mata ko ng maglabas si Vince ng baril. Itinutok niya ito kina Ashley. Nakapikit yung isang mata niya at inaasintado niya yung dalawa.
“Emmerson ano ba!” sigaw ko sa kanya. Nagulat ako ng biglang pumutok yung baril. Kasabay nun ang isang malakas na sigaw ni Ashley. Napatingin ako sa kanila. Bumagsak na sa lupa si Zoey habang si Ashley naman ay iniiyakan yung kaibigan niya. Natamaan ng bala si Zoey.
“Emmerson ano bang ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?” sigaw ko sa kanya pero ngumiti lang siya.
“Oh, nice shot.” nakangiti niyang sabi sabay itinutok naman niya kay Ashley yung baril. Inaasinta niya uli ito. Hindi ko na mapigilan yung kasamaan na ginagawa niya. Tinadyakan ko siya sa tiyan kaya naman bumagsak siya sa sahig. Tumingin ako kay Ashley na nakaupo pa din at iniiyakan yung kaibigan niya. Sinigawan ko siya.
“Ashley! Tumakbo ka na!” sigaw ko. Napatingin si Ashley sa akin at napatayo. Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Emmerson kaya naman natumba ako. Itinutok ulit ni Emmerson yung baril niya kay Ashley. Pumutok ulit yung baril pero hindi niya natamaan si Ashley dahil nakatakbo na agad ito. Hahabulin niya pa sana si Ashley pero hinila ko yung paa niya para hindi niya maituloy yung binabalak niya.
Inalis niya yung kamay ko sa paa niya.
“P*ta naman oh! Pakialamera ka Emily!” sigaw nito sa akin. Tumayo ako. Tinitigan ko siya ng masama.
“Napakasama mo Vince! Ano bang nakain mo kung bakit ka nagkakaganyan? Papatayin mo ba kaming lahat dito?” sigaw ko sa kanya. Hindi ko na mapigilang umiyak.
“Wala kang pakialam Emily! Pasalamat ka nga at hindi pa kita tinuluyan dahil gusto kita!” sigaw niya din sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
“Gusto mo ako? Pero bakit ka pumapatay? Baliw ka na ba!” sigaw ko sa kanya. Wala akong pake kung gusto niya ako o kung mahal niya man ako. Pero bakit siya pumapatay?
Kinabahan ako ng bigla siyang humalaklak ng tawa. Napaatras ako. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari kay Vince. Kung bakit siya nagkakaganyan. Baliw na ba talaga siya?
“Dahil gusto kong pumatay.” seryoso niyang sabi. Lumapit siya sa akin at bigla niya akong sinuntok sa tiyan na ikinatumba ko naman.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...